Episode 15: First Date
Sakura's Perspective
Mga tatlumpung minuto na ang lumipas simula ng mabasa ko yung text ni Xyl. Alam kong may pagkanaughty si Xyl pero hindi ko naman aakalain na ipapareha niya ako kay Hisashi. Hindi naman sa ayaw ko kay Hisashi. He is a perfect man for every woman. Hindi ko lang talaga ma-imagine kung anong mangyayari sa amin kung naiwan kaming dalawa lang. Tumibok ng mabilis ang puso ko. Kami na lang dalawa ni Hisashi rito.
"Uwi na tayo, gusto mo?" tanong ni Hisashi sa akin. Napansin niya 'atang frustated ako.
Hala! Baka isipin niya ayaw ko siyang kasama.
"Uhmm.... gusto mo.. i-enjoy na muna natin ang malling? It is your first time to go out, right." sabi ko na nakatingin sa ibang direksyon.
Naiilang akong tumingin sa mga mata niya ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa seryosong usapan namin kanina? O may iba pang dahilan?
"Are you asking me for a date? Hindi dapat ikaw ang nagtatanong niyan. I asked you, do you want to enjoy the malling with me?" sabi niya na tila napa-confident niya.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Nakaramdam ako ng tila paru-paro sa tiyan ko. What feeling is this? I can't recognize.
Matagal-tagal bago ko naisipang mag-nod na lang. I don't know if I nod because I want Hisashi to enjoy the day or it is because of something else.
"Napilitan ka lang 'ata eh! Mukha kasing hindi ka excited." sabi ni Hisashi na may lungkot sa boses.
Hala! Nalulungkot na si Hisashi!!!! Kailangan mapasaya ko siya. Teka, totoo bang nakaramdam ako ng lungkot sa boses niya?
"Nalungkot ka?" tanong ko na nakatingin na sa mga mata niya.
Mukhang binalik ng naramdaman kong lungkot sa boses niya ang kaluluwa ko sa realidad.
Narinig kong tumawa siya ng bahagya.
"Ewan. Baka nga nalungkot ako." sabi niya pagkatapos niyang tumawa ng bahagya.
Napangiti ako. Kahit papaano unti-unti ko na palang nababalik ang emosyong nawala sa kanya.
"Tumawa ka na! Tara na nga, nagkakalokohan na tayo rito." sabi ko sa kanya at hinila ang braso niya palabas ng mall.
Kung gusto kong pasayahin si Hisashi, aba! dapat sa lugar na alam kong magiging masaya siya.
"Sandali. Saan tayo pupunta? Bakit tayo lumabas ng mall?" nagtatakang tanong ni Hisashi.
Kung hindi ko lang alam ang nakaraan ng lalaking ito, baka isipin kong normal lang siyang tao.
"Sa amusement park. Tawagan mo na ang parents mo na aalis tayo ng mall. Sabihin mo, sudden change of plans. Ako na ang bahalang maghahatid sa iyo." sabi ko sa kanya although walang guarantee na ipagkakatiwala nila sa akin ang "experiment" nila. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkainis sa parents niya!
Maya-maya, nag-dial na ng number si Hisashi sa phone niya. Wala pang isang minuto ay narinig ko ng naghello ang katabi ko. Hindi ko naririnig ang usapan nila dahil hindi naman naka-loud speaker yung phone ni Hisashi.
Maya-maya, bigla ko na lang narinig na nagtaas ng boses si Hisashi sa kausap niya.
"Just give me a day, dad. I'll promise I never do it again." rinig kong sabi niya na naramdaman kong may lungkot na nararamdaman ito.
"Just a day. Let me be a human for just a day." sabi pa ni Hisashi na tila nais nang lumuha.
Napaiyak na lang ako habang naririnig siyang nakikiusap sa dad niya. Now, I know how fragile Hisashi is. Hindi siya ang genius among genius without a heart dahil ang Hisashi na kasama ko ay parang isang ibon na nais makalaya sa kanyang hawla. He is fragile. He wants freedom. He wants companion.
BINABASA MO ANG
Giftia Academy: School for Geniuses
أدب نسائيDo you feel that you are different from the others? Maybe because you are in a wrong place. Maybe you are eligible to enter Giftia Academy wherein all the geniuses are made not born. Join Sakura as she finds a place that suits for her.