Episode 12: A Glimpse of Past
Sakura's Perspective
Five days palang ako sa Giftia ay marami nang tanong na naformulate sa isip ko. Tatlong tao palang ang nakikilala kong kaklase ko pero parang lahat sila ay may tinatagong kung ano sa akin. Giftia Academy is really mysterious. Lalo ko tuloy napagtanto na napakalayo ng school for geniuses sa mundong kinalakihan ko noon.
"Hey, Sakura! Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Xyl.
Kasalukuyan kasi akong nagbibihis para sa lakad namin ni Keiko mamaya. Dahil medyo naiistress ako nitong mga nakaraang araw ay tinext ko kagabi si Keiko kung hindi siya busy this day dahil gusto ko ngang gumala kasama siya to release my stress. Pumayag naman siya at willing daw siyang ipabukas ang mga gagawin niya to spend the whole day with me. Natouch naman ako sa kanya. She really becomes my bestfriend for a short period of time.
"Magmamall lang kasama yung best friend ko sa dati kong school." sagot ko kay Xyl pagkatapos kong ayusin ang buhok ko.
"Sama ako. Pakilala mo naman ako sa kanya." excited na sabi ni Xyl at nag-puppy eyes pa na kahit na sino ay hindi makakaresist.
"Fine! I-tetext ko na may kasama ako." sabi ko na lang at kinuha ang phone ko para i-text si Keiko na magsasama ako ng friend from Giftia at pumayag naman siya. Gusto niya rin naman makilala kung sino yung mga kaibigan ko sa Giftia dahil mukhang masyado raw akong naging busy simula ng pumasok ako sa school na iyon dahil once every two days lang daw ako tumatawag.
"Pumayag na siya, Xyl. Magbihis ka na at mag-ayos. 10:00 am ang usapan namin eh 9:00 am na. Mag-checheck out pa tayo at babyahe." sabi ko at nagnod lang si Xyl at nagmadaling pumasok sa CR.
Marami naman akong natutunan tungkol dito sa dorm. Pwede naman daw kaming lumabas ng school premises kapag weekends basta mag-check out daw kami sa may receptionist para malaman na umalis kami ng school. Sounds like hotel right? Astig talaga sa school na ito eh!
Maya-maya, tapos nang mag-ayos si Xyl.
"Let's go. Excited na akong makarating sa mall na pupuntahan ninyo." sabi ni Xyl at kumapit na sa may arms ko.
"Hindi ka pa ba nakakapasok sa Fairy Mall?" tanong ko sa kanya.
Ang Fairy Mall ay 1 kilometers away sa dati kong school. Minsan na akong pinunta ni Xyl doon nang bibili siya ng gamit for their project. Sumama lang ako since sit in student lang ako nun at tumulong ng konti sa kanila.
"Hindi pa! Maybe it is not my first time here in this country but to tell you honestly, when I was a kid, I am not allowed to leave the campus and its premises." paliwanag ni Xyl sa akin na medyo nalulungkot.
I don't know the reason behind that but I think it is somewhat tragic. Ayoko nang isipin, masyado na akong maraming gustong malaman. Nginitian ko si Xyl nang napakatamis.
"I will let you enjoy this day. I swear." sabi ko sa kanya na siyang nagpangiti rin sa kanya.
Maya-maya lang ay nakalabas na kami sa dorm. Habang papalabas kami sa premises ng Giftia nakita ko si Elixir at Hisashi na nakaupo sa isa sa mga bench sa labas ng boy's dorm at tila seryoso ang pinag-uusapan.
"Anong tinitignan mo?" tanong ni Xyl nang mapansin niyang sa ibang direksyon ako nakatingin sabay tingin sa tinitignan ko.
"AHhh! SI Elixir at Hisashi pala. Mukha ngang close sila. Tara, lapitan natin para marinig natin nang bahagya yung pinag-uusapan nila. " sabi pa ni Xyl at hinatak ako papalapit sa pinakamalapit na punong pwede naming pagtaguan na medyo malapit sa bench na kinauupuan nila Hisashi.
"Hisashi, I think kailangan nating mag-reconcile. Alam mo na nasa iisang club lang tayo. Saka nakakahiya kay Sakura, naiipit siya." seryosong sabi ni Elixir.
BINABASA MO ANG
Giftia Academy: School for Geniuses
Literatura FemininaDo you feel that you are different from the others? Maybe because you are in a wrong place. Maybe you are eligible to enter Giftia Academy wherein all the geniuses are made not born. Join Sakura as she finds a place that suits for her.