Dalawampu.

93 5 1
                                    

*Kriiiiiiiing*

Tunog ng alarm sa iphone ko ang gumising saakin. Tangina, ang sakit pa ng mata ko. Kailan pa ako nag set ng alarm?

Hindi parin tumitigil ito kaya umikot na ako ng higaan upang makalapit sa drawer kung saan nakapatong ang aking phone. Minulat ko ang isa kong mata at tinignan ang screen nito.

July 25, 2014. FRIDAY.

HAPPY BIRTHDAY TO ME! Ha ha wtf.

Bahagya akong natawa sa title ng alarm ko. Holy shit, birthday ko na nga pala! Agad akong tumayo at pumuntang cr upang maghilamos. Excited na akong bumaba upang masilayan ang kung ano mang regalo sa akin ni Jake at Chase.

Ngunit sa gitna ng aking pag sisipilyo ay napatigil ako. Nag iba na ako ng sim kaya hindi ko alam kung nagtext ba si Drake nitong mga nakaraang gabi. Simula kasi nong Martes ay hindi ko na talaga siya pinapansin. Kahit pag sulyap sa kanya ay hindi ko ginagawa kahit bulgar ang pagtitig niya saakin. Tuwing hinihila naman ako nina Trisha patungo kanila Drake upang lumandi ay agad akong bumibitaw at nagpapalusot na may gagawin sa CR, sa library o sa kahit ano pang parte ng school. Madalas ko makita sa gilid ng aking mga mata ang titig ni Drake ngunit buong lakas ko itong iniiwasan titigan pabalik. Simula non ay hindi ko na ito natitigan sa kanyang mga mata. Dahil alam ko. Alam na alam ko, titig niya lang ay matitibag na ang mga pader na pinilit kong itinatayo muli sa paligid ng aking puso.

Dahan dahan akong bumaba sa hagdan dahil medyo nawala ako sa mood. Pambihira, paanong nakalimutan kong birthday ko ngayon?

Tahimik ang buong bahay. Sobrang tahimik na yapak ko lang ang naririnig ko. Wala rin akong marinig na ingay mula sa bakod. Nasaan ang mga maid? Nasaan sila Jake at Chase? Birthday ko, ah?

Pagdating ko sa hapagkainan ay may nakahanda ng isang katerbang pancakes. Namilog ang mga mata ko. Agad akong umupo at kumuka ng pancake at syrup. Kumain ako ng kumain hanggang sa mapagod ako ngumuya. Ngayon ko lang napansin na may gatas pala sa tabi ng plato ko. May note na nakadikit dito. Kabadingan nanaman ni Jake, panigurado.

;)

Lang ang nakalagay dito. Kay Jake nga. Pangit talaga ng sulat. Simpleng kindat, fail pa. Ngumisi ako at tumayo na upang libutin ang buong bahay. Mukang ako lang ang tao dito? Walang hiya. Birthday ni Kristine Xavier ngayon!

Pumunta akong bakod at huni lang ng ibon ang naririnig ko. Naglakad lakad ako dito hanggang sa makaabot sa swimming pool ay wala paring tao. Nangunot na ang noo ko. 'Wag nila sabihing umalis na sina Jake at Chase? Asa! Parating nag lleave ang dalawang 'yon para sa birthday ko! Ngunit nasaan na sila ngayon?

Nakadaan na ako sa patio at dumiretso upang pumuntang garahe. Nilagpasan ko ang pintuan ng kusina, babalikan ko iyon mamaya kung wala ring tao sa garahe.

Pag bukas ko rito ay wala ring tao. Apat na nakaparadang kotse. Bumungad saakin ang puting kotse ni Jake, itim na kotse ni Chase at ang pula naming van. Andito rin ang CR-V na pinapanghatid sa akin ni Richard. Oh andito pala ang mga kotse nila. Nasaang lupalop ng bahay ang mga iyon?

Tinignan ko ang wrist watch ko at nadatnang alas nueve na. Umirap ako dito at sinara na ang garahe upang tumungo sa pintuan sa harap ng patio na ang kusina. Nang malampasan ko ang quarters ng maid ay huminto ako. Humakbang ako paatras at dahan dahang binuksan ang pinto. Nangunot ang noo ko ng walang madatnang ni isang maid. Nasaan ang mga iyon? Birthday ko! Hello?

Inikot ko lang ang aking mga mata at umakyat na upang pumanhik sa aking kwarto. Naligo ako at agad nag suot ng uniporme. Nagsusuklay ako ng buhok ng mapaisip kung may nakaalala ba sa birthday ko. Kung ako nga, nakalimutan ko, sila pa kaya? Hindi ko alam.

Nothing's gonna stop us nowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon