Dalawampu't Tatlo.

146 6 2
                                    

Alas Otso nang umaga ng bulabugin ako nina Gaby at Erick saaming bahay. Aniya'y pumunta na raw kami ng school. Halos batuhin ko ang mga ito ng hanger dahil napaka ingay. Dada ng dada. Hindi ba nila alam na kakagising ko lang at malapit na lumevel ang boses nila kay Mama?

Umuwi na sila Mama ng LA. Pag uwi ko ng bahay kahapon ay nakaalis na sila. Anila'y tumawag nalang daw ako kung handa na ba raw ako kausap sila. Kahit ayoko ay hindi ko alam kung bakit tumawag parin ako. Ilang beses ko tinawagan ang phone ni Mama at Papa ngunit walang sumasagot. Tinawagan ko naman ang secretary nila ngunit ani 'to ay busy daw sila Mama at Papa. Saya diba?

Tapos na ako maligo at nagbihis na ako ng school uniform namin. Nagkakamot ako ng ulo habang pababa ng hagdan ng madatnan ko sila Erick at Gaby na nag kkwentuhan sa sala. Halatang kinikilig si Gaby dito. Kinagat ko ang labi ko at nag libot ng tingin. Gusto kong matawa, hindi ko alam kung bakit.

"Hoy kayo na ba?" Ani ko sa mga 'to ng makapasok ako ng living room. Agad na lumunok si Gaby at umusog palayo kay Erick.

Umiling si Erick at namula. "Ay oh." Sabi ko kahit hindi naman ako naniniwala. Bahala kayo dyan.

Umikot na ako upang pumunta ng pintuan at makalabas ng bahay. Sila 'tong excited pumunta ng school pero ako pa 'tong naunang lumabas.

Buong araw ay tuloy ang klase. Pumapasok lang kami, sila Trisha at Gaby pala, ng maaga upang maasikaso ang mga gaganapin sa party kinagabihan. Ako ang binulabog ni Gaby ngayon dahil nga hindi makakapasok ng maaga si Trisha dahil may gagawin daw sa cheering. Pag patak lang ng Alas sais saka mag pupuntahan ang lahat sa soccer field kung nasaan ang venue ng party. Bali gagabihin na kami matatapos dito. Palagi naman.

Parating lahat ng estudyante sa school ay imbitado rito. Ang alam ko ay mahigpit na ipinagbawal ni Gaby ang mga outsiders, hindi ko alam dyan. Marami yang kaaway sa ibang school eh. Siguro kalaban sa volleyball? Hindi ko alam.

Gamit namin ang kotse ni Erick papasok ng school. Binanggit pa nito na nakita niya raw ang lambo ko sa garahe at halos patayin ko ito sa tingin ngunit nang sinabi niyang tinignan niya lang naman at hindi hinawakan ay nakahinga ako ng malalim.

"'To naman. Ang damot sa kotse. Hmp, pag ako binilhan ni Daddy sa birthday ko, mas maganda pa sa car mo."

Maktol saakin ni Gaby. Inirapan ko lang ito. Di ka nga marunong tumawid.

Nang makarating kaming school ay marami agad ang nagtinginan saakin. Yung iba ay nahihiyang bumabati ng happy birthday. Yung iba naman ay sinusundan lang ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit ganito kaaga ay pumasok na rin sila. Akala ko ay kami palang ni Gaby ang andito. Alas Diyes naman kasi ako pumapasok dati at ngayon lang ako pumasok ng ganito kaaga para sa after party ko.

"Kristine, punta lang kaming field ha? Sama ka?" Aya ni Gaby.

Umiling lang ako dito at nag libot ng tingin. Marami ang nakatingin saamin. Bakit napaka raming estudyante agad ang pumasok sa araw na ito? Mag Aalas Nueve palang, ah?

Sumimangot saakin si Gaby at hinila nalang palayo si Erick upang maglakad patungong field. Mainit 'don. Inirapan ko nga ang likod nito. Matusta ka sana ulit.

Naglakad ako patungong building ng fourth year. Bawat estudyante'ng nadadaanan ko ay binabati ako ng maligayang kaarawan. Yung iba ay tinatanguan ko kahit nakatingin ako sa daanan at yung iba ay hindi ko nalang pinapansin. Bawat tango ko ay nakakarinig ako ng hiyawan paglagpas ko sa mga ito. Umirap ako sa kawalan. Parang mga tanga.

Dumiretso akong locker sa dulo ng hallway. Maglalagay ako ng libro at kukunin ang pang una at pangalawa ko'ng period. English at Christian Living. Mabuti nalang at inuwi ko na ang cl nung friday kaya english nalang ang kukunin ko.

Nothing's gonna stop us nowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon