Episode 24: Happenings in Disneyland Philippines: Introduction
As Xylle promised, pumunta kami sa Disneyland Philippines na pagmamay-ari nila right after the game na natapos ng around 5:00 pm.
Ewan ko ba kung bakit napaka-instant ng lahat kay Xylle. Mantakin mo pagkatapos tumanggi ni Shinji na sumama sa celebration eh, nasa harapan na ng gate ng Giftia ang sasakyan nila Xylle na magdadala sa amin roon.
Pero hindi agad kami nakaalis dahil tinawag ni Mrs. Yukisashi ang atensyon namin.
"Saan sa tingin ninyo dadalhin ang anak ko?" bakas ang possessiveness na sabi niya.
Nagsitinginan sa akin sila Xylle, Keiko, Elixir at Shinji na parang sinasabi na 'Ikaw ang sumagot sa tanong na iyon'.
Napabuntong-hininga na lang ako. Hay, bakit ang hilig akong ilagay sa alanganin ng mga ito?
"Tita, balak lang po sana naming isama si Hisashi sa trip namin sa Disneyland Philippines, yun ay kung papayag po kayo. Wag po kayong mag-alala, I will make sure na magiging maayos siya roon." sabi ko at nagbigay pa ng isang matamis na ngiti.
Sana pumayag siya.
Mrs. Yukisashi smiles back.
"Sure. Take care him." nakangiti ring sagot ng nanay ni Hisashi.
Sabay-sabay kaming nag-thank you with matching bow pa bago tuluyang sumakay sa kotse na pagmamay-ari nila Xylle.
The moment we enter the car ay tinapik ako ni Xylle.
"Bilib na talaga ako sa iyo. Mantakin mo napapayag mo ng ganon-ganon lang si Mrs. Yukisashi. Eh, never nga noon pinayagan sa field trip si Hisashi eh." ani Xylle.
I just shrugged my shoulder as my reply.
Hindi ko rin naman alam kung bakit ang laki ng tiwala ni Tita Samantha sa akin. Siguro dahil alam niyang gusto namin ni Hisashi ang isa't isa. I don't know.
"Ang lakas talaga ng charisma ng isang Sakura Park. Nakuha mo na nga ang puso ni Hisashi pati loob ng nanay niya. I salute you." banggit ni Shinji na pakiramdam kong nagpa-init sa mukha ko.
I know that I am not that great.
"Wag ninyo ngang pinupuri ng ganyan si Sakura. Look, she's blushing already. My best friend is not used in receiving compliments." pagtatanggol ni Keiko.
Nag-peace sign ng sabay si Xylle at Shinji sa akin and I just smile as a reply.
The ride is not quiet. Ang daldal kasi ni Xylle in the whole ride. Nagkukulitan sila ni Elixir. Tapos sila Keiko naman at Shinji nagkukwentuhan ng kahit na ano.
Kami lang ni Hisashi ang tahimik.
Hindi naman kasi nagsasalita si Hisashi. Napagod 'ata sa basketball nila kanina.
He is not used in sports kaya normal lang na napagod siya kaagad unlike Shinji na ang dami pa ring energy kahit the whole game naglaro.
"Hisashi, pagod ka?" tanong ko sa kanya.
He just nod.
"Pwede bang matulog sa balikat mo? Malayo pa naman ang byahe." papikit-pikit na sabi ni Hisashi.
Pansin ko lang, he's not good in travelling a long distance. Palagi na lang siyang nakakatulog.
Remember last time na nag-travel kaming dalawa ay nakatulog din siya.
"Just used it. Don't ask. Pagod ka eh!" sabi ko na lang and it becomes the cue para matulog siya sa balikat ko.
Naging cue rin iyon para magsitilian sila Xylle at Keiko tapos inaasar naman kami ng dalawang lalaki na ang sweet daw namin.
BINABASA MO ANG
Giftia Academy: School for Geniuses
Chick-LitDo you feel that you are different from the others? Maybe because you are in a wrong place. Maybe you are eligible to enter Giftia Academy wherein all the geniuses are made not born. Join Sakura as she finds a place that suits for her.