Episode 3: Decision Making

2K 62 1
                                    



Maaga akong gumising ngayon pero hindi katulad kahapon na gusto kong pumasok. 

Alam ko kasing may posibilidad na paalisin na ako sa eskwelahan na iyon dahil nalaman na nila ang aking sikreto. 

Wala nang bago doon kaya lang may kaibigan na ako ngayon eh?

"Anak, wag ka nang malungkot. I know that the school will be considerate to you. Siguro naman hindi ka nila papaalisin." pag-checheer up sa akin ni Mama na tumabi na sa akin sa pag-upo sa aking kama.

Hindi ko namalayan na pumasok na pala ang aking ina sa aking silid. Baka hindi ko siya narinig kumatok.

"Sana nga, ma. Kung kailan naman may kaibigan na ako kaysa pa nangyari ito," sabi ko in my loneliness voice.

My mom pat my shoulder as indication that everything will be alright.

"Thanks, ma," nasabi ko na lang.

"Smile, Sakura. O siya, maghanda ka na sa pagpasok ha!" paalala niya pa at hinalikan ako sa aking noo.

 I smile at her.

Pagkaalis ni Mama ay agad akong pumasok sa banyo para maligo, gawin ang morning rituals ko. Pagkatapos nun ay bumaba na ako. Sabay kaming kumain ni Mama at sabay na rin kaming umalis upang pumunta sa school. 

Bumuntong-hininga pa nga ako bago pumasok sa sasakyan.

"Everything will be alright, Sakura," Mama reminded me and she started the engine.

Thirty minutes before the class started, we reached my school. Dumiretso kami sa principal's office. Tuloy-tuloy ang pagpasok namin since my mother received a letter from the principal. Alam na pala nang principal ang sitwasyon ko bago pa magsimula ang klase.

"So, you are Mrs. Park. Nice to meet you, Ma'am. I am Ms. Dhalia Haschwalth, the High School Principal." pagpapakilala ni Ms. Principal sa Mama ko and she motioned her hand for us to seat in front of her.

Ms. Haschwalth was a lady in her late 30's. Her black long hair was in bun and she wears a daily make-up. Wala rin siyang accessories except from the watch on her wrist and her reading glasses. 

She smiled towards us as we seat in her front.

"It is my pleasure to meet you to, Madame." sabi ni Mama at nag-shake hands sila.

"So, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. I am afraid that our school cannot handle a genius like your daughter. Hindi naman po sa pag-dedegrade sa mga teachers namin dito. All of our teachers here are broad passers kaya ko lang po nasabi na hindi namin kayang ihandle ang student like her because she is a special and one of the kind. Hindi rin niya maeenjoy ang klase since it is made for the average discussion saka isa pa po siya lang ang nag-iisang estudyante na may genius ability. Her genius ability might waste if she's stay here, " malumanay na paliwanag ng principal.

I actually see her point. Kahit sa dati kong school, ganyan din ang sinabi ng principal namin. Actually, the principal there recommended me to transfer but it is too late since natapos na yung first semester nang matuklasan nila yung ability ko that is why they decided na patapusin na lang ako until graduation. Late na rin kasi lumabas ang ability kong ito. I actually found out that I am an Atlas genius when I was studying Basic Geography and History of the World nung senior year ko sa middle school.

"Ma'am, what should we do? My daughter wants to stay here in your school," tanong ni Mama sa principal. 

Siguro iniisip ni Mama na there is still a possibility na hindi ako palipatin ng school.

Giftia Academy: School for GeniusesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon