Dalawampu't Anim.

58 4 0
                                    

Tapos na akong linisin ang kuko ko sa dalawa kong kamay, at itinaas ko na ang aking paa upang isunod na linisin ito.

Sobrang aga ng tambay rito ni Gabriella. At ang ibigsabihin ko sa maaga ay, alas otso ng umaga. Oo. Buti nalang at magka usap na kami ni Drake sa phone at nag lalandian na nung dumating siya, dahil kung gigisingin nya pa ako upang makitambay sya sa bahay namin ay sisipain ko siya sa mukha.

Umiinom ako ng coffee sa mahiwagang hardin ng aking ina ng gambalain niya ako, at nag sisisigaw alas otso ng umaga. Kamuntikan pa ngang maparito si Drake ng narinig niya ang mga sigaw ni Gaby sa pangalan ko. Ang walangya naman kase, makasigaw akala mo ginagahasa.

Tinaasan ko pa siya ng kilay ng makitang bitbit bitbit niya pa ang dalawa naming libro. Namukhaan ko ito at agad ko ng natandaan na may assignment nga pala kami doon.

Ang sabi niya saakin ay magpapaturo daw sya sa assignment namin, (code name niya sa salitang kokopya) kaya agad ko syang tinarayan at sinabing hindi ko dala ang mga libro ko dahil natapos ko naman na 'yon sa school.

Sinabi niya sakin na mag papaturo nalang siya.

Pero anong nangyari? Heto, andito kami sa living room. Halos malunod na sa cellphone si gaga, kaka wattpad.

"OH MY GOSH!!"

Halos magupit ko yung kuko ko nung bigla siyang sumigaw. Nang tignan ko sya upang patayin sa titig, nakangiti siya at pulang pula habang nagbabasa parin sa kanyang phone.

"Ano ba?"

Inangat niya ang kanyang kanyang ulo upang tignan ako habang nakangiti parin, "Ay, sorry. Nakakakilig kasi." Nag make face pa siya na animo'y kinikilig, pero para sakin mukha siyang may epilepsi.

Nag patuloy na ulit siya sa pagbabasa at habang ako ay tumititig lang. Makalipas ang ilang minuto ay nagmura nanaman siya dahil sa kilig.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita, "Gabriella Zarzuela, matalik kitang kaibigan at alam kong alam mong lagi akong andito para sayo. Pero bakit ang hopeless romantic mo?"

Tumingin siya sakin habang nakangiti parin at ngumuso na animo'y nag tatampo pero halata namang hindi kasi namumula parin ang kanyang mga pisngi.

"Alam mo, 100% proven and tested, mas maganda ka kapag hindi ka nagsasalita." Aniya at nagkunwari naman ako ng tawa pagkatapos ay umirap, "Atsaka, maka hopeless romantic naman 'to. Hindi naman!" Nguso niya pa saaakin.

"Hmmm." Ani ko habang tumatango, "Hindi naman, mga 80 % lang?"

"Hindi ah!" Tawa niya saakin na parang nagbibiro ako.

Tinitigan ko lang ito habang tumatawa, ng matapos na siya tumawa ay saka ako nag tanong, "Kamusta na kayo ni Erick?"

Nag patuloy na ako sa pag lilinis ng aking kuko sa paa ng sumagot sya, "There was never an us." Seryoso niyang sagot kaya napaangat ako ng ulo upang titigan siya.

Ng magkita na ang mga mata namin ay sumabog na siya kakatawa. Ngumiwi lang ako habang nagpatuloy na ulit sa pag lilinis ng aking kuko habang tawa parin sya ng tawa, nakahiga na sya sa sofa sa harap ko.

"Napaka funny mo."

"I know! Hahaha sinabi saakin yun ni Trisha nung tinanong ko siya tungkol sa kanila ni Nathan."

Tawa parin siya ng tawa pagkatapos niyang sabihin 'yon, habang ako naman ay napatigil sa akin ginagawa at tinitigan siya.

"Bakit daw sinabi 'yon ni Trisha? Nagbibiro lang siya?"

Nothing's gonna stop us nowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon