Labing Tatlo.

120 8 8
                                    

Hapon na at ngayon ang pasya kong maligo sa dagat. Inaya ko sila Gaby at Trisha ngunit sabi ng mga 'to ay sandali lang raw. Kaya nag hihintay ako ng text nila rito sa aking terrace.

Huminga ako ng malalim. Maya maya ay mag ssunset na at 'yun ang gusto kong matunghayan mamaya habang naliligo sa beach.

Kinagat ko ang aking labi. Inamin ko na sa sarili kong may gusto ako kay Drake ngayon. Ano na? Ano ng mangyayari? Ano ng gagawin ko? Aaminin ko ba? Umirap ako sa kawalan. Mas gusto ko pa nung di ko pa alam na may gusto ako sa kanya. Para wala akong ilang na nararamdaman na gan'to.

Maya maya ay may kumatok sa pinto ng aking suite. Akala ko ba mag ttext? Umirap nga ako. Mabuti nalang at nakabukas ang aking glass door at narinig ko ang katok sa pinto mula sa labas.

Tamad ko itong binuksan at lalabas na sana nang matigilan ako dahil si Drake pala ang kumatok. Hindi ko alam kung namilog na ba ang aking mga mata pero yun ang nararamdaman ko. Bahagya akong lumunok at awtomatikong nag hurmentado na ang aking puso.

Nakasandal ito sa gilid ng pinto at nakapamewang. Magulo ang buhok at naka puting board shorts. Oo. Board shorts lang at walang pantaas. In short, topless! Walanghiya, inaasahan ko ng may abs siya pero iba parin pala talaga pag nakita mo na face to face! Sus ginoo, napahinga ako ng malalim ng wala sa oras.

Kinagat ko ang aking labi at pinokus ang aking tingin sa muka ni Drake na ngayo'y inosenteng nakatingin lang sa akin. Hindi niya ba alam na hindi na ako magka-aligaga rito dahil sa nakabalandara niyang abs? Bwisit! Shit! Shit lang talaga!

Tumaas ang isa niyang kilay. Ay puuuuuuut.. nahahalata na yata. Kristine kasi! Kalma kalma naman, oh! Abs lang yan! Hindi ka niyan kakainin!

Lumunok ako bago nagsalita. "Bakit?" Pinilit kong gawing iritable ang boses ko ngunit ako'y pumalya. Napapikit ako ng mariin. Oh my god.. Kristine Xavier.

"Are you okay?" Bahagya pa itong lumapit sa akin pero para namang awtomatiko at may isip ang paa 'kong umatras rin palayo.

"Of course." Mabuti ay normal ang boses ko at hindi talaga pumapalya sa pag utal. Thank God.

Kumunot ang noo nito at nagsalita. Yung abs mo kasi! Nyeta ka. "Mag sswimming raw kayo nila Trish. Sama 'ko." Parang batang nagpapaalam ito sa akin. Bata? May ganyang abs? Argh Kristine! Mag move on ka na nga sa abs!

Bahagya akong lumunok bago nag salita. Kailangan maayos ang aking boses, abs lang yan Kristine. "Edi sumama ka. Bakit mo pa sinasabi sa akin." Nang sulyapan ko ang muka niya ay bumabagsak lang ang tingin ko sa kanyang abs kaya nilibot ko nalang ang aking paningin.

He gritted his teeth at ngumiti sa akin na parang tuwang tuwa. "Okay!" Masigla nitong sabi at tumalikod na. Oh my god that sexy back! Tinikom ko ang aking bibig at parehas na kinagat ang mga ito.

Humarap pa ito sa akin upang maisara ang pinto. Ang huling sulyap ko rito ay kinagat niya ang kanyang labi at tuluyan ng nasara ang pinto.

Umatras naman ako at nang maramdaman ko na ang kama sa likod ng aking binti ay agad akong umupo at huminga ng malalim. Ngayon ko lang napagtantong hindi yata ako humihinga ng maayos kanina. Ganito? Ganito ang epekto ng abs niya sa akin? "Punyetang abs yan." 

Naliligo na ako rito sa beach. Nasa di kalayuan lang sina Gab at Trisha. Nag hahanap ng isda. Ngumiwi nga ako nang mapatingin sa kanila. Maganda kasi rito dahil sobrang linis ng tubig at makikita mo ang iyong paa sa ilalim ng karagatan.

Hanggang bewang ko ang tubig. Sumisid ako nang nakadilat  ang aking mga mata upang masilayan ang magagandang corals at isda sa ilalim. Pagka ahon ko ay natanaw ko sa 'di kalayuan si Drake na nag j-jet ski. Napatingin ako sa paligid niya at maraming babaeng nakatingin rin dito. Kinagat ko ang aking labi. Paano ba naman! Binabalandara niya ang kanyang abs! Nakakainis. Inirapan ko ang kumpolan ng mga babaeng nakatanw rito.

Nothing's gonna stop us nowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon