CHAPTER 10: NEW LEADER OF VOCAL CLUB

1.5K 62 3
                                    

Argon's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Argon's POV

Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala na si Xenon ang Vice Presibent ng Student Council, bakit ba di ko naisip yon, kaya pala magkakilala sila ni Krypyon at baka yun din ang ibig sabihin ni Xenon na close sila ni Krypton. Hayst bahala na nga, ngayon ay inutusan lang naman ako ng magaling kong master na bumili ng pagkain nila, akala ko kung anong mahalagang bagay ang ipapagawa sakin ng bipolar na Krypton nayun kung makahatak sya sakin wagas.

At ang dami pang pinabili. May fiesta ba sila ngayon.

Pagpasok ko ay wala ung iba, tanging si Krypton at si Chlorie lang ang naabutan ko.at parang walang nakita si Krypton dahil di man lang ako tinapunan ng tingin habang si Chlorie ay asiwang tiningnan ako na parang sinasabi na epal ako sa moment nila kuno ni Krypton.

"Excuse me,nandito na ung pagkain nyo. Iwan ko na lang dito sa lamesa." Sabi ko akmang aalis na ko ng mag salita si Krypton.

"Sabayan mo kaming kumain" habang naglalakad patungo sa lamesa. No way! Ayoko! Naalala ko kasi ung last time na sabay kaming kumain, nag mukha lang akong tanga. Saka ayokong makasabay yung amasonang Chlorie na yun no.

"But Krypton!, ayoko syang kasabay" pag di sang ayon ni amasona, che! Ayoko ding makasabay ka no!

"I dont care, Argon Sit" ayan nanaman sya sa pagiging master/ dog na treatment nya sakin.

Wala na kong na gawa kundi umupo sa harap ng dalawa. Mukang may gusto talaga si Chlorie kay Krypton, sabagay bagay naman sila eh maganda at gwapo. Perfect din yung ugali nila, parehas monster.

Ang buong akala ko ay bakla talaga si Krypton hindi pala. Kung sa bagay sayang ang abs nya kung ganon, ay hindi! Erase erase! Argon.

"Kryptonnn~ say ahh~" ugh! May pasubo subo pa syang nalalaman. May relasyon ba sila. Stop it Argon chismosa ka!

"Tss, don't be childish Chlor" what the! Ang akala ko ay maiirita si Krypton pero hindi! Kalamado lang sya pero ang sungit padin ng dating.

Parang napahiya naman si Chlorie nang di tanggapin ni Krypton ang alok nito. Chlor? So may nickname pala sya kay Chlorie?

"Hmmp!" arteng pagmamaktol ni Chlorie, what a spoiled brat. Tumingin sya bigla sakin at inirapan ako.Ano bang problem nya sakin?. Tsk. Kung ayaw nya sakin mas ayoko sa kanya.

Natapos kaming kumain na walang balak magsalita samin. Maging ako din ay nawalan ng gana matapos maging third wheel ng dalawang devil. Habang lumabas naman sandali si Krypton biglang lumapit sakin si Chlorie. Masama ang kutob ko sa pag lapit nya sakin lalo na at alam kong napipilitan nya lang akong ngitian pag nandito si Krypton at alam ko din na hindi naming gusto ang isat isat.

"Argon, stay away from MY Krypton, or else mapipilitan akong burahin ka sa mundong ito" Oh na mas malala ang sinabi nya kesa sa inaakala ko, at nagpantig ang pandinig ko sa bandang MY Krypton eh? Kelan pa nya nagging pag mamay ari yung Dragon na yon.

" You're kidding right, wala akong balak agawin si Krypton o kung sino mang lalaki sa mundong ito. Kung gusto mo ay sayo na lahat. One thing, batay sa nalalaman ko ay walang nag mamayari kay Mr. President kaya pano mo nagamit ang salitang MY. " nanggagalaiti na ito at halatang pikon na pikon na sa mga sinabi ko. Well ang sarap nyang inisin.

Akmang magsasalita na sya nang unahan ko sya. "Oh, wag mong sabihin na isa ka sa fan girls nya? Hmm. Hindi na nakakapagtaka" pahabol kong hirip sa kanya. ngayon ay nakaganti nako sa mga irap at pagtataray nya kanina sakin. Napangiti ako ng isara ko ang pinto. Iniwan ko lang naman sya don na parang bulkang sasabog sa inis. Kung nagtataka kayo kung bakit ang tapang ko kanina. Hindi ko lang talaga gustong makipag plastikan sa taong ayaw sakin in the first place. Hindi rin uubra sakin yung panakot nya kanina dahil alam ko ang sikreto ng Academy na to.

"Argooon!" teka sinong sumisigaw ng pangalan ko? Pagtingin ko kung san nanggagaling ang matinis na boses.

"Francy? Bakit mo ko tinatawag? " tanong ko sa ngayon ay nakaupo sa table, kasama nya si Titania na as usual may sariling mundo habang nag babasa ng libro.

" Argon, pwede ka ba naming makausap?" parang seryosong bagay. Sabagay mukhang di parin sila nakaka move on sa pagkawala ni Lithia.

"Ah, oo naman" pag payag ko.

Nandito kami ngayon sa Vocal Club room. Nakaupo lang si Titania malapit sa may bintana. Pansin ko lang bihira talaga syang magsalita. Hindi ko gaanong narinig ung boses nya. Introverted talaga sya. Napatingin ako kay Francy na ngayon ay may hinahanap sa may cabinet.

"I found it!" tili nya napapikit ako sa tinis ng boses nya. Pero parang walang narinig si Titania, immune na yata sya sa boses ni Francy.

"Ano yun?" tanong ko sa kanya

"Ito ang Diary ni Lithia, at may kutob ako na ay sinulat sya dito bago man sya nawala" pagpapaliwanag ni Francy. Mas ok pala kung hindi s'ya tumitili.

"At bakit kailangan nandito pa ako?" tanong ko ulit

Tiningnan nya ang nakasulat sa huling pahina at binasa ito. Nanlaki ang mata nya at tumingin sakin.

"Dahil nung nagpunta ka dito para ibigay ang documents na kailangan sa concert ay nakita kong may binulong sayo si Lithia at kilala ko sya hindi sya magiging ganon kaseryoso kung hindi mahalaga ang sinasabi nya" paliwanag nito. So narinig nya kaya.

"So, narinig mo?" tanong ko

"Hindi, yun sana ang itatanong ko sayo pero mukhang alam ko na ang pinagusapan nyo" serosong sabi nito.

"Ang pagpili sa bagong Vocalist ng Vocal Club" Cool na sabi ni Titania habang nakatingin sa langit. What the! Nagsalita sya! At bakit alam nya ang tungkol doon

"How did you know?" tanong ko.

"I just know. madali lang basahin si Lithia. Kapansin pansin ang pag iwas n'ya samin bago ang concert" nakakapanibago pag nagsasalita si Titania. Ang lamig ng boses nya. So, umiiwas si Lithia sa kanila marahil ay hindi nya gutong magalala ang mga ka banda.

"At base sa sinulat nya sa Diary n'ya, ikaw ang inatasan nya upang pumili ng bago naming leader" sabi naman ni Francy

"Oo, tama lahat ng sinabi nyo. Sinabi sakin ni Lithia na ako ang pipili ng bagong Vocalist" tugon ko sa dalawa.

"May kilala ka ba na karapat dapat" tanong ni Francy

Napangiti naman ako ng matamis kay Francy, dahil may naisip na kong taong karapat dapat sa posisyon.

"Oo. Walang iba kung hindi si Beryllia Ramos" sagot ko.

Naalala ko kung gaano nya kagustong maging vocalist ng banda at humahanga talaga sya sa Vocal Club. Alam kong passion nya ang pagkanta sya lang ang karapat dapat sa posisyong iniwan ni Lithia.

Elysium Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon