Dalawampu't Isa.

75 2 0
                                    

"Kristine! Gising na!" 

Ngumiwi lang ako ngunit ipinagpatuloy ko parin ang aking pag tulog. Umikot ako sa aking higaan at ibinaon ang aking muka sa aking unan. Maya maya ay may narinig na akong kalabog sa aking pinto. Hinayaan ko lang ito ngunit naalala kong may spare key pala sila Mama sa kwarto nila. Bullshit.

Binuksan na nga ito ni Mama at inalog alog ako sa higaan. "Ano ba Kristine! Mag tatanghali na at tulog ka parin! Hindi ganyan ang oras ng gising ng babae! Aba." Well, wanna meet my mom? Mrs. Sophia Kristina E. Xavier. May super powers 'yan. Machine gun mouth.

"Tignan mo 'tong kwarto mo! Hindi ganito ang kwarto ng mga babae Kristine! Oh ayan ano yan ba't may nakakalat na plastic dito?" Aniya sabay pulot ng plastic ng burger sa sahig. Umupo ako at kinusot ang aking mga mata. "Basura na yan Ma." Garagal pa ang boses ko dahil kakagising ko lang ngunit hindi niya ininda ito at pinag patuloy lang ang kanyang walang humpay na gyera Alas Nueve ng umaga.

"Oh basura na nga bakit hindi mo itapon sa basurahan? Nako talaga. Oh ano 'tong mga nakakalat na mga damit dito? Jusko naman, Kristine! Dalaga ka na!Umayos ka naman!" Patuloy ang pag sermon nito saakin habang sumasakit pa ang ulo ko. Nakatitig lang ako sa kawalan habang iniinda ang sakit.. ng ulo ko.

Nag angat ako ng tingin dito. "Ba't ka ba nandito?" Ani ko. Dala na rin ng sakit ng ulo ko at pagkairita.


Nakaupo ako sa sofa sa living room habang may hawak na cold compress sa ulo ko. Binato lang naman ako ni Mama ng sapatos ko na nakakalat sa kwarto. Mabuti nga at hindi bumukol pero dumagdag naman sa sakit ng ulo ko. Muntik pa akong umiyak dahil sobrang sakit talaga. What the fuck.

May narinig akong yapak pababa ng hagdan. Nagluluto si Mama ng almusal sa kusina at feel na feel talaga ang pagiging nanay. Kahit pwede namang mga maid ang pagawin niya non ay siya ang nag pursigi. Hindi ko alam kung bakit andito ito gayong tapos naman na ang birthday ko at marami pa silang "business " sa Los Angeles. Pinalinis niya nalang ng buong bahay ang mga katulong. Sinabi pang unahin daw ang kwarto ko. Sus! Nagkataon lang na makalat doon dahil hindi ako nakapag ayos kagabi dahil kinaladkad ako nila Jake sa party. Inirapan ko nga ito ngunit sumakit ang ulo ko bago ko pa matapos ang irap kaya ngumiwi ako.

"Anong nangyari Kristine?" Ani Jake ng naka suite na at handang handa na pumasok sa opisina. Nginuso ko ang kusina kung saan rinig na rinig ang pag kanta ni Mama ng Maybe This time ng wala sa tono. Ito ang patunay na anak niya nga talaga ako.

Tumawa si Jake kasabay ng paglabas ni Mama sa kusina. Natigilan ito at agad pumanewang.

"Saan kayo pupunta? Walang lalabas ng bahay!" Aniya.

Kunot noo'ng bumaling si Jake kay Mama. "May trabaho ako Ma. Hindi ako pwede mag leave ngayon dahil nag leave na ako kahapon dahil sa birthday ni Kristine." Aniya habang inaayos ang kanyang neck tie.

"Ako din." Ani Chase na kakababa lang ng hagdan. Nakapolo lang ito na gray at may bitbit-bitbit na iilang blue prints.

"Hindi. Walang lalabas ng bahay. Family day natin ngayon. Actually hanggang bukas! Kaya Family Days!" Aniya habang nilalagay ang mga niluto niya sa hapagkainan. Umirap ako dito kahit ang sakit ng ulo ko.

"Ma parang tanga."

Ng mapagtanto ko ang sinabi ko ay agad kong nilapag ang cold compress sa lamesa at tumungo sa likod ng sofa. Baka mamaya ay ibato na saakin ang upuan sa hapagkainan.

"Ako tigil tigilan mo ako Kristina." Banta ni Mama saakin.

"Ma, ako si Kristine. Ikaw kaya si Kristina." Palaging ganyan 'yan. Ang gusto niya daw talaga na pangalan ko ay Kristina ngunit namali ng sabi si Papa. Pinag awayan pa daw nila 'yon dahil hindi matigil ang machine gun mouth ni Mama.

Nothing's gonna stop us nowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon