CHAPTER 4: NIGHTMARE?

2.7K 84 3
                                    

           

Argon's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Argon's POV

Habang nagmamasid sa buong kwarto ay hindi ko maiwasang humanga, dahil sa sobrang organize nito akala mo babae ang nakatira. Sa sobrang linis na parang mismong alikabok ang mahihiyang dumapo.

Habang nagmamasid ang mata ko ay hindii ko sinasadyang mapatingin sa kaniya. Seryosong seryoso s'ya sa ginagawa n'ya. At ang gentle lang nang pag gamot niya sa sugat ko. Ang ganda ng mga mata n'ya na bumagay sa matangos na ilong nito napatingin naman ako sa  manipis at mapupulang labi nito. Gosh Argon. Wag mong pag pantasyahan ang lalaking yan. Bakit ba kasi ang gwapo n'ya. Naiilang tuloy ako sa position namin.

Nakaupo kasi ako sa kama habang s'ya naman ay nakaupo din sa malit na upuan at hawak hawak ang paa ko na namamaga. Malapit na s'yang matapos sa pagbrbenda nito.

"Maraming salamat—Krypton" mahina kong sabi. Naubos yata ang lakas ko sa pag ipon ng lakas ng loob upang tawagin sya sa pangalan nya.

Nakayuko kasi ako habang naka tayo na sya sa harap ko. Since hamak na matangkad sya sakin ay tumayo na ako. Hindi ko alam kung bakit nakatulala lang s'ya sakin. May nasabi ba kong mali? May dumi ba ako sa mukha?

Akmang hahakbang na ko nang madulas ako. Pero bago ako matumba sa kama ay nahawakan nya ko sa may bewang ko. Spell Awkward

"Tss. Clumsy" saad nito na nakatingin sakin, na hindi pa ko binibitawan. Napatitig ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Agad naman akong bumitaw sa pag kakahawak n'ya.

" S—Salamat Mr Pres—Este Krypton pero kailangan ko ng umalis " kasabay ng pag alis ng tingin ko sa kanya. Naiilalang ako sa mga mata nya. Baka matunaw ako. Akmang tatalikod nako sa kanya ng hilahin niya nanaman ako pa harap sa kanya. Ang hilig nya talagang mag hila.

" Stay away from Xenon" seryosong saad nya. Ano ba kasing meron kay Xenon at pinagbabawalan n'ya kong lapitan yun. Wag niyang sabihing nag seselos sya dahil may gusto s'ya kay Xenon. Now I know kung bakit walang na lilink sa kanyang babae. Bakla kaya sya. Erase, erase. Now way... hindi bagay sa kanya.

"Bakit naman? Kaano ano mo ba sya? " buong tapang na sagot ko sa kanya.i really need to know. Pero as usual, Instead na sagutin nya ang tanong ko ay iba ang sinabi nya.

"Don't do anything stupid... Argon" mahina lang ang pag kakasabi nya pero sapat na para marinig ko. Nagulat ako nang tawagin nya ko sa pangalan ko. Mas bagay pala pag s'ya ang tumatawag sa pangalan ko. Aystt! Stop it Argon. Ha'yan ka nanaman eh.

Hindi ako nakasagot dahil sa pagkabigla. Sa halip ay tumango nalang ako sa kanya at tinungo ang pintuan paalis sa lungga ng dragon. Baka kung ano nanaman ang sabihin non.

Third Person's POV

"Kamusta ang pag manman mo sa hinirang?" Tanong nang lalaki na tiyak ay ang pinuno nila.

" Sa kasamaang palad ay hawak na s'ya ni Krypton, ngunit nakakasiguro ako na makukuha natin sya" sagot naman nang lalaking kausap nito, habang prenteng nakaupo sa upuan.

"siguraduhin mo lang dahil s'ya lang ang nag iisa nating alas upang masimulan ang paglusob" sagot ng pinuno.

"Relax, alam ko na ang susunod na gagawin para makuha natin s'ya" tugod naman nito sa kausap.

"Ipaalam mo ang sikreto ng grupo natin at ipakita mo s'ya sakin sa lalong madaling panahon" nakangising wika ng pinuno. At napuno na nang halak hakan ang buong silid.

Argon's POV

"Pakiusap kung mamatay man ako ngayon... ibigay mo ang puso ko sa kanya... kailangan n'yang mabuhay...."

Nagising ako na may tumutulong luha sa aking pisngi. Napanaginipan ko nanaman yon. Hindi ko makita nang maayos pero malinaw na narinig ko ang sinabi ng babae sa panaginip ko. Madalas kong mapanaginipan ang paulit ulit na senaryo. Ngunit ano mang pilit ko na makita ang mga mukha nila ay di ko magawa.

Tulala akong nakatingin sa bintana ng silid aralan namin. Nasa isip ko pa rin ang mga salitang binangit ng babae sa panaginip ko. Tumaas ang mga balahibo ko.

Napaigtad ako ng may kumalabit sakin. Ang kaklase ko lang pala na  si  Neon King isa ding nerd na katulad ko.

" May  bumabagabag ba sayo Argon? Kanina ka pa kasi tulala" tanong nito sakin na tila bakas ang pag aalala.  Agad ko naman tong sinagot.

" Wala lang to. Hindi lang maganda ang gising ko " pag sisinungaling ko at pilt na ngumiti.

"Kung gusto mo ay sabay tayong mag lunch sa may rooftop mamaya?" paanyaya nito. Nakangiti akong tumango.

Ang totoo nyan ay gusto ko din ng kausap ngayon upang mawala sa isip ko ang masamang panaginip ko. Kung meron man akong ituturing na kaibigan ay si Neon yon. Kadalasan ay s'ya lang ang kumakausap sakin. Hindi ko kasi ugaling mag umpisa ng topic kaya malabo akong magkaroon ng maraming kaibigan. Sya lang ang nag tangkang kausapin ako.

Mabait si Neon may maamo din s'yang muka. Ang akala ko nga ay bakla s'ya dahil sa mahinhin n'yang kilos ngunit ang sabi n'ya ay lalaki talaga sya.

Kasalukuyang nandito kami ni Neon sa rooftop sabay kaming nag lunch. Napatingin ako sa paa ko na may benda, bigla akong naalala ang nangyari kahapon

"Anong angyari sa paa mo Argon?" Tanong sakin ni Neon, may paaalala sa mga mata nito.

"Natapilok lang ako kahapon but I'm all ok now" paniniguro ko.ang totoo niyan ay mabilis lang na gumaling ang sugat ko, siguro dahil sa  paggamot sakin ni Krypton.

" Ahh Mabuti naman" nakangiting sabi nya. Napatingin ako kay Neon, meron din syang malaking salamin tulad ko, hilig nya ding mag basa, sa maraming bagay kami nagkakasundo Parang kapatid ko na s'ya kung ituring.

"Maraming salamat Neon" Pasasalamat ko sa kanya. mukang nagtaka naman ang mukha nito

"for what?" tanong nito sakin.

"Sa lahat , sa pagiging mabuti mong kaibigan sakin" nakangiti kong turan sa kanya habang nakatingin sa asul na langit.

"Wala yun, ikaw pa ba" naka ngiti nya ding sambit habang nakatingin din sa ulap.

"Argon?" tawag nya sakin napatingin namn ako sa kanya

"Bakit?" Tanong ko. Mukha kasing seryoso sya

"Hindi ka ba nagtataka sa pangalan ng Academy na ito?" seryoso n'yang tanong.

"Bakit  anong meron sa Elysium Academy?" Tanong ko sa kanya

" Elysium the place at the ends of the earth to which certain favored heroes were conveyed by the gods after death." Wala sa sariling turan nya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya

"W—What do you mean?" May pag aalinlangang tanong ko sa kanya. sobrang seryoso ng muka n'ya ngunit bigla nalang napalitan ng ngiti.

"Nevermind Argon" nakangiting sagot nito. Bigla akong naguluhan, weird, pagkasabi n'ya non ay nagpaalam na sya sakin na mauuna na syang bumaba dahil may dadaanan daw s'ya sa locker nya.

Naiwan akong tulala, nakatingin sa langit. Elysium sa madaling salita maihahalintulad ito sa lugar na pinapagitnaan ng langit at lupa.

Elysium Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon