Argon's POV
Ilang saglit pa ay nagpasya na kong bumalik sa court. Ngayon ko lang kasi na realize ang ibig sabihin ng Monster kong Master, of course hindi nya hahayaang makipag date ang slave nya, hayst!
"Oh, Argon bakit parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha mo?" usisa ni Beryl nang makabalik ako sa upuan namin. Malapit lang yun sa harapan kaya naman kitang kita ko ang pag ngisi sakin ni Xenon. Habang nagiwas naman ng tingin si Krypton.
"Wala to, sumama lang ang ihip ng hangin" pag sisinungaling ko.
"Oh, ok~ Look magsisimula na yung game~ bet ko talaga si Xenon~ , ikaw sinong bet mo?" malambing na sabi nya. So type nya yung ungas na yon. Tsk tsk sayang ang ganda ni Beryl.
"Wala akong panahon sa ganyan" hays, kung alam nya lang na napagpustahan ako ng dalawang yon.
Napuno ng sigawan ng ipakilala ang White Eagles. Dapat pala ay umalis na ko kanina habang may pagkakataon. Hindi ko na kasi magawang makatayo dahil sa siksikan na sa gawing gate kaya imposibleng makatakas pa ako.
"Kyaaaa! Xenonn~ Go Go Go~" sigaw naman ng katabi ko na ngayon ay parang isang naging leader ng Cheering Squad, Gosh gusto kong maglaho dahil sa kahihiyan na ginagawa ng katabi ko.
"Xenon you're so gwapo~"
"Akin ka nalang Xenon~"
Tumingin si Xenon sa gawi namin. Nagulat ako ng Kumindat ito saka nakangising tumakbo.
"Whaaa! Bes, kinindatan ako ni Xenon'"
"Asumera ka bes, sakin sya nakatigin eh!" narinig kong paguusap ng mag besty. Seriously nag away sila dahil lang don.
Marami pa kong na rinig na sigaw ng mga babae na patay na patay kay Xenon.
Mas lalong nag wala ang mga babae ng dumating naman ang buong team ng Blue Phoenix, kasama pala sa team nila krypton si Copper. Sana ay nakapag desisyon na sya.
"Whaaaaa! Kryptonn~ notice me!~"
"Kyaaa! Krypton you're so cool~"
"Uwi ka na Krypton di na ko galit,super gwapo moooo~"
Sigaw naman ng mga babae kay Krypton, Cool? San banda? Ang yabang yabang nga non ,eh.
Napatingin sa gawi namin si Krypton sa gawi namin. Nagkatagpo ang mga mata namin, Nailang ako kaya agad akong umiwas.
"Kyaaaa! Girl nakatingin sakin si Baby Krypton~" sabi ng babaeng na ka upo sa tabi ko. Para syang nag e-epilepsy sa sobrang kilig. OA nya hah?
"Loka! Sakin sya nakatingin no!" sabat naman ng isa, hays. Bakit ba napaka popular ng dalawang ugok nay un sa mga babae. Syempre Argon gwapo sila! Bulag ka ba! Suway ko sa sarili ko.
Nagsimula na ang laro. At hindi maitatanggi na parehas silang magagaling. Napatingin ako kay Copper seryoso lang syang naglalaro. Napatingin sya sakin at nakangiting nag thumbs up, tumango nalang ako bilang tugon.
Halos dikit ang laban pero nakakalamang ng 2 points ang White Eagles ang team nila Xenon. Bigla akong kinabahan nang maalala ang pustahan kanina. Seryoso kaya silang dalawa? Paano kung oo.
Napunta kay Krypton ang bola. Swabe lang ang galaw nya at poker face lang sya. Wala talagang ka emo-emotion tong lalaking to. Mabilis na tumakbo sya at ishinoot ang bola. 3 points! Di na maitatanggi na sporty type sya base sa pangangatawan nito. Pinamulahan ako ng maalala nung ginamot ko sya at naghubad sya sa harap ko. Behave Argon manuod ka nalang.
Ngayon ay sila na ang lamang. Mabilis naman na inagaw ni Xenon ang bola at Tumakbo ito, sa sobrang laki at tangkad nito ay lahat ng humaharang ay walang palag. Halos mag sing katawan sila ni Krypton. Enough Argon. Tama na ang usapang katawan!
Nai shoot ni Xenon ang bola bago mag time break. Sila na uli ang leading. Nag water break sila at kapansin pansin ang mga mata ng mga babae na titig na titig sa katawan ng mga bias nila. Pati nga ung katabi ko ay halos lumuwa na ang mata dahil sa ganda ng view.
"Whaaa! Look Argon, sobrang ganda ng view oh~ " paanyaya ni Beryl sakin. Inirapan ko nalang sya.
"Tsk, no thanks, I'm not interested" sabi ko at itinuon sa iba ang mata ko.
Matapos ang water break ay nag change court na sila, matatapos na ang laban at lamang padin sila Xenon. Yung lokong yon kanina ay tumingin nanaman sakin ng nakakaloko. Confident masyado na sila na ang mananalo. No way!
Nagkaroon ng pagkakataon si Krypton na makuha ang bola. Dali dali syang tumakbo at lahat ng nagtatangkang humarang sakanya ay walang nagawa. Humarang si Xenon. Nagsukatan sila ng tingin. At parang may binulong pa si Xenon kay Krypton na naging dahilan upang lumukot ang noo ni Krypton parang na irita sya. Nabigla si Xenon nang magawa syang lampasan ni Krypton.
Nabigla ang lahat ng mag slum dunk si Krypton.Napuno nang sigawan ang court. Pagkababa sa ring ni Krypton ay tumingin sya sa gawi namin ni Beryl. Seroso syang nakatingin sa mata ko na parang konti nalang ay malulusaw na ko. Gusto ko mang mag alis ng tingin ay parang nahigop nya lahat ang lakas ko. Bakit ba ganito ang epekto sakin ni Krypton.
Mabalis na nakabawi ang White Eagles. Halos dikit na dikit ang laban. Nahihirapan akong I predict kung sino ang mananalo.
Seryosong nakatingin lang kaming lahat sa ngayon ay nagaagawang Xenon at Krypton, tila ayaw magpadaig ng dalawa sa isat isa. Ipinasa ni Krypton ang bola kay Copper. Nabigla naman si Copper dahil sa ginawang pagpasa ni Krypton sa kanya ng bola gayong konting minuto nalang ang nalalabi. Lamang ng 2 points ang team ni Xenon.
Lahat ng atensyon ay na kay Copper sukat ang mga galaw nito. Dahil nakasalalay sa kanya ang pagkapanalo ng Blue Phoenix, Malalaki ang patak ng pawis na nanggagaling kay Copper. Halatang kinakabahan sya. Maging ako ay di maalis ang tingin kay Copper.
Copper's POV
Tagaktak ang pawis ko, pero hindi ko alintana yun. Nakapokus lang ako sa hawak kong bola, isa lang ang tanong na nasa isip ko. Ipapasok ko ba o hindi. Konting maling desisyon ko lang ay mawawala sakin ang lahat. Di ko itatanggi na naging malapit na sakin ang Elysium academy mula nang maging isa ako sa SSG officers. Nagkaroon ako ng tunay na kaibigan, Si Vanadie, Arsenica, Boron, Krypton, Xenon, Chlorie pamilya ko na silang maituturing, maging si Argon na kahit konting panahon ko lang syang nakilala isa sya sa nagpalakas ng loob ko. Isa sya sa tunay kong kaibigan. Kaya ano man ang manyari sakin ay buong puso kong tatanggapin.
Nakapagpasya na ko, gusto kong mabigyan ng isa pangpagkakataon, pagkakataon na hinding hindi ko na sasayangin. Magsisiskap ako at kahit sa susunod kong buhay ay marahil wala akong maalala. Alam kong nandito lang sila sa puso ko. Hindi man ako nakapagtapat kay Vanadie ng tunay na tinitibok ng puso ko. Nandito lang sya lagi sa puso at isipan ko. Alam kong magkikita pa kami.
Argon's POV
Nagulat ang lahat nang nasa Court napuno ng sigawan dahil sa matagumpay na pag shoot ni Copper sa bola. Nanalo ang Team Blue Phoenix, pero hindi iyon ang nasa isip ko. Tumulo ang luha sa pisngi ko. Kasabay ng pag shoot ni Copper sa bola ay ang tuluyan nyang paglaho. Kitang kita ko ang naghahalong saya at lungkot sa mga mata nya.
Napatigil sina Xenon at Krypton, ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit parang walang nakita ang mga tao sa court kundi ang pagka panalo ng Team nila Krypton. Ayun ay dahil ang mga taong malalapit lamang kay Copper ang tanging makakakita ng pagkawala niya. Ganon na ganon din ang nangyari noong naglaho si Lithia. Pinahid ko ang luhang umaagos mula sa mata ko. Kailangan kong magpaka tatag. Kung nagawa ni Copper ang misyon nya alam kong magagawa ko din yon. Hindi man ngayon alam kong darating din ang panahon na yon.
BINABASA MO ANG
Elysium Academy (Completed)
FantasyShe's Argon Neomy Mendez, an ordinary girl with an ordinary life, until one day she meet Krypton Lee an arrogant Student Council President who make her life upside down. Her peaceful life was ended when she discovered the secret of the Elysium Acade...