CHAPTER 6: VOCAL CLUB CONCERT

2.1K 71 5
                                    

           

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

           

Argon's POV

Sa halip na sumagot ay inangat nya ang kanyang kamay... at naramdaman ko nalang ang malambot n'yang mga kamay sa gilid ng labi ko. Nanlaki ang mga mata ko. Assuming ko naman, kung ano ano ang pumapasok sa isip ko.

Pagkatapos nyang punasan ang gilid ng labi ko na tiyak ay may tirang pagkain kanina ay bumalik na sya sa pagkain. Naiwan naman akong nakatulala sa gilid ng sopa. Kitang kita ko sa mukha n'ya ang nakaka lokong ngisi .  Seriously? nang aasar ba sya.Ako na nga itong napahiya eh.

Nang matapos na kaming kumain ay balik sya sa trabaho n'ya. Hindi nya naba kailangan pumasok sa mga klase? Tila abalang abala lang sya sa pagbabasa ng mga dokumento. Habang ako ay nakatulala lang sa tabi nag upuan nya. Ano bang gagawin ko dito.

"Krypton?" tawag ko sa kanya. Wow, diretso ko nang natatawag siya sa pangalan niya.

"Yes?" sagot nya habang di sya naka tingin sakin

"Akala ko ba ay may ipapagawa ka saakin?" tanong ko, tumingin lang sya sakin at ibinigay ang dokumento .

"Dalin mo to sa Vocal Club, para yan sa gaganaping concert sa Elysium Academy"

Wow, meron palang concert dito. Ang akala ko ay boring ang pamumuno nya sa SSG council. Di naman pala sya kill joy. Inabot ko na ang mga dokumento at umalis. Buti naman at di nasya nagsalita pa.

Kumatok ako sa pintuan ng Vocal Club. Kilalang kilala ang grupo nila dahil sa huhusay nilang kumanta.Pati ako ay humahanga sa angking galing nila.bumungad sakin ang isang babae na may mahabang buhok.

"Oh, hi? Anong kailangan mo?" nakangiting tanong nya.

"Pinapabigay ni Kryp--este  Mr. President sa inyo" muntik na ko don ah, baka kasi kkung ano ang isipin nila kung tatawagin ko sa pangalan si Krypton

"ahh,pumasok ka muna." Sagot n'ya naman.

Pumasok ako sa kwarto. Puno ito ng mga instrument. Kumpleto sila ng gamit.

" Ikaw  si Argon right?" bungad sakin nang nakaupong babae na marahil ay leader nila.

"Oo, pinapabigay ni Mr. President sa inyo, tungkol daw ito sa gaganaping concert sa Elysium Academy"

"Oh, thanks.Argon, I hope na manonod ka sa concert naming, aasahan kita don"

"Ok, manonood ako" nakangiting saad ko.

"Im Lithia Manuel ang leader / vocalist ng Vocal Club at yung babaeng mahaba ang buhok naman ay si Francy Smith sya ang gitarista namin yung nakaupo naman sa dulo ay si Titania Flores sya ang pianist" pagpapakilala nya sa kanilang grupo.

Ngumiti naman sakin si Francy sabay kaway, mukang masayahin sya. Habang walang pakielam sa mundo  si Titania. Mukang tahimik talaga sya. Lahat sila ay magaganda kaya hindi naka pagtataka kung bakit sila sikat sa Elysium Academy.

"Pwede mo kaming maging kaibigan Argon, ikagagalak namin na maging kaibigan ka" nakangiting sabi ni Francy. Nginitian ko nalang sya bilang tugon. Mukang dumadami ang mga nakikipag kaibigan sakin ngayong araw.

Di nadin ako nagtagal doon at dumaretso na sa next class ko. Baka wala nakong matutunan dahil sa pag gagala ko. Hindi nadin ako dumaan pa sa SSG Council room, ayokong makakita ng dragon.

Mabilis na natapos ang klase ko, kaya naman dumaretso na ko sa dormitory sa loob nang Elysium Academy.

Third Person POV

"Handa na ba ang plano?" tanong nang lalaking nakaupo sa gitna.

"oo , handa na tiyak na mapagtatagumpayan natin ang misyong ito pinuno. " sagot nang isa sa grupo

"Isasakto natin sa kaganapan, upang hindi nya mahalata ang pagkawala nang hinirang" dagdag naman nang isa pa.

"Good, siguraduhin nyong hindi kayo papalpak" yun lang at umalis na ang kanilang pinuno.

Argon's POV

"Ate? May regalo ako sayo." Nakangiting turan ng batang kausap nag isang babae. Hindi malinaw ang mga mukha nila.

"Ano yun" nakangiti ding tanong nang babae

Kasabay noon ay ang pag lahad nang bata ng isang kwintas.Naluluhang tinanggap ng babae ang kwintas

"maraming salamat....sobrang nagustuhan to ni ate" sabi ng babae.

Mahina ang pag kakasabi sa pangalan ng batang babae.kaya hindi ko ito narinig. Biglang naging madilim ang lahat.

Napabangon ako sa aking kama naguunahan ang aking mga luha kasabay ang pag patak nang malagkit na pawis.Sobrang daming tanong sa isip ko kung ano ba talaga ang mga paulit ulit na senaryo na napapanaginipan ko. Anong kinalaman nito sa isat isa. Kung sana ay nakikita ko nang maayos ang mga mukha nila. Mas maiintindihan ko pa siguro.

Tulala nanaman ako sa klase. Sa nagdaang gabi puro ibat ibang senaryo ang napapanaginipan ko. Namalayan ko nalang na nagsitayuan na ang mga kaklase ko.

Simula na pala ng Vocal Club concert kaya dumaresto na sila sa court. Napagpasyahan ko nading pumunta. Nang may kumalabit sa akin.

"Hi Argon! Kamusta~manonood kadin ng concert" tanong ni Beryl sakin.

"ahh, ok lang naman, Oo manonood ako" sagot ko. Sabay kaming nag lakad patungong Court. Nakahanda na ang lahat magsisimula na sila Lithia at ang buong grupo ng Vocal Club.

"OMG, im so excited na~ pangarap ko ding maging vocalist ng isang banda katulad ni Lithia" Nagniningning ang mga mata ni Beryl. Siguro ay gusto nya talagang kumanta at pagtanghal sa isang entablado. Kung ganoon ay susuportahan ko sya.

"Nothing is impossible, matutupad din ang pangarap mo Beryl" nakangting turan ko habang nakatingin sa ngayon ay nag sisimula nang pagtatanghal nila Lithia.

Napuno nang sigawan ang court nang magsimula na ang pagtatanghal. Nakatingin lang ako kila Lithia, I can see in their eyes that they are passionate.

"Ladies and Gentlemen we are the Vocal Club!, " Nakangiting pagpapakilala ni Lithia. Bagay na bagay sa kanya ang pagiging Leader ng grupo, she has a pleasant personality. Maya maya pa ay nagsimula na silang tumugtog.

Mabilis na natapos ang tatlong kanta,Napuno nang hiyawan at palakpakan ang entablado.Napatingin ako sa katabi ko, Sobrang energetic nya. Hindi ko alam kung bakit nya ko gusting maging kaibigan, isang nerd na katulad ko. Pero Masaya ako na ngayon ay may kaibigan na akong itinuturing.

"Thank you everyone, the next song ay sarili kong komposisyon sana ay magustuhan nyo~" Nakangiting sigaw ni Lithia.

Ang akala ko ay rock ang genre na tutugtugin nya, ngunit nagkamali ako. Instead, it is a love song. Sobrang ganda nito, hindi lang pala sya magaling kumanta. May talent din sya sa pagsusulat at pagkokomposisyon ng kanta.

Buong puso nya itong kinanta. Matatapos na sana ang ito nang biglang namatay ang ilaw. Nanlaki ang mata ko.

Dahil kitang kita nang dalawa kong mata ang paglaho ni Lithia sa entablado, Nakita ko yun, Dahil nung bago mamatay ang ilaw ay nakatingin ako sa kanya. Natulala ako, habang ang iba naman ay nag papanic kung bakit namatay ang ilaw. Wala akong panahon upang magpanic, agad akong tumakbo patungo sa kanina ay kinaroroonan ni Lithia.

Pero huli na ang lahat. Hindi ko na sya nakita.Sobrang gulo ng utak ko. Nahilo ako bigla kaya napapikit ako.Ito naba ang sinabi nyang misyong dapat ay ginawa nya na dati pa.

Bigla kong naalala ang paguusap namin ni Lithia kanina sa Vocal Club room.

Elysium Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon