Labing Siyam.

59 4 1
                                    

Nanginginig ako habang nag ttype sa phone ko. Pumikit ako ng mariin upang pakalmahin ang sarili ngunit nabigo ako. Damn it, dalawang araw palang kaming hindi nag uusap pero sobra na manginig ang sistema ko. Mabagal ang hininga ko at hindi ako mapakali. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Dang.

Nilapag ko muna sa aking tabi sa higaan ang aking phone. Nakaupo ako sa dulo ng aking higaan. Huminga ako ng malalim at kinuha muli iyon. Binasa ko muli ang aking mensahe sa pang labing isang beses bago isend ito.

May assignment?

Hinawakan ko ng aking dalawang kamay ang aking phone pagkasend ko nito. Halos mapatalon ako ng nag vibrate ito agad. Hudyat na nagreply na siya.

I miss you. None.

Holy freaking macaroni! Agad nag hurmentado ang puso ko at napahiga ako sa aking higaan. Halos lahat na yata ng mura ay nabulong ko na. Ang lakas ng pintig ng puso ko na naririnig ko na ito. Ang lakas ng epekto sa akin ni Drake. At natatakot ako dahil nagugustuhan ko itong nararamdaman ko. Inangat ko ang aking phone.

Ah, sige.

Natatakot ako dahil ang mga pader na ipinalibot ko sa aking puso ay onti onti ng natitibag. Natatakot ako sa pwede kong gawin. Pero hindi, hanggang kaya ko pa ay iiwasan ko siya. Kahit, shit, kahit gustong gusto ko nalang siya yakapin ngayon.

Maaga ako nagising kinabukasan. Hindi na nagreply si Drake kagabi. Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ko. Lungkot.. dahil hindi siya nagreply. Pakiramdam ko ay wala na siyang paki sa akin. Pero kasalanan ko naman. Ito naman ang gusto ko. At saya dahil alam ko sa sarili ko na kapag nagreply siya ay mag rereply ulit ako. Natatakot na ako sa sarili ko dahil mukang hindi ko na ito kontrolado.

Pagbaba ko ay naka school uniform na ako at dala dala ko na ang shoulder bag ko na kulay brown. Nakaheadband ako na kulay pink at nakalugay lang ang kulot kong buhok.

Nadatnan ko sina Jake at Chase na nag uumagahan. Mukang aalis na rin ang mga ito dahil nakabihis na ang mga ito. Nilapag ko sa living room ang aking bag at umupo sa hapagkainan sa tabi ni Jake.

"Feeling well?" Baling nito sa akin bago ito sumubo sa kanyang kanin.

Tumango ako dito at nagsimula ng kumuha ng sarili kong kanin at ulam. Lumapit ang isang maid sa akin upang lagyan ng tubig ang baso ko at agad kong ininom ito.

"Good. Drake called me yesterday." Ani Chase. Agad kong nabalik ang tubig na ininom ko.  Bumaling ako dito ng namilog ang aking mga mata.

"What?" Halos pasigaw kong sabi. I heard Jake chuckled.

"Me too. But kuya, sabi niya wag daw natin sabihin kay Kristine. Daldal mo."Ani Jake. Inirapan lang ito ni Chase at nag simula ng kumain. Nakatunganga lang ako doon habang naririnig ko ang mga bungisngis ni Jake.

Naghintay pa ako ng ilang minuto kung sasabihin ba nila kung anong sinabi ni Drake pero wala sa kanila ang nagsalita. Kaya nagtanong na ako.

"What? Anong sabi niya?" Nag angat lang ng tingin sa akin ni Chase at kumain ulit. "Chase?" Ngunit hindi ako pinansin nito. "Jake?" Pag baling ko dito ay nakanguso ito at nagpipigil ng ngiti. Nagkibit balikat ito.

"What? Shit!" Hindi na makakalma ang sistema ko ngayong sinabi nilang tinawagan sila ni Drake kahapon ngunit hindi nila sinabi sa akin kung anong sinabi.

"Kristine, watch your mouth. Nasa harap ka ng pagkain. Kumain ka nalang." Tapos na itong kumain at umiinom nalang sa kanyang kape.

Wow so sa tingin niyo makakakalma ako?!

Nothing's gonna stop us nowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon