Chapter Six

3.2K 38 0
                                    


Hindi ko na namalayan ang oras, ilang oras akong nag lakad lakad sa bayan namin. Everything's blurred in my sight because of my tears that still oozing from my eyes. Hindi na muling sumakit ang aking tiyan pero sumasakit na ang aking mga paa at pakiramdam. Madilim na rin ang paligid. Nag lakad pa ako ng kaunti hanggang makapunta ako sa tapat ng simbahan, at noong mga oras na iyon ay mas lumalakas na ang ambon. Nakahanap ako ng pag kakataon na sumilong sa loob ng simbahan, gayong nakabukas naman ito. Pumasok ako doon habang nakatingin sa altar sa unahan.

Walang katao-tao sa loob ng simbahan kaya naman kinuha ko ang opportunity na 'yon para umupo sa pinaka unahan at mag pahinga kahit ngayong gabi lamang. Pagkaraan ng ilang minutong pag titig sa altar, hindi ko namalayang napahiga na ako sa upuan ng simbahan. Doon ay nakatulog ako ng mahimbing ng hindi man lamang nagigising dahil sa aking posisyon.

Isang malamig na palad ang bumampi sa aking pisngi na nag pagising sa aking mahimbing na tulog. Minulat ko ang aking mata at isang naka black and white na madre ang aking nakita. Muntik ko nang akalain na isa syang anghel dahil sa kanyang maputi at maamong mukha.

"Nagising ka na rin sa wakas," dahil sa aking crucial na kalagayan. Pinili kong umupo ng dahan dahan sa upuan kesa sa magulat sa kanyang unang sinabi.

Nakaramdam ako ng kaunting sakit sa aking bewang, agad kong ininda iyon pero agad din namang napawi ang sakit.

"Hello po, sister." Pag bati ko nang nakangiti habang inaayos ang aking damit na nagusot.

Maamong ngumiti ang madre nang marinig ang aking boses. "Siguro hindi ka na napansin ni Manong noong sinarado nya ang pinto ng simbahan, dahil dito ka mismo sa unahang bahagi nakatulog." Itinaas nya ang kanyang kamay at inayos ang magulo kong buhok.

"Salamat po, sister. At saka po, pasensya na kung dito ako natulog. Hindi ko po intensyon 'yon. Dahil sa pagod nakatulog na ako ng mahimbing dito kagabi." Nasabi ko.

Sa hindi malamang dahilan napatingin na lamang sya sa altar at ngumiti na parang may naalalang kung ano, nakakatuwang pag masdan ang kanyang mukha dahil napaka payapa nito at tila walang bakas ng kahit anong problema. "Hindi naman kasalanan ang pag tulog dito. Ang bahay ng Panginoon ay bahay ng lahat." Seryoso nitong tugon.

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa mapayapa nyang tugon, tila ako nakikinig sa isang anghel na nag sasalita. "Noong walang wala ako, noong walang sino man ang tumanggap sa akin para patulugin sa kanilang bahay, alam mo bang dito din ako nanatili ng tatlong araw hanggang sa napagdesisyunan ko nang maging isang madre at pumasok sa kumbento. Dahil sa pagiging madre ko, nahanap ko na ulit ang mga magulang ko. Dito ako mismo naligaw, kaya naman matamis ang ngiti ko nang makita kitang natutulog dito."

Napangiti ako nang mapait nang marinig iyon galing sa kanya, "Sayang po at hindi na ako pwedeng mag madre katulad nyo." Napahawak ako sa aking tyan at napangiti ng malapad nang sabihin ko iyon.

Nakita kong napatingin sya sa akin nang marinig nya iyon, "Nag dadalang tao ka?" Masaya nitong tanong.

Hindi ko na ata mabura ang ngiti sa aking mukha nang tanungin nya ako, "Opo," pag mamalaki kong sagot.

Nanlaki ng bahagya ang kanyang mga mata at tila hindi nakapaniwala. "Kaya ba may dala kang bag at dito ka napadpad?" Natanong nyang muli.

Tumango ako, "Opo, matapos kong sabihin sa mama ko doon ko lang nalaman ang lahat ng totoo tungkol sa akin... na hindi sya ang tunay kong mama at anak lang ako sa labas ni papa. May nauna syang pamilya bago pa ako maipanganak. At kahapon lang din nya ako pinalayas. Sayang nga at hindi ako nakapag paalam sa papa ko."

"Wala na akong mapuntahan ngayon, kakalipat lang namin dito noong bakasyon at ang mga kamag anak naman namin nasa malalayong lugar. Hindi ko alam kung paano ko sila pupuntahan isa isa at hihingi ng tulong."

Undo This HurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon