CHAPTER 38: GRADUATION DAY

1K 37 1
                                    

Argon's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Argon's POV

Finally our final battle has come, the graduation. Tumingin ako sa paligid, Prente lang akong nakatayo sa taas ng rooftop, tinitingnan ang mga estudyante na abala sa pag aayos ng upuan at iba pang kailangan sa gaganaping na graduation day.

Kung titingnan ay iisipin mo talagang walang mali sa lugar na ito, na simpleng studyante lang sila at simpleng paaralan lang ito. Pero sa likod ng pangalan ng paaralan na ito ay nakatago ang lahat ng sikreto, mga sikretong babago at gigising sa pagkatao mo.

Naiisip ko, paano kung hindi ko nalaman ang sikreto ng Elysium Academy? Isa din kaya ako sa mga estudyante na may matamis na ngiti ngayong araw na ito, mga estudyante na walang ka edi-ediya sa mga nagyayari sa labas at loob ng paaralan na ito. Ang lahat ng ito ay pawing kathang isip lamang ng mga kaluluwang hindi matahimik dahil sa hindi nila nagawa ang kanilang misyon sa lupa.

Hindi ko akalain na kasama din pala ang mga taong na comatose at nasa bingit ng kamatayan ang kaluluwa. Na mas pinili nilang maparito kaysa magpagala gala ang kanilang kaluluwa.

In the pass 5 years, I've been realize the important of this place to those spirits to have one more chance to live, one more chance to feel that they were important, they have rights, and they have family either friends and love ones.

Natigil ako sa pag iisip ng may maramdaman akong ipinatong sa ulo ko. Nag angat ako ng tingin.

"Congrats Ms President" He smiled at me. Sa inayos ang toga na ipinatong sakin.

"Just call me Argon, Mr. Vice President" I said.

"Finally! Our Argon comeback to her real self! Yahhh I missed you Argonnnn~" nagulat naman ako sa pag sigaw ni Francy at saka tumakbo para yakapin ako.

"Ano ka ba Ate, nasasakal na si Argonn~" sabi pa ni Arsenica at saka yumakap din sakin. Pero mas nagulat ako noong yumakap din sakin si Titania.

"Hays, sana may hug din ako Titania" pabirong sabi ni Nickel pero sinamaan lang siya ng tingin ni Titania kaya napatawa ito.

"Ako din honey hug ko din" sabi ni Boron sabay pout.

"Chee~ di tayo bati, kayo nalang ni Nickel ang magsama" pabirong sabi ni Arsenica.

Nakakatuwa lang at kompleto silang lahat, Nakakapagtaka kung bakit nila alam na nandito ako, Ang drama ko tuloy tingnan.

Pinagmasdan ko lang sila, Lahat sila ay pawang may ngiti sa labi.

Si Arsenica at Boron na parang aso at pusa kung mag away pero may pag tingin din pala sa isa't isa, parehas silang naging mabuting kaibigan para sakin,

Maging si Francy na kahit ang ingay ingay pero ang lambing na kaibigan siya ang laging nagaalala sakin. Nakakatawa talaga yung pagiging bitter niya sa love life ng kapatid niya,

Si Titania, na kahit na walang pakielam sa mundo niya ay alam kong, isa siyang mabuting kaibigan masaya ako na unti unti na siyang nagsasalita ng madalas dahil sa makulit na si Nickel, siya ang nakatuklas na ang Black Dragon Organization ang may pakana kung bakit madaming nawawala sa Elysium Academy. Isa din siyang mabuting kaibigan, Alam kong seryoso siya sa nararamdaman niya kay Titania.

Bigla kong naalala ang tinuring kong Bestfriend sa mundong ito, Si Beryl, nakaka miss yung mga panahon na magkasama pa kami, nakakalungkot lang dahil nagpa bulag siya sa pagibig at maling akala tungkol samin ni Xenon, kung nakinig lang sana siya ay hindi kami aabot sa ganito. Sana masaya na sila ng pinsan niyang si Chlorie kung saan man sila naroon.

Nalulungkot din ako sa sinapit ni Neon na si Kin pala na leader ng Black Dragon Organization. Kung sana hinugasan niya ang puso niya at inalis ang galit na nagmumula doon, ay naging payapa pa ang lugar na ito.

Napabaling ako sa katabi kong si Xenon, Naalala ko pa noong una ko siyang nakilala, Wala akong kaalam-alam na siya ang Vice President. Noong panahon na naaasar ako sa kanya kasi ang kulit at mapang asar niya na tipong hindi buo ang araw niya pag wala siyang naasar. Pero inaamin ko na isa siyang tunay na kaibigan, Nagpapasalamat ako sa pagibig niya sa akin, na kahit hindi ko man nasuklian yon ay tinangap niya pa din kahit hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kanya.

At syempre makakalimutan ko ba naman ang taong unang nagpatibok ng puso ko, ang taong sobrang suplado at mainitin ang ulo,

but then, when he started to enter to my life, he change me. He makes my life upside down.

And I love him, I love him even though he was strict, hot tempered, and possessive. I love him even though he is like a dragon or a monster.

He is my hero.

Now I can't wait for him, because now I will search for him.

Napatigil ako sa aking pag iisip."Argon, tara na magsisimula na ang ceremony" tawag sakin ni Xenon.

"Whaa! Goodluck sa speech mo later ah, Argon" nakangiting sabi ni Arsenica sakin. Ngumiti muna ako bago mag salita "Oo naman" Ani ko.

"Wag mo kaming papaiyakin ah~" sabi naman ni Francy na ikinangiti ko nalang at sabay sabay na kaming bumaba ng hagdan.

Lahat sila mahalaga sakin, lahat sila tinuring kong kaibigan, gusto ko na sana, sabay sabay kaming magsimula ng bago naming buhay. At magpatuloy sa darating pang kinabukasan.

Elysium Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon