Twelve

3.6K 25 2
                                    

~*~


"First Kiss"







(Rianne's POV)



Kabado akong nagpaalam sa mga mahal ko sa buhay. Goodluck lang ang sinasabi nila at may mga nagsusugal pa kung babae o lalaki daw at kailan daw agad makakabuo, nyetang ina nila!

Kasalukuyan naming tinatahak ang hotel na pag-iistayan namin habang hinihintay namin ang aming flight. Seriously? Ang damot ni daddy sa private plane nya!

Inis akong napatingin sa lalaking nagmamaneho walang iba kundi si Vincent, sumisipol kasi ito at walang balak buksan ang radio.

Nagpresinta na itong magdrive dahil nga hindi kami kasya sa likod ng sasakyan, yung gown ko kasi sagabal.

Saka duh, alam ko nag-iingat lang sa akin 'to eh. Ayaw nya magkaroon ng experience ang treasure nya!

"Malayo pa ba?" Bagot kong tanong.

"Malapit na. Matulog ka na lang muna kung gusto mo."

"Ayoko, mamaya gahasain mo pa ako eh." kahit na sa ating dalawa, may mas malaking porsyento na ako ang gumawa 'nun.

"Trust me, I won't do anything!"

Inirapan ko naman sya dahil doon. Nadis-appoint kasi si pempem sa narinig. Bibigyan na nga lang ng chance, palalampasin pa? Tsk. Stupid.

By the way, natulog na lang din ako kagaya ng sinabi nya. Sinandal ko ang ulo ko sa bintana. Natamaan din kasi ako sa ininom ko kanina kaya medyo nahihilo ako, pero alam kong nasa huwisyo pa rin ako.

Naramdaman kong parang lumutang ako sa ere ilang sandali nang pinikit ko ang aking mga mata. Iminulat ko ang isa at parang may kuryenteng bumalot sa akin nang makilala ang lalaki.

Gwapo pala ang hinayupak pag malapitan. Tss. Oo na, gwapo naman talaga sya eh. Pero mas maganda ang view ngayon dito.

"You're awake. Ibaba na ba kita?" Tanong nya sa akin nang hindi ako nililingon at patuloy pa rin sa paglalakad papasok ng hotel.

"I'm tired, magtiis ka na lang muna." Pagdadahilan ko na ikinangiti nya.

Hindi naman talaga ako pagod, gusto ko lang syang matitigan ng todo-todo.

"Okay. Kapit ka lang ha?"

Tumango na lang ako. Hindi lang pala sya inosente, nauuto rin.

Nakarating kami sa kwarto na para sa amin dito sa hotel at maingat nya akong inilapag sa kama. Napairap ako nang makita ko ang ilang rose petals sa paligid. Anong gusto nila, honeymoon agad?!

Naiyak naman si pempem sa loob ng aking panti. Siguro sobra nyang naappreciate ang nakikita nya sa paligid. Jusko, nakatakip ka ng gown pempem, paalala ko lang sa kalibugan mo! Hunus dili muna ah?

"Ah Rianne."

Napalingon naman ako kay Vincent na kagagaling lamang ng banyo.

"Chineck ko na yung paligid okay naman, magchecheck-in na lang ako malapit sa room mo." Sabi nito ng nakangiti.

Napakunot noo naman ako sa narinig. Don't tell me, sa pagiging mabait nya idadamay pa nya ang pagiging marespeto sa babae? Oh com'on, he's my husband!

"No, you stay." Madiin kong sabi at tumayo mula sa pagkakaupo ko sa kama.

Hindi naman nakaligtas sa akin ang saglit na pag-iwas nya ng kanyang paningin sa akin.

"B-Baka kasi hindi k-ka kumportableng kasama ako."

"Walakampake." Matigas kong sagot. "You'll stay here."

"B-But.."

"Don't worry, hindi kita hahalayin, sa isipan ko lang." Bulong ko sa dulo.

Napangiti naman sya dahil doon at tumango.

"Ligo na muna ako." Sambit nya na sinang-ayunan ko.

Lumabas muna ako ng veranda para magpahangin. Natatawa ako sa sarili ko, ang sama-sama ng ugali ko at kabaliktaran sa ibinigay sa akin na asawa.

Nanatili lamang ako doon at napagpasyahang lumibot sa loob ng kwarto. Everything here is red, ang romantic tignan pero alam kong hindi naman magagamit.

Tinawagan ko ang room service at nagpahatid ng wine.

Hindi naman siguro masama na uminom ng wine ngayong gabi di ba? Afterall, wala naman kaming gagawin na maghahatid agad sa amin sa langit.

Ilang minuto lang ay dumating na ang inorder ko. Nakalagay ito sa cart at punyeta, may petals na naman all around. May dalawang baso pa ang hinayupak na hindi ko naman hiningi. Duh, ako lang iinom!

Tinignan ko ng matalim ang lalaki na mukhang nangisay naman at nagmamadali nang magsisitakbo sa labas.

Inis kong binalingan muli ng tingin ang alak at wala sa sariling binuksan ito at tinungga habang naglalakad papuntang veranda.

Sa mga araw na nakalipas lalo akong nanghihinayang dahil si Jake ang huling naikama ko. Boyfriend pa ng ex-bestfriend ko, pisti. Ang tadhana talaga masyadong mapaglaro sa mga malilibog.

Sinisinok na ako pero patuloy pa rin ako sa pag-inom. Wala akong balak magkaanak pero si daddy mukhang balak magkaapo at sa damuho pang kasama ko ngayon sa silid na ito.

Hindi ko maiwasang mapaiyak. Ngayon ko lang ilalabas ang hinanakit ko dahil nakainom ako at may alibi.

Muntanga na akong sisinghot singhot nang maramdaman kong may umagaw sa bote ng alak na iniinom ko.

Oops.

Napangisi ako agad nang makitang nakakunot ang noo nito. Haha. Ubos na kasi ang laman ng bote, malas ng hinayupak.

"Sinabi nang wag maghahatid ng alak sa room na 'to eh."

"Sus! Order ka na *hik* lang ng sayo, u*hik*bos ko na!"











**













(Vincent's POV)









Napatampal na lamang ako sa aking noo. Nakainom na sya, ano nang gagawin ko?

Ugh, kalma Vincent wag kang mataranta okay?

Napalunok ako nang makita kong nakakagat si Rianne sa ibaba nyang labi at nakatingin sa aking labi. Namumungay ang kanyang mga mata at unti-unting lumalapit sa gawi ko. Napaatras naman ako dahil doon, nangako ka Vincent, nangako ka.

"Uhm, R-Rianne?" Pagtawag ko sa kanyang pansin na ikinangisi nya.

"Ano kayang lasa ng mga labing 'yan?"

Muli akong napalunok sa kanyang sinabi. Wah! This is a bad sign.

"M-Matulog na tayo gabi na. Hehe."

Hindi ko maiwasang mautal at mapapikit ng mariin sa aking sinabi. Ano ba 'to, hehe talaga?

"Vincent."

Napatigil ako nang marinig ko ang aking pangalan mula sa kanya. Nakakaakit ito at nangtatawag ng tukso.

Naramdaman ko ang paglapit ng katawan nya sa akin at paglapit ng kanyang mukha.

Napapikit ako nang dumapi ang kanyang labi sa aking mga labi. Malambot, mainit, at masuyo ang kanyang paghalik.

Nadadala ako sa sensyon at nararamdaman akong nagigising sa loob ng tapis ng twalya sa akin.

"T-Take me now." Bulong nya na nakapagpagising sa akin sa katotohanan.

Bago pa man matuloy ang dapat hindi matuloy ay agad ko na syang pinatulog gamit ang paggalaw sa kanyang batok.

Pawis na pawis ko syang binuhat at inihiga sa kama.

Anong ginawa ko? Yung first kiss ko!

The Pleasure is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon