Labing Walo.

79 5 1
                                    

"Aalis na ako Kristine. Okay ka lang ba talaga dito?" Ani Jake habang nakatayo sa harap ng higaan ko. Naka V-neck shirt ito na puti at coat.

Tumango lang ako dito at ginalaw galaw ang aking kamay upang itaboy siya.

"Dapat kasi ay hindi ka masyadong nag laro, tingnan mo at hindi ka makakapasok ngayon. Physical Education lang naman 'yon pero sineryoso niyo ni Gabriella." Ani Chase na kakapasok lang ng kwarto ko.

Nakasandal lang ako sa headboard ng aking kama habang sinisermonan nanaman ako nila, kagabi pa ang mga yan. Inapoy kasi ako ng lagnat pag uwi ko at agad silang umuwi galing sa kanilang mga trabaho para sermonan este alagaan daw ako.

Masyadong mabigat ang ulo ko upang sagutin sila kaya hinahayaan ko nalang.

"Princess, kumain ka ng breakfast ha? Ipapaakyat ko nalang dito. Sinabihan ko na rin sina Ken na wag muna gawing bantay bata ang bahay natin para makapag pahinga ka ng maayos." Bakas sa muka nito ang pag aalala. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung magkaroon na ng matinong love life ito si Jake. Ayoko, gusto ko akin lang siya. Siguro ib-bribe ko nalang ang mga girls niya.

Nagtaas baba lang ako ng kilay dito upang ipahiwatig ang pag oo dahil wala akong lakas magsalita. Sumunod naman sa pag sermon si Chase, mahaba haba ito.

"Aalis na kami. Behave, Kristine. Ipapasabay na namin ang gamot mo sa almusal mo. Magpapaakyat rin ako ng gatas, ha. Ubosin mo 'yon. Please take care. Tawagan mo lang kami kung may kailangan ka." Tumango ako dito. Lumabas na ng kwarto si Jake at narinig kong tinawag nito si manang rose.

Akala ko ay tapos na ang mga habilin ni Chase ngunit hindi pa pala. Bumuntong hininga ito at pumanewang. "Next time 'wag ka ng magpapagod, ah? O 'wag ka nalang mag laro. Look at you. Ang taas ng lagnat mo. Kung hindi ka lang takot sa ospital ay kagabi ka pa namin dinala 'don. Mag pagaling ka na okay? Inomin mo ang mga gamot mo sa tamang oras at ubosin mo lahat ng pinapakain sayo. Please don't be stubborn this time. 'Wag mong itaboy si manang rose. Sana ay gumaling ka na agad para makapasok ka na bukas. Pag pasok mo bukas ay mag catch up ka kaagad sa mga subject. Imessage mo mamayang gabi si Gabriella kung may assignment ba kayo." Pumikit ako at dumilat muli, ganoon lang ang irap na kaya ko. Para naman kasing nakikinig si Gaby kung may assignment eh sa akin lang nangongopya 'yon. "Take care Tin. Alis na kami. I love you." Hinalikan ako nito sa noo at lumabas na ng kwarto ko. Kasabay ng pag pasok ni Jake sa kwarto ko. Tinaas ko ang aking kamay upang ipatigil siya sa pag sasalita.

"Tapos na ang sona ni Chase. 'Wag ka ng dumagdag please." He chuckled and kiss me in my forehead.

"Okay. Bye, i love you." At lumabas na rin ito sa kwarto ko.  Humiga na ako at tumingin sa kisame. Parang gumagalaw ang mga ito. Lintek, ang bigat ng katawan ko. Ang sakit ng katawan at ulo ko. Panigurado ay dahil sa hindi ko pag warm up kahapon kaya ang sakit ng katawan ko. Hindi ko alam kung bakit dumagdag ang sakit ng ulo ko. Nag volleyball lang, trangkaso agad.

Narinig ko ang pag tunog ng mga kotse sa labas at ang tuluyang pag alis ng mga ito. Maya maya ay may pumasok rin sa kwarto ko. Si manang rose. May dalang tray at baso ng gatas at tubig. Kumunot ang noo ko ngunit mabilis na nawala 'yon dahil wala akong sapat na enirhiya upang ipanatili iyon. May gatas na, may tubig pa.

"Ito na ang almusal mo Kristine. Nasa tabi lang ng baso ng tubig ang gamot mo. Mamayang tanghalian ay may gamot ka ulit.." I groaned. Umikot ako upang dumapa sa higaan. Masyado silang maraming sinasabi sa akin at sumasakit lang lalo ang ulo ko.

Hindi na muli ito nagsalit ng umikot ako ng higaan. Ngunit hinabilin nitong ubusin ko raw ang aking pag kain bago ito lumabas ng kwarto ko.

Maya maya ng medyo nawala ang sakit ng ulo ko dahil sa katahimikan ay itinaas ko ang aking sarili gamit ang aking siko at inabot ang tray ng pagkain na nakapatong lang sa tabi ng higaan ko. Kinain ko ito at naubos, pati ang habilin ni Chase na ubusin ko ang gatas ay ginawa ko rin. Pagkatapos non ay ininom ko ang gamot at nilapag na ang tray sa baba ng aking higaan. Kukunin nalang nila 'yan mamaya.

Nothing's gonna stop us nowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon