BITCH 10 - School Fair ♚

48 1 0
                                    

BITCH 10 ✔

School Fair

Xhantalle Shy's Point of View

Pagkatapos ng class, pinapunta ko ung mga co-officers ko sa bahay. Sabi ko may sasabihin akong importante at mas importante pa sa mga buhok nila, at dapat 15 mins nasa bahay na sila or else.

Natakot naman sila at wala pang 15 mins nasa bahay na sila kaso wala pa si Drey.

"Wala akong # ni Drey itext niyo siya na dito ang practice" sabi ko sa kanila.

"Wala naman siyang partner so bakit kailangan pa niyang pumunta ng practice?" sabi nung secretary.

"Wala kang pakialam e kung sa gusto ko siyang papuntahin e" pagtataray na sabi ko sa kanya

Naiinip na ako kakahintay ha! Ang tagal ng lokong yun!

"Sabihin niyo nga pumunta na dito, naiinip na yung partner niya" Napatingin naman sila sa akin. mga ilang mins lang din nag-sink in sa mga kukote nila yung sinabi ko.

"Wow! Yeheeeey for the first time makukumpleto tayong magpeperform!" para naman silang nanalo sa lottong nagtatatalon at nagyayakapan sa harap ko.

Yayakapin dapat nila ako kaso-

"Don't you dare na hawakan ako or else" napatigil naman sila, at sila-sila na lang ang nagyakapan.

"Wow. Nice! Buo na tayo! For sure mananalo tayo niyan" bigla naman kaming napatingin sa paparating.

"For sure yan Mr. President" sabi nung treasurer

Hahaha. kung nagtataka kayo kung bakit ganun ang mga tawag ko sa kanila, eh sa di ko sila kilala sa pangalan nila e. I dont bother myself to know them. Di naman sila importante e!

"So let's start the practice" sabi nung mentor.

Nagsimula naman na kaming magpractice.

Wala pang proper formation, di pa nga alam ung step, formation agad?! Duh!

Practice, break time, practice, break time.

Ganyan lang ang ginagawa namin ngayon.

Sa susunod nga magpapa-rent ako ng practice area, inuubos nila ung laman ng ref namin e :3 Paano ba naman pati break time food nila sagot ko? Aba baka mamihasa sila sa kabaitan ko!

"Ok. ok. Let's start the practice again." sabi nung mentor naming bakla. Si James nagsuggest nito, magaling daw e. Dapat lang niyang galingan, ang laki ng bayad ko sa kanya no!

"Ano ba naman yan! Kung ikaw hindi ka napapagod, wala kaming pakialaman, tao kami napapagod." sabi ko sa kanya habang nakatapat ako sa cooler namin. Ang init kasi, sobrang HOT ko na ata e! Woah!

"Tao rin ako Ma'am pero paano kayo mananalo nyan lagi kayo nagbebreak, 4 days na lang foundation na. Wala pa tayong formation."

"Aba at--"

"Come on come on. Let's start. Halika ka na Xhantalle."

Napatingin naman ako sa Drey na to, may palapalakpak pa siyang nalalaman habang tumatawag sa mga tao.

Hinatak niya naman ako para mapatayo.

"Bastos ka rin e no? Nagpapahinga pa ako e!" pero di niya ako pinansin at nagdiretso sa garden, dun kasi kami nagpapractice.

So far medyo alam na namin ung mga step, medyo naguguluhan lang kami nung sa part na iikot dahil wala pa kaming formation.

Napansin naman nung mentor namin na medyo naguguluhan kami kaya finormation niya na kami.

How Bitch Fall In Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon