Umaga na naman.
Hudyat ito ng bagong araw. Panibagong taon ng aking buhay.
Simula na naman ng bagong taon ko sa isang eskwelahan na hindi ako napapahalagahan, sa isang eskwelahan na wala akong matututunan.
Bakit? Wala naman kasing guro ang nagtitiyaga na turuan ako. Hindi dahil sa mahina ang kukute ko kundi dahil isa akong genius.
Kabisado ko ang lahat ng bansa, kapital, flag at lahat ng basic information tungkol sa mga ito. Kaya ko ring iguhit ng sobrang detalyado ang world map o kahit na anong mapa na nakikita ko. Kabisado ko rin lahat ng syudad at lalawigan ng bawat bansa.
Ako yung tipo ng tao na hindi maliligaw kahit saan sapagkat kahit mga eskinita ay kaya kong tandaan ang lugar.
Kilala nga ako bilang Atlas Genius.
Marami na akong nakwento ngunit hindi ko pa pala nasasabi ang pangalan ko, ako si Sakura Park at ito ang kwento ko.
"Sakura, bilisan mo. Malalate ka sa entrance ceremony." hiyaw sa akin ni Mama.
Si Mama ay isang single parent. Namatay ang ama ko sa isang aksidente tatlong buwan bago ako ipanganak, ayon sa kanila.
Napasimangot ako.
Ang totoo kasi niyan ay kanina pa ako gising ngunit ayaw ko lang bumangon.
I hate school because I know the school hated me too.
Kung hindi lang pinipilit ni Mama na kailangan kong magtapos ng pag-aaral ay malamang ay matagal na akong drop-out.
Nagmadali akong naghilamos at nagbihis ng uniporme.
Isang straight cut white ang uniform namin na may yellow ribbon na nag-iindicate na first year student ka.
"Nakaayos na po ako. Pababa na po." pasigaw kong sabi nang matapos akong magbihis.
Sumigaw ako para marinig ako ni mama dahil nasa second floor ako ng bahay at nasa ibaba siya.
Tamad na tamad akong bumaba ng hagdanan.
Hindi ako katulad ng ibang mga estudyante na excited pumasok pag first day ng class dahil nag-eenroll lamang ako sa eskwelahan dahil nga nais ni mama na makakuha ako ng diploma sa huli.
Tahimik lamang akong kumain ng club sandwich at chocolate drink.
"Paalam po." sabi ko sa aking ina ng matapos na akong kumain.
"Mag-ingat ka at maghanap ka ng bagong kaibigan lalo na ngayong High School ka na." paalala ni Mama.
"Sige po. Susubukan ko." sabi ko naman at lumabas na ako ng pinto.
Wala akong kaibigan sa school na pinagtapusan kong middle school. Paniwala kasi nila noon ay pinapaboran ako ng mga guro sa eskwelahan dahil sa hinihayaan na lang nila ako na hindi pumasok sa klase. Ang hindi nila alam, inaayawan ako ng mga guro dahil hindi nila kayang turuan ang isang tulad ko.
Paano ko yun nalaman? Sinabi sa akin ng mga teachers yun ng minsang ipatawag ako sa office.
Walking distant lang ang school mula sa bahay kaya hindi rin nagtagal narating ko na ang eskwelahan.
Habang naglalakad ako ay napansin ko ang mga estudyanteng nagkukwentuhan, naghaharutan at ang iba pa ay nagkagulatan dahil hindi raw nila inaasahan na doon papasok ang isa't-isa.
And there gossips go on...
Humanap na lamang ako ng upuan at nagbukas na lamang ako ng aking cellphone para magbasa ng e-books.
I don't have friends so why bother to join their conversation.
"Sakura Park?" tawag sa akin ng isang babae mula sa likuran.
Pamilyar ang kanyang boses kaya ko siya nilingon.
As I saw her, I realized that she is Keiko Damian, our batch Salutotorian. She's not a genius like me but she's hardworking.
She has the same short wavy hair and brown big eyes.
Nakangiti siya sa akin kaya nginitian ko rin siya pabalik.
"Hey, Keiko. Kumusta?" tugon ko.
Hindi kami close ni Keiko. Nagkataon lang na nakapag-usap kami ung graduation ceremony.
She's nice and approachable kaya't nakapagpalagayan Kami ng loob sa konting palitan lamang namin ng mga salita.
She's the only one student in my school that didn't treat me different.
"Okay naman! Hindi ko akalain na ito rin pala yung dream school mo. Maswerte itong school na ito saiyo." sabi niya na hindi ko mahulaan kong peke o tunay pero mas lamang yung tunay.
For a short time na nagkausap kami noon ni Keiko ay masasabi kong totoo siyang tao kaya malamang ay sincere siya.
"Hindi naman. Pabigat lang nga ako sa school na ito eh! Hindi rin ito ang dream school ko, malapit lang ang bahay namin dito kaya dito ako nag-enroll." sabi ko sa kanya ng katotohanan.
All schools are the same so I just chose the nearest one.
"Weh, seryoso! But at least magkasama tayo sa iisang school. Since nasa iisang school uli tayo, pwede bang makipagkaibigan ako sa iyo? Matagal na kasi kitang gustong maging kaibigan eh!" sabi niya sa akin na nasesense ko naman na may sincerity.
We are not in the same class in middle school kaya bihira kaming magkita sa campus noon and she's too shy to approach me.
Nasabi niya kasi nung graduation na she is intimidated with me when we crossed our path in the school.
Well, hindi ko siya masisisi.
I tend to be aloof during middle school because of the attitudes of my classmate towards me.
Mukhang iba naman sa kanila si Keiko.
Wala naman sigurong masama kung makipagkaibigan ako sa unang taong naglakas loob na kausapin ko.
After all, I really like her friendly character and calm personality.
Mukhang magkakasundo kami.
"Sige! I am looking forward to have a friend like you." sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang pagkinang ng kanyang mga mata sa aking pag-sang ayon.
"Talaga?It is my pleasure. Wala nang bawian iyan ha! . Tara punta na tayo sa gym, magsisimula na yung opening ceremony." sabi niya in her cheerful voice at hinatak ako papuntang gym.
Hinayaan ko naman siyang hatakin ako and a smile formed in my face as I let her pull me towards the gym.
Sa tingin ko, this year becomes memorable than my previous year of study.
I am looking forward to have a wonderful year.
Sana this time, everything will be normal.
BINABASA MO ANG
Giftia Academy: School for Geniuses
Genç Kız EdebiyatıDo you feel that you are different from the others? Maybe because you are in a wrong place. Maybe you are eligible to enter Giftia Academy wherein all the geniuses are made not born. Join Sakura as she finds a place that suits for her.