Dalawampu't Lima.

82 6 6
                                    

Nakaupo kami sa isang bench na nakaharap sa soccer field. Uwian na at kakadissmiss palang saamin ng dumiretso kami ni Drake dito. May araw pa at masarap ang simoy ng hangin kaya hindi gaanong mainit. Pumunta kami dito upang hintayin ang sundo ko'ng si Richard habang ginagawa ko ang assignment namin sa English.

"Sakin ka na kasi sumabay." Ani Drake sa pang siyam na beses habang naglalaro sa phone 'ko.

"Buong week ka na hatid sundo saakin! Hindi ka ba nauumay? Hayaan mo na si Richard ngayong Friday." Irap 'ko rito dahil paulit ulit 'ko na rin itong isinasagot sa kanya.

Tumigil ang tunog ng kotse'ng nilalaro niya kaya napatingin ako sa kanya. Nilapag niya ang kaliwa'ng braso niya sa table ng bench at humarap saakin. Inilapit nito ang kanyang ulo saakin kaya napa atras naman ako. Namumuo nanaman ang mga kiliti saaking tyan.

Itinagilid niya ng bahagya ang kanyang ulo at ngumuso dahil nagpipigil ito ng ngiti.

"Hindi 'yon magiging whole week kung hindi kasama ang friday." Aniya habang titig na titig sa mga mata ko.

Ano daw? Anong friday? Anong pinagsasasabi nito? Bahagyang nawala ako sa katinuan ng hindi ako naka adjust agad sa bango niya. Sobrang bango niya na parang dumadaloy na ang amoy nito sa ilong 'ko papunta sa utak ko at sa buong pagkatao ko. Sobrang bango niya, seryoso.

Ng nakabalik ako sa wisyo at naintindihan na ang sinabi niya ay sasagot na sana ako ng magsalita siya ulit.

"Atsaka bakit ako mauumay, eh mahal kita."

Sabay upo nito ng maayos at tingin sa field habang naka simangot. Animo'y nagmamaktol pa. Kinagat ko ang aking labi dahil kinikilig na talaga ako. Nakakainis!

Sumeryoso na ang mukha 'ko at napatitig sa kanya. Paano kung hindi niya talaga ako mahal? Paano kung akala niya lang?

Tumingin siya saakin at tumaas ang dalawang kilay ng napansing seryoso ang mukha ko.

"Bakit?" Aniya.

Umiling ako habang nakangiti. Huminga ako ng malalim at pinasadahan ng tingin ang buong field. Bawat sulok nito ay may puno at puro berdeng maliliit na damo ang maaapakan mo. Nasa taas kami ng soccer field, nasa baba pa iyon na may nakapa-ikot na mga white bench. Sa aisle non ay ang hagdan pababa na mismo sa field. Sobrang lawak rito kaya sobrang sarap ng simoy ng hangin.

"Mahal mo 'ko?"

Baling ko kay Drake. Hindi siya nagulat sa biglaan ko'ng tanong at mukha pang kanina pa nakatingin saakin.

"Oo, hindi ka naniniwala?" Nakataas ang kilay nito ngunit kitang kita sa mga mata nito ang kalungkutan. Agad namang nagsitaasan ang balahibo ko kaya tumingin ako sa malayo.

Huminga ako ng malalim at bumuntong hininga. "Hindi lang ako makapaniwala na, bukod sa mga kapatid ko, may lalaki pa palang magmamahal saakin." Napatulala ako sa damuhan habang pinaglalaruan 'yong ballpen ko sa aking kaliwang kamay.

"Alam mo 'yun? Yung akala ko, wala ng makakatanggap at magmamahal sa isang Kristine Xavier. Kasi gan'to ako. Ganito yung ugali ko, ganito yung mga galaw ko. I feel so useless because i'm like this, na masama yung ugali ko kaya kahit kailan ay walang makakatiis saakin. Na kahit kailan ay hindi ako magkakaroon ng halaga sa kahit sino, dahil gan'to ako. Aminado naman ako na hindi ako mabuting tao. Damn, not even close. Kasi ginawa ko yung sarili ko na ganito. I built walls, para walang makakasakit sa'kin. Para hindi ako masaktan. I made myself a cold hearted bitch. And i thought no one could love what I made." Ngumisi ako at umiling, "I didn't even thought someone could accept that bitch I made."

Nothing's gonna stop us nowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon