°•●□■🎊|10|🎊■□●•°

793 32 4
                                    


Alwin's POV




November 22, 2017










Pilit kaming pumasok sa loob ang nagulat kami sa aming nakita. Ayaw kong paniwalaan ang mga nakikita ko, pero ito talaga ang totoo. Nakita namin sa Jeffin, nakahiga sa sahig, duguan. Ang kutsilyo ay nakalibing pa rin sa kanyang dibdib, nakakasuka ang aming nakita.







"J-JEFFIN!", sigaw ni Edric na dali-daling tumakbo patungo sa kinahihigaan ni Jeffin.







"Oh my! Ang raming dugo ang nawala sa kanya, at sa dibdib pa siya na saksak? Sino bang batang gustong pumatay sa kanya?", pag-wonder ni Cessa habang nakatutok sa bangkay ni Jeffin.







Tumingin-tingin ako sa paligid ni Jeffin na naliligo na ng dugo. Maya-maya ay dumating na ang mga pulis at pinalabas kami sa crime scene. Pinipicturan nila ang bangkay ni Jeffin.








"Hoy! Mga walang respeto! Bwesit kayo! Bakit niyo yan pinipicturan?! Wala kayong respeto sa bangkay!", sigaw ko sa mga pulis na kumukuha ng larawan kay Jeffin.








"Sorry po sir, parte lang po ng trabaho, para malaman ng aming imbestigador kung ano ang sanhi at ano ang totoong nangyari", sagot ng isa sa mga kumukuha ng larawan.








Kumunot ang noo ko at napaupo ako sa lupa. Ang mga mata ko ay nagsisimula nang lumuha, may usok na biglang nag appear at kumakalat ito. Napaiyak ako, ambaho ng usok! Gabing gabi na may nag susunog pa rin ng plastik! Bwesit sila!








Maya maya ay lumapit sa amin ang isang imbestigador, may dalang zip lock na may tatlong bell sa loob, may dungis ng dugo. Binigay ng imbestigador saamin ang zip lock.








"Ito po yung nakita namin sa may ulo ng biktima, baka gamit niya po yan, pwede niyo po yang tignan, kulunin po namin yan mamaya", sabi ng imbestigador at agad namang bumalik sa loob.








May narinig akong tawa, isang tawa ng batang babae, para ba siyang masaya sa nangyari? Hindi ko alam kung sino ang batang babaeng ito, pero nakakapanindig balahibo talaga siya.








Gusto sanang tawagan ni Edric ang nanay ni Jeffin, pero pinigilan ko siya. Kinuha ko ang phone niya at nilagay ito sa bulsa ko para makasigurado akong hindi siya makakatawag.








"Ano ba?! Give me my phone back!", sigaw niya saakin na inaabot ang bulsa ko.








"Wag mo munang sabihin sa kanya! Mamaya na, pag nalaman na natin ang nangyari!", sagot ko sa kanya na pinipigilan ang kanyang kamay sa pag-abot ng bulsa ko.








"Boys! Can please stop it?! Wag kayong mag away sa panahong ito! Seryoso ang nangyayari dito, tama si Alwin-ssi, wag muna nating sabihan ang nanay niya", sabat ni Cessa na inaawat kaming dalawa ni Edric at nakakunot pa ang noo.








Tinignan ko ang bells, hindi ako pamilyar sa mukha nito, pero pag ring ko nito, pamilyar na pamilyar ang tunog, para bang tunog ng bell na nag ci-cling na may kumakantang bata.








Lumapit ang imbestigador saamin at ibinalita niya ang hindi magandang balita. Hindi nila malaman kung ano ang motibo ng krimen, pero nakakasiguro daw sila na may kaaway ang biktima.








"Imposible naman po yata yan, hindi po palaaway si Jeffin. Napakabait po niyan!", sabat ni Orjay na nakaakbay kay Dave.








"Ganon po ba? Hindi naman po kayo nakakasiguro na wala siyang kaaway, diba?", sagot ng imbestigador at agad namang umalis kasama ang mga kasamahan niya.











_________________________________________

12 DEATHS of Christmas {COMPLETED✔}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon