~*~
"Friend Request"
(Rianne's POV)
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Agad akong napabalikwas ng bangon nang may maalala.
Sh*t! No!
Mabilisan kong tinanggal ang kumot na bumabalot sa aking katawan at ganun na lang ang aking pagkadismaya sa nakita.
I'm wearing my wedding gown..
What the fvck!
"Goodmorning!"
Kalma Rianne. Inhale, exhale. That's right, you're doing good.
"How's your sleep?"
Mabilis na naglandas sa kanyang mukha ang unan na hawak ko.
"How dare you!" Gigil kong turo kay Vincent na ngayon ay bakas ang takot sa kanyang mukha.
"W-Why?" Natataranta nitong saad. "I didn't kiss you!"
"Absolutely! Bakit walang nangyari sa atin!" Nagpupuyos na ako sa galit.
Kaya ako nagpakahirap na malasing dahil dun! How dare he ruin my night!
Bahagya naman syang natigilan at umawang pa ang kanyang bibig.
Ano ngayon, bakit ganyan reaksyon nyan!
"Y-You f-forgot?"
This time ako naman ang natigilan. "Forgot what?"
Mabilis naman itong umiling at tumalikod na. Nanatili ako sa kama na lalong nainis sa kanyang inasal. Mapapatay ko talaga sila dad dahil dito. Ugh!
Padabog akong nagtungo sa banyo at naligo. Ano ba kasing nakalimutan ko kagabi? Sigurado akong walang nangyari sa amin dahil walang dugo sa kama, oh well. Di pala dumudugo ang sa mga lalaki pagnawala ang virginity. I guess I was wrong, but grr. Bakit ang hina ng lalaking yun? What a weak bastard.
Matapos ko sa morning rituals ko ay lumabas na ako sa room namin at pumunta sa dining hall dito sa hotel. Nakita ko syang nakaupo roon sa sulok at abala sa kanyang cellphone kaya agad akong napasimangot. Hindi nya man lang ako dinalhan ng breakfast sa room.
Halos masira ang upuan nang padabog akong umupo at naghalukipkip sa kanyang harapan ngunit hindi pa rin nya ako binigyang pansin. Ganun ba kaimportante ang kausap nito?
Mabilis na hinablot ko ang napadaang waiter sa aking tabi at gigil na sinabi ang aking order sa nanlilisik na mata at nakakamatay na boses. Mataran-taranta namang tumalima ang inutusan ko at muntikan pang madapa.
"You're scary."
Sa wakas!
"I know." Maikli kong sagot bago tumingin sa ibang naririto.
Naiinis lang ako sa mukha ng lalaking ito, ang hina kasi. Narinig ko syang nagpatunog ng dila at pag-ayos nya sa upuan.
"I'm sorry about last night."
"I'm not sorry, Wala akong natatandaan." Napairap ako sa aking sinabi.
Nakita ko ang pagdaan ng kalungkutan sa kanyang mata. Oh my! Nakuha ko ba ang virginity nya o nabitin ko sya?
"Don't look outside the box, you're over thinking."
"W-What?"
"Nothing." Napapailing nyang sabi na lalo kong ikinalito.
I'm not scary, he is!
Ilang sandali pa dumating na yung order ko kasama ang order nya na pancake with strawberry syrup, and strawberries on top, while mine is chocolate. Simple, chocolate pancake.
**
"Are you ready? Wala ka na bang nakalimutan?"
"Wala na po dad." Nakairap kong sagot. How many times na ba nya iyong tinanong?
"Good. Don't forget to contact us once you get there."
Napairap muli ako at itinuro si Vincent na nasa likod ko.
"Maybe he can."
Hindi pa man muling nakakapagsalita si daddy nang bigyan ko na sya ng isang halik sa pisngi at pumasok na sa aming private plane. Tammo to, ipapahiram din pala ang mamahalin nyang eroplano. Napailing na lang ito sa inasal ko at kinausap na si Vincent. Nagtuloy-tuloy lang ako papasok at umupo sa pinakalikod na upuan. Mas naiinis ako ngayon dahil wala si Raven, hindi man lang nagpaalan sa kapatid nya, tss.
"Your dad is cool." Naiiling na wika ni Vincent pagkapasok pa lang ng eroplano at umupo sa aking tabi.
Napa-ismid naman ako. Ang daming upuan bakit sa tabi ko pa 'to uupo?
"Nag-aalala sya. Nag-aalala sya sa akin na baka magahasa mo daw ako."
Gulat na napatingin ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala na mas nag-aalala pa si daddy sa kanya! Ugh! Dahek na mga lalaki!
Hindi ko na lang sya pinansin at inis na sinaksak na lang sa tenga ko ang earphones ko. Nilakasan ko rin ito ng todo-todo, para pag sakaling dumaldal man sya ay wala na akong maririnig.
We're going to Paris for our honeymoon. Kung honeymoon man ang maitatawag doon kasama ang inosenteng lalaki.
Nag-online ako sa FB at napasimangot na lang sa mga bumungad sa aking private messages, lahat tungkol sa kasal ko, sa mga nakakaalam. Dumako na lang ang mga mata ko sa friend requests at napataas ang kilay sa aking nakita.
Vincent Joel Hugo
Accept | Remove"Accept mo yan, gwapo oh."
Lalong tumaas ang kilay ko sa narinig sa kanya. Masyado syang malapit sa akin kaya narinig ko ang sinabi nya.
But wait..
"HINDI KA GWAPO!"
Padabog akong lumipat ng upuan na ikinatawa nya. Pinatay ko rin ang phone ko at binuksan na lang ang tablet ko bago pumunta sa wattpad app. Siguro naman dito hindi na ako guguluhin ng isang engkanto.
I hate him!
BINABASA MO ANG
The Pleasure is Mine
Romance"Si Rianne ay isang sex addict." Romance | Fiction | Action