Argon's POV
Sa limang taon na wala ako ay madami na palang nangyari ilang taon matapos ang graduation namin ni Collin ay nakakilala siya ng lalaking mamahalin niya, nakakalungkot lang dahil wala ako noong araw ng kasal niya, Kasalukuyang nasa bahay nila ako dahil ngayon ang ika-limang taon na kaarawan ng anak niyang si Copper, sa totoo lang ay naalala ko sa kaniya si Copper na naging kaibigan ko sa Elysium Academy.
Nakakalungkot lang kasi nasa ibang bansa si Krypton ng isang linggo dahil inaasikaso niya yung business ng family nila since sa kaniya pinamana ang buong company dahil namatay na ang Dad niya.
"Baby, say hi to Ninang Argon" sabi ni Collin.
"Hi po, Ninang Argon" sabi naman ni Copper sakin sabay ngiti. Ang cute niya.
"Hello baby Copper" sabi ko. ngumiti ulit siya mukhang may pagka mahiyain ang batang ito.
"Mommy, I wanna play basketball" he said saka tumakbo doon sa mini court niya.
"Mukhang nahihilig si Copper sa basketball" I said. Kami nalang ni Collin ang nag uusap sa kusina habang naghahanda kami ng mga lulutuin sa party.
"Oo nga eh, mana sa Daddy niya" kinikilig na sabi ni Collin.
"San mo nga pala nakuha ang pangalang Copper?" hindi ko na mapigilang itanong sa kaniya.
"Hmm, actually combination yun ng name namin ng asawa ko, Collin at Christopher! Diba ang cuteee" naka ngiti niyang sabi habang naghihiwa ng mga lulutuin namin.
Yun naman pala eh, bakit ko ba iniisip na may kinalaman siya sa Copper na nakilala ko sa Elysium Academy.
Maya-Maya dumating na ang mga classmate ni Copper kaya tatawagin ko na si Copper para masimulan na yung party niya since busy ang Mommy niya.
"Bakit ba ang kulit mo, sabi ng ayokong makipaglaro sayo kasi girl ka, di ka dapat naglalaro ng basketball"
Malayo pa ako ay rinig ko na ang boses ni Copper kaya mabilis ko siyang pinuntahan. Kaya lang napatigil ako dahil may kasama pala itong isang batang babae.
"hindi naman ulit babae ako hindi na ako pwedeng maglaro ng basketball, Susumbong kita sa Mommy ko!" sabi ng naman ng batang babae na ngayon ay umiiyak na.
Mukhang nagulat naman si Copper dahil umiyak na yung batang babae kaya nilapitan niya ito saka binigyan ng panyo.
"Sorry na,wag ka nang umiyak lalo kang pumapanget e"
Muntik na akong matawa sa sinabi ni Copper sa batang babae, pero mukhang effective naman yung sinabi niya dahil tumigil naman ito sa pag iyak.
"Ikaw kasi eh, saka hindi ako panget sabi ng Mommy ko!"
BINABASA MO ANG
Elysium Academy (Completed)
FantasyShe's Argon Neomy Mendez, an ordinary girl with an ordinary life, until one day she meet Krypton Lee an arrogant Student Council President who make her life upside down. Her peaceful life was ended when she discovered the secret of the Elysium Acade...