Dalawampu't Pito.

48 4 4
                                    

"Trish, Trisha.."

Tiningnan niya ako ng nakataas ang dalawang kilay.

"Nakita mo ba yung anatomy of animal cell na nilapag ko dito?" Turo ko sa lamesa ng ccanteen katabi ang Filipino Book niya.

Kinunutan niya lang ako ng noo at tinabingi ang kanyang ulo, "anong itsura nun?"

"Ugh!!" Sigaw ko sa frustration. Mamayang uwian na yung pasahan non, ididikit ko nalang sa illustration board nawawala pa.

Pano ba naman kasi, ang daming project na deadline this week, tapos QE nanaman. Kulang nalang kalbohin ko sarili ko sa frustration. Sino ba kasing tanga pagsasabayin QE week atsaka project week? Punyeta.

"Ito! Ito ba?" Rinig kong sabi ni Gab sa likod ko, nilingon ko siya at agad inirapan.

"Plant cell yan!" Kamot ko sa batok ko.

"Ano? Pretzel?"

"Plant cell, Trish. Plant cell. Plant. Alam mo yung plant? Oo, halaman. Alam mo yung halaman? Yung mga dahon, yung kulay green."

Konti nalang talaga mababaliw na ako. Ayoko na.

"Pretzel daw! Hahahahaha!" Ani Gab, pinagtatawanan si Trisha.

"Tawa tawa ka d'yan, pinagkamalan mo ngang animal cell yung plant cell." Irap ko kay Gabriella.

Nakangiti parin siyang nakasandal sa kanyang upuan, "atleast hindi pretzel." At sumabog nanaman siya kakatawa.

"Ouch!"

Binato siya ni Trisha ng notebook. "Ikaw nakakainis ka na ah!"

"Binato ba kita ng notebook?"

"Mukha kang donut!"

"Mukha ka namang noodles na flavor dark chocolate!" Ani Gab dahil sa kulot na kulot na buhok ni Trisha.

Trisha gasped and touched her hair, looking offended. 

"Yuck."

Tumingin silang dalawa saakin.

"Anong lasa 'non?" Iritado kong tanong. Pano ba naman kasi, naiimagine ko. Noodles, chocolate?

"Uhm, dark chocolate?" Ani Gab.

Nginiwian ko lang siya at sinuklay nalang ang buhok ko upang itali ng ponytail.

"I hate you Gabriella." Anunsyo ni Trisha.

"I hate you din Trishana." Nakanguso si Gab habang naka cross arms.

I rolled my eyes at nagsimula ulit mag hanap. Tinignan ko ang ilalim ng lamesa, ang taas, bawat likod ng libro, pati notebook.

Huminga ako ng malalim at mag ggive up na sana ng may kumalabit sa balikat ko.

"K-Kristine Xavier."

Pag lingon ko, hindi ko kilala. Pero hawak niya ang project ko kaya halos ngitian ko na siya. Halos.

Inabot niya sakin 'to at nag bow siya bago umalis. Kinunutan ko siya ng noo, ba't yun nag bow? Hindi naman siya mukhang chinese. Inirapan ko nalang at nag kibit balikat bago ipinatong sa tabi ng plant cell yung animal cell ko. Nginitian ko ito bago umupo. Naririnig ko pa ang mga sumbatan ng dalawa sa tabi ko ngunit hindi ko nalang pinansin. Kinuha ko agad yung glue at idinikit yung dalawang cell sa may dekorasyong illustration board. Patapos na ako maayos yung pagkakadikit ng plant cell ng may marinig akong malamig na boses sa likod ko. Halos nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa batok.

Nothing's gonna stop us nowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon