Labing Pito.

91 4 1
                                    

Pag uwi ay agad akong pumanhik sa aking kwarto. Sumabay pa sina Drake at Ashley hanggang sa bahay namin dahil iniwan pala ni Drake ang kotse niya sa amin. Nang makarating kami sa isang restaurant ay kumain kami ng dinner 'don. Tahimik lang ang lahat dahil na rin sa pagod sa byahe. Mabuti naman at kaya naman palang tumahimik ni Ashley. Pagkatapos namin kumain ay pumunta kami sa kabilang van kung nasaan ang mga bagahe namin. Sila Gabriella at Trishana ay sumabay na kina Erick sa van nito dahil magkapareho lang sila ng village na katabi ng village nina Erick at Nathan. Malayo kasi ang sa village namin, katabi lang nina Drake. Malay ko kung saan nakatira 'tong si Ashley.

Nagpanggap ako na tulog pagkatapos 'non buong byahe kaya hindi na ako kinulit ni Drake na umupo sa tabi niya. Nang silang dalawa nalang ni Ashley ang nasa likod ay 'di ko maiwasang kurutin ang sarili ko upang pigilan ang pag lingon sa kanila. Naririnig ko silang nag tatawanan ng marahan dahil may joke na sinabi si Ashley na ang pinakacorny'ng joke na yata na narinig ko sa tanang buhay ko. Bakit siya tumatawa dahil sa ibang babae? Bakit siya napapatawa ng ibang babae? Nakakainis. Sanay kasi akong suplado siya sa ibang babae, well hindi naman sa hindi siya suplado sa akin minsan pero pinapakita niya yung ibang side niya sa akin. Pero wala, eh. Girlfriend niya 'yan eh. Malamang diba. Sige, mag lampungan na kayo. Tulog ako eh.

Paano kaya sa school? Oo lalayuan ko na siya pero masasanay ba ako na parati silang magkasama at nagtatawanan? Siguro hindi nalang ako titingin sa kanila. Oh baka kaya?

Nagpalit ako sa pajamas at sweatshirt bago tumunganga sa kisame habang nakahiga sa kama. Maya maya pa ay nabagot ako sa kwarto 'ko dahil wala na yatang antok na natitira sa katawan ko. Ayoko muna kasing bumaba dahil alam 'kong mag sstay ng ilang oras sina Drake dahil kakausapin pa iyon ni Jake. Naalala ko pa ng batiin ako ni Jake pag pasok ko ng bahay at tanungin ako kung kumain na ba ako ngunit tumango lang ako at nilagpasan ko lang ito dahil nakasunod sina Drake sa likod ko. At tototohanin ko na ang paglayo kay Drake. Dahil kailangan ko ng itigil 'to.

Paglabas ko sa aking kwarto ay narinig ko'ng may kausap si Jake sa baba. Bumuntong hininga ako ng hindi ko narinig ang boses nina Drake at Ashley. Palagay ko'y umuwi na ang mga 'yon. Alas nueve na rin kasi. Simula nang makauwi ako ay hindi ko pa tinitingnan ang phone ko. Paano kung mag text si Drake mamaya? Tumawag? Hindi.. umayos ka Kristine.

Pagbaba ko ng hagdan ay nasa phone pala ang kausap ni Jake. Nakapamewang ito at nakatayo sa living room. Tungkol sa kompanya ang pinag uusapan nila. Lumingon ito sa akin at ngumiti. Binaba niya ang tawag at naglahad ng dalawang braso na para bang nag iintay ng yakap ko. Kinunotan ko ito ng noo at nginisihan.

"Woah. First time in history na hindi pang irap ang pinambungad mo sa akin, ah?" Aniya at kahit ba sabihing nagbibiro ito ay hindi maalis sa mga mata nito ang mangha.

Ngumuso lang ako at tumalikod upang pumuntang kusina. Hindi ko na kasi pakiramdam umirap, hindi ko na rin matandaan kung paano ko nagagawang umirap minu-minuto dati. Parang nakakapagod sa mata. Agad akong dumiretso sa ref upang tingnan kung anong pwedeng makain o mainom.

"Umuwi na sila Ashley." Aniya sa likod ko. No wait, tuwing nababanggit ang pangalang Ashley ay parang may sariling isip ang mga mata ko na umirap. Yeah, Ashley.

Oh so ihahatid pa siya ni Drake sa bahay nila? O hindi? Eh ano? Dun din siya nakatira sa bahay nila Drake?

Natigilan ako sa mga naisip ko, kinagat ko ang aking labi.

"Hey are you okay?" Tanong ni Jake na nasa likod ko na pala. Napansin yata nito na natigilan ako. Get your shit together. Get your shit together, Kristine.

"Yeah." Ani ko rito habang nakatingin sa kawalan. Sobrang hina ng pagkakasabi ko kaya nag alangan pa ako kung narinig niya ba.

Nag angat ako ng tingin sa kanya. "Yeah." Ulit ko rito. Nakatingin lang ito sa akin habang naka awang ang kanyang bibig.

Nothing's gonna stop us nowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon