CHAPTER 16: MASQUERADE BALL (PART 1)

1.2K 45 0
                                    

Argon's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Argon's POV

"Ate, gumising ka na, hindi ba marami pa tayong planong gawin. Magiging isa ka pang magaling na doctor diba kaya please gumising ka na, nandito lang ako sa tabi mo"umiiyak na sabi ng batang babae sa babaeng nakahiga sa kama, kulay puti lahat ng nakikita ko.

Nakatulala lang ako sa babaeng nakahiga sa kama, habang umiiyak ang batang babae sa tabi nya, panay ang tawag ng ate. Gustuhin ko man na makita ang mukha nila ay hindi ko magawa nakatingin lang ako sa malayo, hindi ko din magawang lumapit sa kanila.Biglang tumulo ang luha ko.

Muli, nagising nanaman ako na may tumutulong luha mula sa mata ko. Agad ko namang pinunasan ang pisngi ko. Hindi na bago sakin ang mga panaginip pero hindi ko maiwasan na isipin na sa tuwing mananaginip ako ay tungkol sa babaeng nakahiga sa kama, minsan ay may babae at lalaki malungkot ang mga mata habang namamaalam sa anak nila at ang nakakapagtaka ay pagmamakaaawa ng babae.

Hindi ko magawang pagkonektahin ang mga panaginip ko dahil Malabo ang kanilang mga mukha. Nakakapagtaka na sa tuwing gigising ako ay may luhang umaagos mula sa aking mga mata.

Ilang sandali akong natulala, bago ko mapagpasyahan na magayos na. Walang pasok ngayon dahil sa gaganaping Masquerade ball. Pinagmasdan ko ang gown na susuotin ko para mamaya. Biglang kumabog ang dibdib ko. Ano kayang magiging reaksyon nya.

Mabilis na lumakad ang oras at nag gabi na.

Naligo na ako at nagbihis, pag ka tapos ay naglagay ako ng konting makeup, hindi kasi ako sanay sa makapal na kolorete sa mukha baka magmuka akong clown. Nag insist si Beryl na sya daw ang magmamake up sakin pero tumanggi ako, para naman makapag ayos sya ng mabuti. Plano nya daw kasing maging dyosa ngayong gabi para kay Xenon. Tsk.

Nang matapos na ko sa pag aayos ay humarap ako sa malaking salamin, kitang kita ko ang kabuuang ayos ko. Bumagay sakin ang suot kong gown na emphasize ang hubog ng aking katawan,Medyo na iilang lang ako ng konti dahil hindi ako sanay sa ganitong damit.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga, kinakabahan ako. Tumingin ako sa heels na suot ko. Masama ang kutob ko sa heels na to sobrang taas eh.

Nagulat naman ako bigla dahil sa katok na nanggagaling sa pinto ko. Di kaya sya na yon? Pero hindi nya naman sinabi na susunduin nya ko eh.

May pag aalinlangan kong pinagbuksan kung sino ang kumakatok. Nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi sya ang taong nasa harap ko ngayon. Hays. but deep inside disappointed ka? Epal ng isip ko. Hindi kayaaa! Erase, erase! Sabay iling. Bumungad sakin ang isang matandang lalaki na ay hawak na walis tambo.

Nakangiting hinarap ko nalang ang katiwala ng dorm

"wow, ang ganda mo po Miss Argon" sabi ng katiwala.Nang bola pa.

"Nako, hindi naman po gano, (Humble effect) Bakit po pala?"

"ahh--- may naghihintay na gwapong lalaki sa baba mukhang ikaw ang inaantay" ani nya

Halaaa! Di kaya sya na yon. wag kang mag assume mamaya ma-disappoint ka lang Argon! Protesta ng isip ko.

"Ganon po ba, Sige po bababa na po ako" nakangiting sambit ko.

Bago ako bumaba sa sala ng dorm ay sinuguro ko muna na ok na ang itsura ko, baka kasi pangit ang pagkakamake up ko. Inayos ko din ang straight kong buhok na kinulot ko sa dulo. Perfect!

Kinakabahan man ay pinilit kong magmukhang wala lang sakin ang lahat, Good Argon! Act natural. Pagpapalakas ko ng loob. Dahan dahan akong nag lakad sa hagdanan dahil gumagala ang mata ko sa paghanap ng taong inaasahan ko.

Kapansin pansin ang mga lalaking nakatingin sakin pero sinawalang bahala ko nalang, siguro ay hinihintay din nila ang kanilang partner. Biglang kumabog nanaman ang abnormal kong puso dahil sa lalaking nahagip ng mata ko. Lihim akong napangiti.

Hindi ako nagkamali, dahil sa pag tama ng aming mga mata ay syang lalong pagbilis ng tibok ng puso ko. Parang nag slow motion ang lahat dahil sa titig nya. He's wearing black suit with blue neck tie. Bagay na bagay sa kanya ang pormal na lalong nag pa emphasized ng kanyang mesmerizing eyes, no doubt. Sya ay walang iba kundi ang kinahuhumalingan ng mga babae sa Elysium academy at ang Kataas taasan at kagalang galangang Student Council President.

Bahagya akong napangisi, bakas kasi kanina sa mukha nya ang pagkainip. After all, he's my Hot tempered monster este master na minsan ay nag eevolved bilang dragon upang bugahan ako ng apoy.

Ewan ko ba kung pinanganak ba kong lampa o mahal lang talaga ako ng kamalasan dahil hindi nya ako maiwan iwan, dahil kasi sa kakaisip ko at sa pagtitig ko sa kanya ay hindi ko na napansin ang dinadaanan ko. Kaya ang resulta nadulas ako. Anong kahihiyan nanaman to Argon, Grand entrance ka pa tsk.

Hinintay ko nalang na saluhin ako ng sahig dahil doon ang bagsak ko.napapikit ako habang hinihintay ang pagbaksak ko. Kaya lang, pati yata ang pagkakahulog ko ay na delay dahil hanggang ngayon ay hindi ko padin nararamdaman ang pagbagsak ko. Kaya naglakas loob nalang akong dumilat baka sakaling nanaginip lang ako at panaginip lang na sinundo ako ng moong na yon.

Pero maling choice pala ang pagdilat dahil ang bumungad sakin ay ang nakakasilaw na kagwapuhan ng Master ko. Slow motion ako napatitig sa kanya. sa sobrang lapit naming sa isat isa ay konting galaw ko lang ay tiyak na na..... No Argon! Ang dumi ng isip mo. Naka hawak sya sa bewang ko habang nakapalupot naman ang dalawa kong kamay sa leeg nya spell awkward....

"Silly, You're definitely gorgeous but clumsy as always" bulong nya sakin. Agad na pinamulahan ako at lakas loob na tinulak sya palayo. Hindi ko alam kung kikiligin ako dahil sinabihan nya kong gorgeous o maiinis dahil sinabihan nya kong clumsy.

"A-Anong sabi mo?" lakas loob kong tanong kahit narinig ko naman talaga.

" you're not just clumsy, bingi ka na din " he smirk

" I'm not clumsy, at lalong hindi ako bingi!" protesta ko.

"tss, whatever. Let's go" walang ganang sabi nya sabay hila sakin.

Since, wala na kong nagawa dahil sa hinila nya na ko. Isa pa nanghihina ang tuhod ko dahil sa nangyari kanina. Nag patangay nalang ako kung san nya ko dadalin. syempre sa gradball san pa ba Argon tsk pati utak ko nahawa na sa pagiging pilosopo ng dragon na to.

Kinakabahan man pero di ko nalang pinahalata, dahil ito ang unang beses kong makakapunta sa party, depende nalang kung nakapunta na ko noong nakaraang buhay ko. Pinagbuksan kami ng guard ng gate at pumasok na kami sa loob...

Elysium Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon