Nine

4.1K 21 0
                                    




~*~






"SMILE"








(Rianne's POV)







Muli kong pinasadahan ng tingin ang aking repleksyon sa salamin. Sakto lang ang fit nito sa akin ngunit alam kong may kulang, hindi ko lang matukoy kung ano.

"Are you done?" Tanong ng isang lalaki sa labas ng pintuan.

"Sort of. So back off." Malamig ngunit may pagtataray kong sabi.

"Okay." Tanging nasagot na lamang nya at naglakad na paalis.

Napabuntong hininga na lamang ako sa tapat ng salamin. Hindi ko inaakalang hahantong lahat sa ganito. I'm only 20 years old and still in college. Hindi ba nila alam na kailangan ko munang makapagtapos ng pag-aaral?

"Your marriage will be private, so you have nothing to worry about."

Sa bagay. Still, kinasal na ako.

Napagpasyahan kong lumabas na sa kwartong pinag-ayusan sa akin. I don't feel special, like the girls wanted to be.

Iniangat ko ang aking paningin at napatigil iyon sa isang pares ng mga matang nakatitig sa akin. Tila yata napako ako sa aking kinatatayuan nang bigla itong ngumiti at lumakad patungo sa akin.

"You look stunning." Napapakamot sa ulo na sabi nito.

Hindi ko maiwasang mapangiti. "Salamat."

Nakita ko kung paano mamula ang kanyang mukha kaya biglang naglaho ang aking ngiti sa mga labi. What did I do this time?

"Tara na. Nag-aaksaya lang tayo ng oras dito." Mataray kong saad nang makabawi at bumalik na muli sa changing room.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan at napatingin muli sa salamin.

That's it.

Smile.

Yun ang kulang sa magandang wedding gown na ito. Ang ngiti na nagpapakita ng saya. Pero magagawa ko ba talaga 'to?

Mabilis akong natapos sa pagbibihis at naghintay na lamang sa sasakyan ng damuho.

Sh*t, ang bagal naman neto. Kukupad-kupad!

"Sorry natagalan." Paghingi nya ng paumanhin.

Inirapan ko na lamang sya at wala nang sinabi, pagkatapos sumakay na ako sa kotse nya.

I hate it, he's d*mn innocent!

"Saan mo gustong kumain?" Pagkadaka'y tanong nito nang makasakay na rin.

Di ko maiwasang mapatingin sa kanyang katawan at mapatigil ang aking mga mata sa napuna ni Dianne kanina. His treasure.

Mukhang napansin naman nya iyon at tumikhim bago takpan ng unan na nagmula sa backseat.

Pvta, pa-virgin pa---

OMG! Don't tell me virgin pa nga talaga 'to?

Binuksan nya ang radio upang makatakas siguro sa aking tingin at pinaandar na ang sasakyan.

Masasabi ko bang bigtime ako o hindi?

Tsk.

He is a virgin mother fvcker, at wala syang karanasan. Paano nya ako mapapaligaya sa takdang panahon?

Ny*ta naman si daddy eh.

Buset ang mga plano nya para sa buhay ko. Ugh!












~*~












(Raven's POV)











"Daddy tawag mo raw ako." Pagsilip ko mula sa pintuan.

Isang tango lamang ang sinagot sa akin ni tanda at inutusan nya akong pumasok at maupo sa kanyang harapan.

"Yeah."

"Anong kailangan nyo sa akin?"

Tinignan nya ako at napabuntong hininga.

Alam kong kay Rianne na naman ang usapan na ito. Daddy knows all stupidity of Rianne pero umabot na ito sa sukdulan nang makita na namin ito ng harapan.

Rianne is a sex addict. Pero hinayaan lang namin iyon dahil sa pag-aakalang aayos rin sya, pero 20 years old na sya at still wala pa ring progress.

"Malaki na ang kapatid mo Raven, pero bakit hindi pa rin nya tigilan ang mga kalokohan nya? All I want to hear is her pleading para hindi matuloy ang kanyang kasal at pumili ng lalaking kanyang mahal."

Ah. Kaya pala nya ako pinatawag ay para may kadamay sya sa kanyang pagdadrama.

"Daddy, Rianne is a brilliant woman. Alam mo ang rason kung bakit sya nagrebelde."

Yeah. Her reason.

"I know that." Pagpikit nya ng mariin. "Vincent Joel Hugo. Business partner ko ang papa nya. Do you still remember him?"

"Anong kaugnayan ng usapan natin dito?"

"He will become your sister's husband, 4 days from now." May himig ng seryosong sambit nya.

"And?" Hindi ko na rin maiwasang hindi magseryoso.

Joel.. He was once my friend.

"Mabait na bata 'yun alam mo yan Raven. Pero hindi ang trabahong nakapalibot sa kanya."

"Bakit pa sya ang pinili nyo kung ganun?" Matalim ang pagtitig ko sa aking ama.

"Dahil alam kong sya lamang ang makakapagpabago kay Rianne."

"No dad, dahil ba sa trabaho nyang alam mong susugal?"

"Susugal rin tayo ng buhay Raven, kahit saang anggulo katulad ng nangyari sa mama mo."

Realization hits me. All along my daddy knows who kill our mom but why?

"Tama ang naiisip mo Raven. Kaya sya ang pinili kong asawahin ni Rianne dahil gusto ko ang kapatid mo mismo ang makatuklas at para na rin matuto syang magbago ang buhay na kanyang tinatahak."

"Anong gusto mong gawin ko?"

"Bantayan mo ang mga Mendelssohn, dahil alam kong mangingialam sila rito."

Nabigla ako sa kanyang sinabi at hindi ko maiwasang mapatayo.

"Dad!" Hindi ko maiwasang pagtaasan sya ng boses.

"This is our last chance son."

Hindi ko na sya sinagot at padabog na lamang akong umalis sa kanyang opisina.

Dire-diretso kong tinahak ang parking lot dito sa bahay at pinaandar ko ang isa kong sasakyan paalis sa lugar na iyon.

Dinala ako ng aking sasakyan sa isang gusali na nakapagbigay ng matinding kaba sa aking dibdib.

Dahil mula sa araw na ito, babantayan ko na ang haliging nasa aking harapan ngayon.

Ang Mendelssohn Residence.

Ang tahanan ng babaeng iniibig ko.

The Pleasure is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon