CHAPTER 24: THE FAVOR

1.1K 45 0
                                    

Argon's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Argon's POV

"Whaaa! Argon, nakakatampo ka, hindi mo man lang sinabi na close ka kay Mr. President, and you didn't tell me na you're a part na ng Student Councils~" Beryl said.

Pag pasok ko pa lang ng library ay yan na ang bungad sakin ni Beryl, hays. Yan na nga ba ang sinasabi ko eh, alam ko naman na magtatampo siya dahil patay na patay siya kay Xenon, At kung nagkataon ay magpapatulong siya para mapalapit dito. Pero ayoko naman na ako ang maging tulay para kunsintihin pa si Beryl sa kahibangan niya sa baliw na lalaki na yon, pinoprotektahan ko lang siya.

"Fine, sorry na Beryl, masyado lang occupied ang utak ko. saka hindi kami close ni Mr. President. Yes, lagi nyo kaming nakikitang magkasama yun ay dahil nga secretary niya ko" pagpapaliwanag ko pero tila hindi sya kumbinsido.

"Pero, diba part din ng Student Council si Xenon, ibig sabihin ay kilala mo din siya kaya pwede bang ano... ano" she said. I can see her blushing.

"Alam ko na ang sasabihin mo Beryl" naka pamewang na sabi ko. nag lakad ako sa table at inilabas ang libro ko. Nag rereview ako para sa exam namin. Sinundan niya lang ako at umupo sa tabi ko.

"Sige na Argon, Pleasee~" she pleased. Seems that I don't have a choice, para lang tumigil siya at makapag basa ako ng tahimik.

"Fine, pero yung kaya ko lang Beryl hah"

"Yey!~ Loveyouuuu Argon~" tila niya sabay yakap sakin, maya maya ay bumitaw na siya ang sumeryoso ang mukha. "I want to spend our fieldtrip with Xenon, kaya please make a way para makatabi ko siya sa bus." diretso niyang sabi.

Napabuntong hininga nalang ako noong marinig ko ang hiling niya.

"Beryl, hindi ako genie, alam natin na impossible yon dahil naka hiwalay ang bus ng student councils sa ibang students"

"But I'm not just an ordinary student of Elysium Academy, Nakalimutan mo na ba? I'm a new Vocal Club leader, pwede mong I request na isama ako sa bus niyo" pagpupumilit nito.

I almost forgot. Siya na nga pala ang pumalit sa former leader na si Lithia. Anyway kamusta na kaya sila Francy at Titania, hindi ko na sila masyadong nakikita simula noong naging secretary ako ni Krypton.

"Ok fine, basta ba isasama mo sila Francy at Titania hah, ako na ang gagawa ng paraan"

"Talagaaaa!~ whaaa. Salamat, sige isasama ko sila. Sa wakas ay makakapag bonding ulit tayong lima" Masaya niyang sabi.

"Keep quite!" sigaw ni Mrs. De Guzman habang naka pamewang.

"S-sorry po ma'am" halos sabay naming sabi ni Beryl.

Agad na umalis naman ito at bumalik sa table niya.

"I'm so excited~" Beryl whispered.

Bukas na gaganapin ang Field trip, Mr. Principal decided na sa Beach ito gaganapin. Three days kami doon at marami ding events at palaro. Kasama na ang pagtugtog ng Vocal Club, at the same time ay i-introduce na nila si Beryl na bagong Vocal Club Leader.

Kung titingnan ay hindi lang basta fieldtrip ang gaganapin kundi mini vacation na din.

Maging ako ay excited na, hindi sa palaro kung hindi sa tahimik na lugar. Na i-imagine ko na ang pagbabasa ko habang umiinom ng buko juice, at dinadama ang malinis at malamig na simoy ng hangin.

Agad naman na akong nagpaalam kay Beryl para pumunta sa Student Council room, ngayon palang ay pinagiisipan ko na kung paano ko tutupadin ang pangako ko sakanya. Sa halip na sa Student Council room ako pumunta ay dinala ako ng paa ko sa rooftop. Agad na umupo ako sa pinaka dulong bench.

Buong gabi ko ding pinagisipan ang sinabi ni Krypton, ano nanaman kaya ang nasa isip nya. hindi ko alam na sinundan nya ako noong gabing yon. Napahigab ako at tumingin sa kulay asul na langit.

"You're the most beautiful woman when you wearing your glass"

"You're the most beautiful woman when you wearing your glass"

"You're the most beautiful woman when you wearing your glass"

Arggg! Ilang oras lang ang tulog ko dahil sa kanya. nakakaasar, parang sirang plakang paulit ulit na tumutunog buong gabi ang mga katagang sinabi nya sakin.

Agad akong napailing, relax Argon wag mong bigyan ng meaning ang sinabi nya. Masasaktan ka lang.

"I mean that, Argon. If I'm anything at all, I am a person who always acts on purpose"

Bigla naman akong pinamulahan nang maalala ko ang sinabi nya about sa kiss. Bakit ba bigla bigla nalang siyang nag sasabi ng ganon.

tatayo na sana ako nang biglang may nagtakip sa mata ko.

"Nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap" sabi nang pamilyar na boses.

"Pwede ba Xenon, wag mo kong bwisitin ngayong araw" I rolled my eyes when he finally face me. He pulled the chair and sat it on.

"Hindi naman ako nandito para bwisitin ka, may sadya ako" he chuckled.

"at ano naman yon?"

"pwede bang ikaw ang makatabi ko sa bus?" he said seriously

"Eh?,hinanap mo ko para lang sabihin yon, ano naman ang dahilan?"

Huminga muna sya ng malalim at saka nag salita.

"A-ano kasi, nahihilo ako sa bus at nakasanayan ko nang katabi si mama sa byahe" nahihiyang sabi nya, halata dahil hindi sya makatingin sa akin. Hindi ko na mapigilan at napatawa na talaga ako

"Hahahahhah!"

"B--Bakit ka tumatawa"

"Akala ko napakaseryoso ng dahilan mo, hahaha!, bakit ako ang tinakbuhan mo, Mama mo ba ako?" sabi ko habang hawak ang aking tyan na masakit na kakatawa.

"Tsk! Ikaw lang ang gusto kong katabi bukod sa Mama ko" napatigil ako sa kakatawa noong marinig ko yon. Napatingin ako sa kanya, para syang bata na naagawan ng candy.

"I don't mind" sabi ko habang nakangiti. Ok lang naman sakin kung siya ang katabi ko.

"Talaga!? Argon seryoso!? Wala nang bawian ahh" tila hindi siya makapaniwalang sabi niya.

Agad nya akong hinila patayo at niyakap ngang mahigpit. Wala na akong nagawa kundi gumanti ng yakap.

Nawala ang ngiti sa labi ko nang bigla akong may naalala. Si Beryl. Hindi maaari nakalimutan ko ang favor niya sakin. Akmang babawiin ko na sana ang sinabi ko nang kumalas s'ya ng yakap.

"Salamat Argon!" yun lang at tumakbo na siya paalis.

"Ah----Xenon!" hiuli na dahil nakaalis na ito.

Patay ako nito kay Beryl, ano nang gagawin ko.

Elysium Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon