Soundtrack: Solo, by Clean Bandit ft. Demi Lovato
“Payton,” patakbong lumapit sa akin ang nag iisang taong may pakialam sa akin sa trabaho. Higit higit nya ang kanyang maleta habang papalapit sa akin.
Pinilit kong makangiti sa kanya nang sa ganoon ay hindi na sya mag alala pa. “Oh, bakit hindi ka pa umuuwi?” Tanong ko kay Sheryl nang makaupo sya sa tabi ko.
Ngumuso sya na parang isang batang malungkot, “Bakit ka naman nag re-sign agad? Ang bata mo pa at saka wala ka pa ngang five years sa airline.”
Umiling ako habang nanatiling nakangiti sa kanya, “Hindi ko na kasi kayang mag trabaho sa eroplano dahil sa kalagayan ko ngayon.”
Hinawakan nya ang kamay ko nang kanyang dalawang kamay, “Ano bang nangyayari sayo? Kailangan mo ba ng pera? Matutulungan kita, sabihin mo lang sa akin mabibigyan kita.”
Agad akong umiling sa harap nya, “Hindi naman iyon ang pinuproblema ko, may naipon naman ako. May kung ano lang talaga sa katawan ko na hindi ko kayang sabihin sa sino man.” Sagot ko.
Halatang nagulat sya, “May sakit ka?” medyo tumaas ang tono ng boses nya.
Tumango ako ng dahan-dahan at pinakita sa kanya ang mga pasang nag simulang sumulpot sa buong katawan ko, hindi iyon dahil sa ginawa ni Ismael sa akin. Limang buwan na rin noong nangyari iyon.
Hindi ko alam ang sasabihin ko sakanila, at kahit sabihin ko wala naman ding tutulong sa akin. Mag hahanap na lang ako nang ibang trabaho na hindi ako mapupuyat, at hindi makakasama sa buong sistema ko. Masarap mag trabaho bilang isang Flight Stewardess dahil nakaka-punta ka sa iba’t ibang lugar pero iba din ang hirap, dapat mong unahin ang kaligtasan ng mga pasahero bago ang kaligtasan ng sarili mo.
“May mga pasa ka? Sinong gumawa nyan sayo?” Tanong nya.
Umiling ulit ako, “Wala, walang gumawa nito sa akin. Madami pa ‘to sa buong katawan ko, bigla bigla na lang ako nag karoon nito.” Sagot ko.
“Nag pa-check up ka na ba sa doctor?”
Tumango ako, “Oo.”
“Anong findings nila sayo?”
Ayokong sabihin sa kanya, ayokong mas kaawaan nila ako dahil sa sitwasyon kong ito. Sa totoo nyan dalawa ang findings sa akin ng doctor, isang bad news at isang good news. Pero mas maganda kung sasarilihin ko na lang iyon. Tutal kaya ko naman ang sarili ko.
“Mag kaka-mens lang ako,” pag sisinungaling ko at nag kunwari akong masaya para isipin nyang nag bibiro lang ako na may sakit ako.
Kumunot ang noo nya, “Huh? Ang sabi mo may sakit ka?”
“Nag jo-joke lang ako.”
At padamog nyang pinakawalan ang kamay ko, “Peste ka, Payton.”Tumawa kaming dalawa habang nakaupo sa bench, sana nga ganito na lang kasaya ang buhay ko. Pero kung tutuusin takot akong maging masaya, ‘yong tipong tawa ka lang ng tawa kasi naniniwala akong pag katapos nang lahat nang sayang iyon ay saka dadating ang madaming pagluha.
Pag katapos naming mag usap ni Sheryl ay pumunta kami sa malapit na mall para mag libang-libang, ili-libre nya daw ako para sa last encounter namin bilang magka-trabaho. At dahil alas-dies pa lang naman ng umaga ay minabuti na naming sulitin ang oras.
Una kaming pumunta sa arcade at nag laro ng mga pambatang laro. Bumili sya ng madaming token para makapag laro kami ng matagal. Nag hulog ako ng token, at hinawakan ko kaagad ang console ng machine para kunin ang stuff toy sa loob. Actually naiinis ako sa machine na ‘to pero heto ako nag pupumilit na makuha ang isang Stitch na stuff toy. Nakaubos ako ng walong token bago ko nakuha sa wakas ang isang stuff toy, may pang regalo na ulit ako para kay Nigel.
BINABASA MO ANG
Undo This Hurt
Fiksi Umum[FIL/ENG/PORTUGUESE] Payton Neville is a young girl seeking for someone to stay with her while in the gloomy days. As time goes by, she will meet the Adachi twins. She will suffer from the night she met the twins up to the days she had Nigel. But fa...