Sampu.

81 4 0
                                    

Nag daan na ang ilang linggo at ganun parin naman. Mas naging pala ngisi lang sa akin si Drake at ganun rin ako sa kanya. Nagugulat na nga ang iba, pero nasanay na rin naman. May iba nga lang na di parin nasasanay.

Tuwing magkakasalubong kasi kami ay, nag iirapan kami na pabiro. Ngunit parehas naman naming nahuhuli ang isa't isang ngumingisi.

At totoo ngang, sa akin lang ganun si Drake. Dahil sa iba ay wala talaga siyang kibo. Ako rin naman daw, sobrang suplada ko raw sa iba pero sa kanya ay pala ngisi ako.

Eh, sorry naman. Magaan lang talaga ang loob namin sa isa't isa. Kung ang ibang tao ay hindi kami maintindihan, pwes, kaming dalawa ay nagkakaintindihan.

Gets niya kung bakit ako nagsusungit ng biglaan. Gets ko kung bakit iirap siya ng biglaan. Gets na gets namin ang isa't isa.

Pero hanggang 'dun palang naman. Ngisihan palang. May irapan parin naman, pero ngingisi rin pagkatapos.

Buti nga ay medyo nakakatulog na ako ng maayos. Tuwing gabi nga rin pala, palaging tumatawag sa akin si Drake. Minsan mang susuplado lang, minsan naman kapag meron kaming assignment, sabay kaming gumagawa. Habang nakatawag siya sa akin. Ewan ko ba, kahit maraming beses na siyang tumatawag sa akin ay parang, hindi parin ako nasasanay. Ganun parin yung feeling. Parang parating first time. Baduy nga, eh.

Gumagawa ako ng assignment sa algebra ng biglang mag vibrate ng matagal ang aking phone. Kahit alam kong si Drake ito, ay na eexcite parin ako. Pantanga.

"Hello."

Ganyan parati ang bungad niya sa akin. At parati paring bumibilis ang tibok ng puso ko'ng OA.

Ang husky palagi ng boses niya. Pero mas nakakanginig pag sa cellphone mo narinig.

"Oy."

Effort talaga ako mag mukang relax, kahit nanginginig na ang kamay ko rito habang nag susulat ng aking solution sa aking assignment. Iniintay kung anong sunod niyang sasabihin.

"May assignment ka na? Pa kopya po ako." Biro niya.

"Gagu. Meron na po, tinatapos ko nalang."

Seryoso. Sa kanya lang ako nagsimulang mag po. Nakakahawa kasi siya. Bwisit.

"Joke lang. Ah ganun. Pano yung number five?" Tanong niya.

Ganyan kami parati. Hindi kami nag kkopyahan o ano. Ayaw namin ng ganun. Mas gusto naming maintindihan kung paano at bakit ganun ang sagot. Hindi naman sa mga anghel kami. Hindi lang namin... feel. Atsaka pancheap 'yong pangongopya. Sarili mo lang niloloko mo.

"Ah. May sagot na ako dyan. Ganito kasi 'yun.."

At in-explain ko na sa kanya kung paanong ganun ang sagot. Galing nga, eh. Pag hindi ko alam, alam niya. Andyan siya upang ipaliwanag sa akin. Pag siya naman ang may di alam, andito lang rin ako para sa kanya.

Minsan nga eh, kahit andito si Jake at tumatambay sa aking kwarto ay magkausap parin kami sa phone.

Madalas ay wala kaming imikan. Tanging hinga niya lang ang naririnig ko. Madalas ay naka earphones ako pag magkausap kami. Ngumingisi nalang sila Jake at Chase sa akin. Tinatarayan ko sila pero pag di nila kita, ngumingisi rin ako.

Palaging ako ang nag eend ng call. Ayaw niya kasi na siya.

"Ikaw na nga kasi ang mag end ng call."

Sabi ko. Eh kasi naman, palagi nalang ako. Bakit ba kasi ayaw niya?

"Ikaw na nga lang kasi po."

Nothing's gonna stop us nowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon