Episode 31: Planning the Execution

818 32 1
                                    

Episode 31: Planning the Execution

Lumipas ang mga araw na sinubukan naming maging normal ang lahat.

Nakikisalamuha kami sa iba naming kaklase na hindi rin naman iba sa amin.

Sumasagot kami sa mga tanong nila Ma'am at Sir na para bang wala lang.

Hanggang sa dumating ang araw ng Sabado.

Tulad ng napag-usapan, nagkita-kita kami sa likuran ng administration building kung saan patago pang lumabas si Hisashi.

"Hindi kaya hanapin ka?" tanong ko ng makita siyang lumabas na nag-iisa.

Umiling-iling ang lalaki.

"Hindi nila ako hahanapin. Nagpaalam naman akong aalis kasama ka." saad niya.

My heart beat faster once again.

His words are sweet and came naturally.

Hindi ko tuloy mapigilang kiniligin.

Maya-maya at biglang may tumikhim.

"Hey guys. We're here too. Baka nakakalimutan ninyo na may importante tayong agenda." halata ang bitterness na sambit ni Xylle.

Tumawa na lang kaming lahat.

Pagkatapos nun ay sabay-sabay kaming nag-out sa kanya-kanya naming dorm at dumiretso na.

Sa abandonadong bahay kami nila Dennis tutuloy.

Town house daw nila iyon at walang masyadong taong pumupunta roon.

It was the best place to hide our little secret.

Sumakay kami sa van na pagmamay-ari nila ni Dennis.
As usual, tabi-tabi ang gustong partners ni Xylle.

Ewan ko ba kung bakit siya palagi ang nasusunod.

During the ride, napansin ko ang panay na pagkuha ni Hisashi sa lahat ng daraanan namin.

Maybe he even video the whole ride.

Kapag tinatanong ko naman siya kung para saan iyon, he just smiled at me and say that it was for the memory.

"Bakit kailangan mo pang mag-picture eh, naaalala mo naman ang lahat hindi ba?" ani ko sa kanya.

He had an extreme memory. Why he need to do that?

"Malay mo dumating ang araw na bigla na lang na-delete yun sa memory ko at least may ebidensya." medyo mahina at malungkot na saad niya.

Hindi ko masyadong naintindihan ang bagay na iyon pero hindi ko na nagawang magtanong pa.

Based on the sadness in his voice, may napakalungkot na hidden message siya at mukhang hindi ko kakayanin kapag nalaman ko kung ano iyon.

So, wala akong nagawa kundi hawakan lang ang kamay niya at iparamdam sa kanya na hindi ko siya iiwanan.

He smiled at me. Ipinatong na lang niya ang ulo niya sa balikat ko as if he wants to sleep.

"Elixir, kuhaan mo kami ni Sakura sa ganitong pwesto." utos ni Hisashi kay Elixir na nasa harapan namin.

Kahit nalilito man, Elixir did what Hisashi commanded him to do.

Ngiting-ngiti si Hisashi kaya ngumiti rin ako ng maganda.

"Done. You're really match made from heaven." puri ni Elixir pagkabalik niya kay Hisashi ng camera.

Feeling ko namula ako sa sinabi niyang iyon.

After nang pictur-an moment na iyon ay nagpatuloy na kami sa tahimik na byahe.

May iilang beses na nagkukwentuhan kami sa byahe hanggang sa narating namin ang town house nila Dennis.

Giftia Academy: School for GeniusesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon