Episode 30: The Introvert and the Naturalist
Kinabukasan ay balik na sa normal ang lahat.
Nakikipag-usap na ulit ako sa iba.
Thanks for Hisashi.
This time he saved me.
Papasok ako sa campus galing dorm na nag-iisa dahil sa iniwanan ko na si Xylle na sobrang bagal kumilos nang makasalubong ko si Ms. Ferrer, yung teacher namin sa TLE.
Marami-rami siyang dalang plastic bag.
"Ma'am, good morning po, tulungan ko na po kayo diyan sa dala-dala ninyo." bati ko sa kanya sabay lahad ng kamay ko para kunin ang ilang plastic bags na dala niya.
"Thanks, Sakura. Good morning din." nakangiting tugon ni Ms. Ferrer at inabot sa akin ang apat sa walong plastic bag niya.
Habang naglalakad kami ay naikwento ni Ma'am na para sa garden ang mga plastic bag na ito.
Ang isa sa mga ito ay naglalaman ng mga fertilizer, lupa naman ang isa, paso sa isa pa at puro mga butong itatanim naman daw ang dala-dala ko.
Si Fatima raw ang katulong niya sa pagsasaayos nito.
Nag-presenta rin akong tumulong dahil kahit papaano ay gamay ko rin ang pagtatanim na siyang ikinapasalamat niyang muli.
Maya-maya pa at narating na namin ang garden kung saan nakita ko agad si Fatima na busy sa pagdidilig ng mga halaman.
"Maraming salamat talaga sa iyo, Sakura. Tara't samahan mo kami sa pagtatanim ng mga ito. Bilisan natin para hindi kayo mahuli ni Fatima sa pagpasok." saad ni Ma'am na nakangiti bago tinawag ang atensyon ni Fatima.
At nagsimula na nga kaming magtanim.
Ako ang naging taga-lagay ng lupa sa mga paso na ipinuwesto ni Ma'am samantalang si Fatima naman ang taga-lagay ng mga halaman sa paso.
Patapos na kami ng biglang tumunog ang bell.
Agad kaming nagpaalam kay Ma'am at nangakong babalik na lang kami mamaya para tulungan siya sa pagtatanim ang iba pang halaman na natitira.
Habang tahimik kaming naglalakad ni Fatima dahil sa pagiging likas na tahimik ng naturalist na ito, naramdaman ko na tila may sumusunod sa amin ngunit kada tingin ko naman sa likuran ko ay kumpol lang ng mga estudyanteng mukhang papasok lang din sa kani-kanilang classroom.
"Napansin mo rin pala na tila may sumusunod sa atin? Pabayaan mo na iyon. Sigurado akong si Isaac lang iyon." sabi ni Fatima na siyang ikinagulat ko.
Hindi sa dahil sa kinausap niya ako kundi dahil sa kilala niya kung sino ang sumusunod sa amin. The most surprise thing was it is Isaac, the introvert.
"Paano ka nakakasigurado? Nahuli mo na ba ng siya isang beses?" tanong ko sa kanya.
Sunod-sunod na pag-iling ang sinagot ni Fatima.
How come she knew that it was Isaac when impact she didn't caught it on act?
Napakunot ang noo ko sa sinagot niya.
"I never caught him on act but I knew it was him. After all, I can sense if he's around because we took the same half of Perfectia until now." pagpapaliwanag ni Fatima na siyang ikinagulat kong muli.
I thought about it for a while kaya hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng classroom namin at nakapasok na siya sa loob.
Isang ngiti ang binungad sa akin ni Keiko nang matantong ako ang pumasok sa silid.
BINABASA MO ANG
Giftia Academy: School for Geniuses
ChickLitDo you feel that you are different from the others? Maybe because you are in a wrong place. Maybe you are eligible to enter Giftia Academy wherein all the geniuses are made not born. Join Sakura as she finds a place that suits for her.