Soundtrack: Faded, by Alan Walker
Nag taka sila kung bakit ako nag karoon ng bakat ng mga kuko sa mag kabilang braso ko. Hindi ako umimik. Napatingin ako sa mga braso ko at nag sugat na ito.
Hindi ako makatingin sa kanila kahit ilang beses na nila akong tinatanong kung anong nangyari sa akin. Kinuha ko ang mga bitbit namin kanina sa ilalim ng lamesa.
"Umuwi na tayo," sinabi ko nang sa wakas ay makatayo na ako at bitbit na ang pinamili namin.
"Mahal, may problema ba?" Natanong nya. Hindi ko na alam ang itatawag ko sa kanya ngayon. Nalilito na ako sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung sino dapat ang paniwalaan at ano ang paniniwalaan.
Iniwasan ko ang hawak nya at tumingin ng masama sa kanya. Mahal na mahal ko sya pero hindi ko magawang tanungin sa sarili ko kung nagka-mali ba akong tinanggap ko sya ulit sa buhay ko. Mabilis akong lumabas sa restaurant na iyon hanggang tawagin nila ang pangalan ko habang nagla-lakad sa kawalan ng madaming tao.
Ang sakit sa dibdib, ang sakit na parang hinahayaan kang hindi maka-hinga ng maayos. Halos pag-tinginan na ako ng mga taong nakaka-salubong ko dahil maliban sa umiiyak halatang-halata din ang mga sugat ko sa mag-kabilang braso ko.
--
Nauna akong makauwi sa kanila. Wala na akong naging ideya kundi sinusundan lang nila ako kanina, 'yon lang. Dumeretso ako sa kwarto ko at nag-kulong hanggang sa malimutan ko kung anong oras na. Wala akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak dahil sa sakit. Halos malunod na ako sa sarili kong luha.
Unless Ismael is pretending as Isaiah. Iyan ang huling sinabi sa akin ni Jasmine bago pa man sya lumabas ng powder room. Paulit-ulit na lumalabas sa isip ko, paulit-ulit na pinapa-alalang baka niloloko lamang ako ng lalaking kinakasama ko ngayon.
Sa tinagal ng oras na pananatili ko sa loob ng kwarto ngayon lang may nag-bukas ng pinto. At noong mga sandaling iyon ay lumiwanag na ang buong kwarto dahil sa pag-bukas ng ilaw. Napapikit ako at isiniksik ulit ang mukha sa unan ko. Pag-lubog ng kutson sa likod ko ang sunod kong naramdaman. At sinundan ng isang mahigpit na yakap mula sa likod.
"Mahal," mahina nitong bulong sa tenga ko. Pinilit kong manahimik hanggang sa makakaya ko.
"You can tell me what's bothering you, nag-aalala na kami sayo. Hindi namin alam kung anong nangyari bago ka lumabas ng banyo kanina." Dagdag pa nya.
Hinawakan nya ang pisngi ko bago ito halikan. Bumaba ang kanyang kaliwang kamay at dumapo ito eksakto sa sugat na iniwan ni Jasmine sa braso ko. "Who made you this, Mahal?" May bahid ng pag-aalala ang boses nya.
Tiniis ko ang sakit habang hinahaplos nya ang aking balat. Natahimik sya saglit, tila hinihintay ang magiging sagot ko pero hindi pa rin ako nag sasalita hanggang ngayon.
"Mag bibingi-bingihan ka na lang ba? Hindi mo ba ako naririnig? Bakit... bakit hindi mo na lang sagutin ang tanong ko ng mabilis para matapos na ang pag-tatanong ko sayo at para mapabayaan kitang mag-isa dito? Hindi pa ba madali 'yon sayo?" Sa unang pag kakataon narinig ko ang pagalit nyang boses. Miski sa sinabing nyang iyon ay nasaktan din ako.
"Para saan pa na mahal mo ako at mahal kita, kung hindi mo din sasabihin kung anong problema mo!" Sigaw nito sa akin.
Naramdaman kong naupo sya sa kama, hindi nag-tagal ay narinig ko syang nag-mura bago tumayo at isara ang pinto at ni-lock. Nag madali syang lumapit ulit sa akin habang hinihubad ang kanyang pang-itaas na damit. Napa-lunok na ako ng may halong kaba nang tuluyan na syang makapag-hubad ng lahat ng damit sa katawan. Akmang uupo na ako nang bigla nya akong ihiga ulit sa kama. Hinawakan nya ang mag-kabila kong kamay at ilagay iyon sa itaas ng ulo ko. Umiling ako ng umiling nang malaman ang gagawin nya sa akin. Wala akong nagawa, kundi pakiramdaman na lang ang sunod nyang ginawa habang nakapikit ako at umiiyak.
BINABASA MO ANG
Undo This Hurt
General Fiction[FIL/ENG/PORTUGUESE] Payton Neville is a young girl seeking for someone to stay with her while in the gloomy days. As time goes by, she will meet the Adachi twins. She will suffer from the night she met the twins up to the days she had Nigel. But fa...