CHAPTER 26: THE CONFESSION

1.1K 49 1
                                    

Argon's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Argon's POV

"Pakiusap kung mamamatay man ako ngayon... ibigay mo ang puso ko sa kanya... kailangan nyang mabuhay...."

"Pero bakit?"

"D---Dahil mas kailangan nya ito kesa sakin...P--pakisabi din s--salamat sa pag ligtas nya kay Hydria, itong puso ko ang kabayaran sa busilak nyang k--kalooban"

"A--Argon!... Argon!! Hindi ka pwedeng sumuko! Argon!"

Nagising ako sa pagyugyog sakin ni Beryl, kasabay nito ang sabay sabay na pag agos ng mga luhang galing sa mata ko.

Gulat ang bakas sa mukha niya habang di ko na napigilan ang mahigpit na pagyakap sa kanya.

Wala naman akong narinig sa kanya kung hindi ang bahagya niyang paghimas sa aking likod. Patuloy pa rin ang panginginig ng aking katawan dahil sa halo halong nararamdaman.

Totoo nga, lahat ng mga napanaginipan ko, lahat ng iyon ay parte ng aking nakaraang buhay. Lahat ng iyon ay totoo, at hindi lang basta panaginip. Isa lang ang nasisiguro ko, namatay nga ako sa isang insidente, pero hindi sapat 'yon para malaman ko ang iba pang detalye. Meron sa bahagi ng puso ko na kailangan ko pang malaman.

Sino ba talaga ako? Meron ba akong mga kamag anak? o kaibigan man lang na naiwan.

Unti unti kong kinalma ang aking sarili at huminga ng malalim bago kumalas sa pagkakayakap ko kay Beryl.

"S—salamat" sabi ko habang pinupunasan ang bakas ng luha sa pisngi ko.

"Ok ka lang ba, mukhang binabangungot ka kanina Argon, kaya ginising kita" may bahid pa rin ng magaalala sa mukha niya.

"Ok lang ako, Maraming salamat talaga Beryl" pilit akong ngumiti.

"Wala yon, ang akala ko ay napano ka na, tara na sa baba?"

"Sige, susunod nalang ako. Mauna kana"

Nginitian ko sya para siguraduhing ok lang ako, pero bakas man ang pagaalala sa mukha ni Beryl ay nagpaalam na rin sya.

Masuwerte ako dahil nakilala ko sya sa mundong ito, parang kapatid na ang turingan namin sa isat isat at Masaya ako dahil naging kaibigan ko siya, sila nila Arsenica, Francy at Titania.

Dumiretso ako sa court malapit sa cottage na tinutuluyan namin. Napansin ko ang pagkaway ni Xenon sakin sa stage kung saan nandoon ang iba pang student Councils, may mga upuan na siyang nakalaan sa bawat miyembero ng Student Councils.

Agad na umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Xenon. Alangang nginitian ko siya, nahihiya parin ako dahil sa hindi pag upad sa pangako ko sa kanya. mas pinili ko parin si Beryl.

"Sorry nga pala kahapon Xen—"

"No, it's ok Argon. I understand mas nauna naman talaga si Krypton" he smiled. Hindi ko alam kung bakit parang may laman ang pagkakasabi niya na nauna talaga si Krypton, samantalang siya ang naunang nagsabi sakin noon bukod kay Beryl.

"Ganon ba, Salamat sa pagintindi Xenon" pag kuwan ay pagpapasalamat ko.

Laking gulat ko ng ipatong n'ya ang kamay niya sa kamay ko at ngumiti ng nakakaloko

" So, nagaala-la ka pala sakin Argon" he smirked. I rolled my eyes at tinangal ang pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko.

"Good morning Students of Elysium Academy" Napatingin naman ako sa ngayon ay nasa harapan na si Krypton. Nagtapon lang siya ng blankong tingin samin ni Xenon. Kelan kaya sila magkakasundo?

"We are here in Montevilla Resort for our 3 days Fieldtrip or rather short vacation, now I will introduce you the owner of Montevilla Resort, Miss Hydria Montevilla" he said then a girl showed on the stage.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, kaya agad akong napahawak dito.

"Are you ok Argon, namumutla ka" tanong ni Xenon na bakas ang pag aalala.

"Y-yes I'm ok" pinilit ko nalang ngumiti para hindi na siya mag alala pa.

"Thank you for visiting our Resort, have fun!" masiglang bati ng babae sa mga studyante ng Elysium Academy.

Nabaling ang tingin niya sakin, honestly I don't know how to react, Hindi ko alam kung bakit ako nag kakaganto.

Ngumiti siya sakin ng pagkatamis tamis bago tuluyang umalis. Hydria? Sobrang pamilyar ng pangalan niya sakin, sino kaba talaga?

Pagkatapos ng meeting ay napagpasiyahan ko na pumunta sa tabing dagat. Doon ay makakapagpahinga ako ng mabuti at makakapagisip.

Nagulat ako dahil biglang may yumakap sakin mula sa likuran. Agad akong napaharap sa kanya.

"B---Bakit mo ginawa yon Xenon?"Puno ng pagkabahala na tanong ko.

"Because I love you..." seryosong sabi niya.

"A—Ano ka ba wag ka ngang magpatawa d'yan, kung ano ano pinagsasabi mo" natatawang sabi ko.

"Hindi naman ako nagbibiro Argon, Totoong mahal kita, Dati pa" sabi niya habang nakatingin sakin ng diretso. "Matagal ko na sanang gustong sabihin ito, kaya lang lagi nalang siyang nasa paligid, Natatakot ako siya ang piliin mo gaya ng pagpili niya sayo noon pa man" makabuluhang sabi niya.

"Sinong siya ang tinutukoy mo?" nagtatakang tanong ko.

"Hindi na mahalaga kung sino siya, Siguro ay lamang ako sa kanya ngayon dahil malaya kong masasabi na mahal kita hindi gaya niya" nakangiting sabi pa niya habang nakatingin sa langit.

"Mahal kita Argon, hayaan mo sanang iparamdam ko sayo to"

"Pero, hindi ba bawal ang pagibig sa lugar na to, alam mo ang kapalit hindi ba?"

"Oo, at handa akong mamatay muli para sayo" sabi niya. Akmang hahawakan niya pa sana ako ng may maaninag ako sa likuran niya.

"K---Krypton?" nauutal na sambit ko. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko noong makita ko siya. Napa harap naman si Xenon at nanlaki ang mata, siguro ay sa gulat.

Naglakad pa punta sa direksyon ko si Krypton, madilim pa din ang aura na bumabalot sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng kaba saking dibdib.

Para lang siyang walang narinig at ilang saglit pa ay namalayan ko nalang na hila hila na niya ako papunta sa gubat malapit sa dagat na kinaroroonan namin kanina ni Xenon.

Gustohin ko mang pumiglas ay parang may sariling isip at paa ko at kusa nalang itong sumusunod kahit saan pa siya pumunta. Alam kong mali ang ginawa niya pero para akong napipi dahil walang kahit anong sabi ang lumalabas sa king bibig.

Huminto siya sa paglalakad pero hawak niya pa rin ang kamay ko. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng nagtapos siya ng tingin sa akin. Gusto kong mag paliwanag kung bakit ganon ang posisyon namin ni Xenon pero walang boses na lumalabas saking bibig.

"K---Krypton? Bakit mo ako dinala dito?" finally natanong ko na din ang kanina pang tanong sa isipan ko.

Sa halip na sumagot ay Tinitigan niya lang ako na para bang gusto niya akong lusawin. Laking gulat ko pa noong hilahin niya ako sa gawi niya dahilan para mayakap ko siya.

Ramdam ko ang bilis ng puso ko dahil s aginawa niya, kakaiba kesa sa tibok ng puso ko kanina habang kasama ko si Xenon.

"Do you love him?" he said seriously. What!?

Elysium Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon