Labing Anim.

98 3 1
                                    

Twitter: @KristineXavier @DrakeJanford @TrishaMartirez

#ngsun

------------

Nagising ako Alas Nueve ng umaga na mabigat ang aking mga mata. Wala akong gana gumala ngayon. Last day na namin ngayon, diba?

Ahhhhhg. Umikot ako at dumapa. Pinatong ko ang aking muka sa aking unan. Uuwi ka na mamaya, Kristine! Lalayuan mo na siya, diba? Dapat ay sulitin mo na ito.

Ngunit parang wala talaga akong gana. Nilagay ko ang aking kamay sa aking noo upang tingnan kung may sakit ba ako ngunit wala naman.

Ano 'yan Kristine? Emo-emohan? Tumigil ka, ha! Pagtapos nito ay hindi mo na siya papansinin at kakausapin, baka nakakalimutan mo? Kaya sulit sulitin mo na ito dahil hindi mo na alam kung kailan mo na ulit siya makakausap pagkatapos ng lahat ng ito. At wala naman siyang paki sayo kaya panigurado ay hindi niya naman mapapansin. Okay? Tayo! Maligo ka na!

Huminga ako ng malalim at tamad na umupo sa aking kama. Medyo nakasara pa ang aking mata pero agad namilog ito nang may naaninaw akong tao na nakaupo sa harap ng higaan ko at nakasalong baba na nakatingin sa akin. Medyo kumalabog pa ang puso ko dahil akala ko ay multo pero nakahinga naman ako ng maluwang nang madatnang tao ito.

Nag inat pa ako at hindi pinansin ang tao'ng nasa harap ko dahil hindi ko pa ito masyadong nakikilala dahil narin bagong gising pa ako, medyo malabo pa ang aking paningin at nasisilaw pa. Nag inat ako ng braso at tumunog ang aking likod kaya napangisi ako at humikab. Di ako nag atubiling takpan ang aking bibig kahit na may tao sa aking harapan dahil tinatamad ako.

Kinusot ko ang aking mga mata at nag alis ng morning glory bago tinignang mabuti ang taong nasa harapan ko.

"Ganda, ah." Ngisi nito sa akin habang naka salong baba. Oh my god, si Drake! Si Drake pala!

Magulo ang buhok nito, of course, at suot nanaman ang black earring. Yae na, bagay naman sa kanya dahil sa kutis nitong mestizo na sobrang makinis. Nakatitig sa akin ngayon ang mapupungay niyang mga mata at nakangisi ang kanyang manipis at mapulang labi.

Namilog ang aking mga mata at mas lalo lang siyang ngumisi. Parang gusto ko nalang magtakip ng kumot at ibalot ito sa sarili ko upang hindi niya ako makita. Nakakahiya. Grabe, nakakahiya.

Ano kayang itsura ko? Muka ba kaya akong dinosaur? Kristine kasi! Tamad tamad.

Agad akong lumunok at nag iwas ng tingin sa kanya. Bagong gising palang ako! Bagong. Gising. Hindi pa ako nakakasulyap sa salamin kung ano bang kondisyon ng muka ko tapos tatambad agad siya sa harap ko? Paano siya nakapasok dito? Bakit siya nakaupo at nakasalong baba sa lamesa sa harap pa mismo ng aking higaan? Bakit siya nakatitig sa akin? Bakit hindi nalang siya sa couch umupo? Bakit ang gwapo niya? Bakit? Bakit?

"Bakit ka nandito?" Baling ko sa nakangisi nitong muka sa likod ng kanyang nakasalong baba'ng kamay. Sa dami ng tanong ko ay iyon lang ang lumabas sa aking bibig.

Umismid ito at umirap na parang may naalala na nakakairita kanina. Kilalang kilala ko na ba siya? Or alam ko'ng ganun din kasi ang gagawin ko kung sakaling ako siya? Ganon magkapareho ang ugali namin.

"You forgot to lock the door." Irap nito sa akin.

"Ahh." Sabi ko at tumango. Kumunot ang noo nito sa akin.

"Ahh ahh ka dyan? Paano kung napasok ka ng kung sino kagabi, ha?" Irita nitong sabi at umirap. Tinaas ko ang dalawa kong kamay at ngumisi.

"Oh, kalma! Ang puso mo." Biro ko pero inirapan lang ulit ako. "Sorry po. Joke lang, wala naman nangyari eh." Baba ko sa mga kamay ko at umalis na ng kama. Dumiretso ako sa aking maleta at kumuha ng towel nang magsalita siya.

Nothing's gonna stop us nowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon