Apat.

128 7 1
                                    

Thursday nang hapon at Biology na namin. Huling subject na 'to para sa araw na ito. Uwing uwi na ako. Haha palagi naman.

Normal ang nag daang araw. Wala namang kakaiba. Walang nagbago.

"Okay, we will have a group project.." Biglang sabi ng teacher namin pagkatapos niyang mag discuss. Napa upo ako ng maayos, nako, groupings. My god, individual nalang!

Umirap ako.

"Mag ssearch kayo sa internet.." Umirap nanaman ako, malamang. Saan pa ba?  ".. ng mga scientists na may kinalaman sa Biology at kung ano ang nadiskubre nila. Long Bond Paper. 10 pages. Ilagay niyo ito sa folder."

Gumala ang paningin ko sa buong silid. Lahat sila ay nag ttake note. Ano sila? Elementary? Ang simple simple lang ng sinabi ni ma'am, ah? Syempre wala naman akong ibang magagawa kundi ang umirap.

Hinanap ng paningin ko si Gaby. Nakasalong baba lang siya. Palagay ko'y kakatapos niya lang magsulat dahil may notebook siya sa harap niyang nakabukas at ballpen. Nang nakita niyang nakatingin ako sa kanya ay kinindatan niya ako. Ngumiwi lang ako at bumulong ng "f-ck you", naintindihan naman niya yata kaya napangisi kaming dalawa.

Lumingon ako kay Drake na hinahaplos ng isang daliri ang kanyang panga. Forever magulo ang buhok. Yung pagka mestizo niya talaga ay bagay sa kanya. Matangos na ilong, mapupulang labi, at malalalim na mata. Bakit ba hindi ko 'to napansin last three years? Kasi hindi kami classmates? Or uhhh, ganun lang ako ka walang paki?

Nakatingin lang ito sa kawalan ngunit nang lumingon na ako sa kanya ay napalingon rin siya saakin. Kaming dalawa lang ang hindi nag susulat. Ang isang kamay niya ay nakapatong sa arm chair niya habang ang isang pinang hahaplos niya sa kanyang panga ay nakasiko sa arm chair ko.

Tinaasan niya ako ng kilay kaya inirapan ko nalang siya at pinatong rin ang braso ko sa arm chair kasabay ng pagsandal ko sa upuan. Kaya nagkadikit ang balat namin.

Agad ko rin inalis ang braso ko dahil nakuryente ako. Oo, shit seryoso! Muntikan na nga ako magmura dahil naramdaman ko talaga ang kuryente pagka dapo na pagka dapo ng balat ko sa balat niya. Naramdaman kong dumaloy ng mabilis ang kuryente sa aking batok. Lah, tangina! Ano yun? May super powers ba kami?

Napakunot ang noo ko habang tinitignan ang sarili kong braso at napa ayos ng upo.

Unti unti kong tinaas ang paningin ko sa kanya. Naka ayos na rin siya nang upo at nakatingin saakin. Nakakunot rin ang kanyang noo. Naka half open ang kanyang bibig habang nakatitig saakin. Hindi ko mawari kung naramdaman niya rin ba iyon pero sigurado ako sa naramdaman ko. Electricity! Ano ako? Ano siya? Ano kami? Meralco?

"Xavier and Janford."

Sabay kaming napatingin kay ma'am. Ha? Ano daw?

"Oh bakit nakakunot yang mga noo nyo? Kayo ang magkagroup sa project." Aniya.

Suminghap nalang ako at umupo ng maayos. Bwisit bakit ang init? May aircon, ah?

Hinawakan ko nalang ang aking mahaba at kulot na buhok at itinaas. Nakahawak ang isang kamay ko rito habang ang isa ay nag hahanap ng tali saaking bulsa. Tinali ko ang aking buhok ng ponytail.

Pagtapos ko mag tali ay umirap ako.

Sumandal nalang ako sa upuan ko at di na nilingon si Drake. Sumalong baba ako at pumikit. Inintay ko nalang matapos si ma'am sa pag babanggit ng mga groupings nang makauwi na.

Alas sais na at uwian na namin. Nag lalakad akong tulala sa corridor, may hawak na Biology book at Noli Me Tangere Book. Shoulder bag na louis vuitton ang dala ko. Wala akong dalang notebooks, nasa locker.

Nothing's gonna stop us nowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon