Sixteen

3.9K 23 1
                                    




~*~







"MOTHER"









(Rianne's POV)










Halos isang oras akong nanatili sa loob ng cr bago napag-isipang lumabas. Takot ako na makita pa syang gising at matuloy man ang anumang dapat matuloy. Ako si Rianne Montenegro, at hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa akin kung bakit hindi ko sya sinusunggaban agad, ano naman ngayon kung ganun ang pagkakatanong nya? Tss. Andun na ang ligaya pinakawalan ko pa pero....ugh! I can't explain it okay?

Sumilip muna ako sa pintuan upang makita kung naroon pa sya ngunit laking pasasalamat ko nang makitang nakadapa na sya sa kama at mahimbing na ang pagkakatulog. Sinulyapan ko ang orasan at napag-alamang ala-una na pala ng madaling araw. Walang mangyayari kung tutunganga lang ako dito hanggang mag-umaga, magiging bangag lang ako!

Napagsyahan kong mahiga na lang sa sofa, hindi ko maaatim na tumabi sa kanya no, duh~~

Pero.

Wah! Ilang beses na akong paikot-ikot sa sofa hindi ako makatulog, masyadong masikip mga te! Sinadya to ng hotel eh, para matulog talaga sa kama ang mga hampaslupa!

Nakakaramdam na rin ako ng antok at humihikab na rin ako. Sus. Wala namang nagyari sa amin eh. Chineck ko kung mahimbing ang tulog nya sa pamamagitan ng pagkurot sa magkabilang pisngi nya, at tagumpay dahil mukhang tulog na tulog ang anghel!

Napangiti ako ng malawak bago humiga sa pinakagilid ngunit wala pang isang minuto nang may yumakap sa akin at ibinaon ang kanyang mukha sa aking leeg.

What the fvck!

"Don't move."

Ang init. Shit! Nakikiliti ako sa init ng hininga nya sa leeg ko.

"G-Gising ka p-pa?" Utal kong sabi.

Tanga ng tanong, parang yung nagbabasa lang.

"Yeah. Inaantay kita."

Hindi ako makauhap ng salita. Naramdaman kong muli na naman nyang ipinagsuksukan ang mukha nya sa leeg ko na ikinapikit ko. Wah! Wag po sanang madagdagan pa ang kasalanan ko!

"I'm sleepy, let's sleep."

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog pero nagising na lang ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko at ang bango ng bacon na mabilis na pumasok sa sistema ko. Wait, bacon?

Mabilis pa sa alas-kwatro akong tumayo at tumakbo sa cr.

This can't be!












~*~











(Samantha's POV)










Tahimik kong binabagtas ang daan papunta sa bahay. Hanggang ngayon ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko pagnaaalala ko ang pagtatagpong iyon. Si...

Ugh. Shutang inang palaka nung gagong yun! Hindi ko matanggap na ang lakas pa rin ng beatbox ng puso ko sa kanya!

"Oh Samantha, nandito ka na pala." Bati ni nanay na nagdidilig ng mga halaman sa labas.

Nagmano muna ako sa kanya bago ngumiti. Napakasipag talaga at napakabait ng nanay ko. Char!

"Anino ko lang to Nay." Biro ko na agad namang nakatanggap ng malutong na batok.

Binabawi ko nang mabait sya.

"Ikaw pakshet na babae, inaantay ka na ni Stephen sa loob! Ke gabi-gabi nang dumating, anong klase kang---"

"Nay wag OA, nandito na ako."

"Edi nandyan ka na. Pasok na sa loob gyud."

Ginaya-gaya ko na lang ang pagsasalita nya at pumasok na sa loob.

Punyeta, huhu. Sakit ng batok ko!

Dumiretso ako sa taas at pumanhik sa kwarto ko. Nadatnan ko syang natutulog sa kama ko na nagpangiti sa akin.

Kung ano man ang magandang nangyari sa akin ay sya. Sya ang pinakamagandang nangyari sa akin.

"Hmm."

Napahagikhik ako nang umungol ito at bumaliktad ng higa. Napailing na lang ako at tinabihan sya sa kama.

Sinuklay ko ang buhok nya gamit ang kamay ko at hinalikan ang pisngi nya. I really love this man.

Man. Haha. Natatawa pa rin ako sa isiping iyon.

"Mom?"

Napatunghay ako nang marinig ko syang sinabi iyon. Pak, nagising ko ata.

"You're here."

Agad syang yumakap sa akin kaya kinulong ko sya sa aking mga bisig.

"I miss you kiddo."

"Mommy! Ugh, I'm a man now!" Nag-aalburoto nyang saad.

Told ya, he's a man.

"But you were just only 4 years old." I insisted.

He just pouted on that thought na ikinatawa ko.

"Waaa mommy you're bad!"

"No I'm not baby." Natatawa kong sabi.

Lalo namang humaba ang nguso nya kaya hinila ko iyon at pinanggigilan.

Mangiyak-ngiyak naman ito nang bitawan ko na.

"Once I'm big, you'll regret that you pinch my lips."

"Makakalimutan mo rin kaya yun!"

"NO!"

Natawa naman ako sa kanya, kaya lalo syang nag-alburoto.

Yes, I'm a mother. A mother of this child named Stephen.

The Pleasure is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon