Soundtrack: Girls Like You, Maroon 5 ft. Cardi BHinaplos ko ang kanyang pisngi nang sabihin nya ang mga salitang iyon. Mas niyakap nya ako ng mahigpit dahil doon. Mas panatag ako kapag nandiyan sya, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng takot lalo na't hindi ko alam kung ano pa ba ang kaya nyang gawin bukod sa pambubugbog. Sa kabilang banda ng utak ko, ayoko nang mag isip pa ng masama laban sa kanya, kung mag babago man sya at kung nag bago na nga tatanggapin ko sya ulit kahit na mahirap nang mag tiwala sa ngayon.
"Mas masaya na ako ngayon na mag kakaaanak na tayo." Nilihis ko ang usapan. Hindi ko alam kung gaano sya magiging mabuting ama sa magiging mga anak namin. Kay Nigel pa lang nakitaan ko na sya nang gan'ong pustura bilang ama at sobra-sobra ang pananabik ko kapag nanganak na ako sa kambal.
Bumaba ang kanyang kamay mula sa tiyan ko hanggang sa mahawakan nya ang binti ko. "You are the only woman I have dreamt about bearing my own children, and I'm so grateful to God and to you especially."
Dahil sa sinabi nyang iyon hindi ko naitago ang kapanabikan ko at totoong ngiti sa aking mga labi. Naramdaman ko ang kanyang labi sa leeg ko, hinalikan nya ulit ako. "Alam mo bang pinangarap ko din iyon pero nag bago ang lahat nang mag bago ang trato mo sa akin. Nanghinayang ako kasi mahal na mahal kita at ikaw pa ang nag mistulang isang pabigat sa akin noon, kaya sana maging isang responsableng tao ka na ngayon, Ismael, para sa mga magiging anak natin." Sinabi ko iyon nang nakatingin sa kisame at sya ay nanatiling nakayukyok sa aking leeg.
"I will, I will do anything just for my children, Payton. But there's only one left, you know what? I want to be your husband, and I want you to be my wife. I want to marry you before the twin came out. Give me a chance to prove and chance to be a real man... you don't know how much I regretted things while I'm watching you everyday."
Tumagilid ako nang sa ganoon ay makaharap ko sya habang nakahiga kaming dalawa sa iisang kama. Pinunasan ko ang kanyang luha at sabay hinagkan ang kanyang noo.
"Maging mabuting daddy ka lang sa kambal natin at kay Nigel, kuntento na ako. Hindi mo na ako kailangang pakasalan para mapatunayan ang lahat." Sinabi ko.
Mas lalong lumungkot ang kanyang mukha. "Do you still love me?"
Hindi ako sumagot kaagad dahil ayokong sabihin sa kanya ang totoo, natatakot akong baka masaktan ko lang sya bandang huli. "Sa tingin mo ba?" Balik tanong ko.
"If you ask me that way, of course, I must say you still do love me, don't you?" Napangiti kaming dalawa.
"Hindi ko na kailangang sagutin 'yan, ang gusto ko laging ka lang nasa tabi ko habang pinag bubuntis ko ang kambal. Hindi ko kasi naranasan na nandiyan si Isaiah sa tabi ko habang pinag bubuntis ko noon si Nigel." Ani ko at sabay nyang hinalikan ng mabilis ang labi ko.
"Sasamahan kita, Payton, gusto mo ako na rin ang manganak para sayo." Natatawa nyang rekomenda.
"Saan mo naman ilalabas ang kambal natin?" Natanong ko, ngumiti lang sya na parang may kung anong iniisip.
"Hmm, I don't know, maybe on ass will do." Sagot nya sabay hagalpak ng tawa.
Hinampas ko ang dibdib nya habang tumatawa, "Kadiri ka! Huwag mo namang gawing mabaho ang kambal natin."
"I'm just kidding you, mukha ka kasing seryoso lagi." Niyakap nya akong muli na parang isang malanding bakla.
Siniksik ko ang mukha ko sa kanyang leeg bago ko sya yakapin pabalik. "Mahal mo pa rin talaga ako, Mahal, huwag mo nang itanggi. I love you."
At iyon ang huli kong narinig sa kanya bago ako makatulog. Pero wala na sya sa tabi ko nang magising ako kinabukasan.
--
BINABASA MO ANG
Undo This Hurt
Ficción General[FIL/ENG/PORTUGUESE] Payton Neville is a young girl seeking for someone to stay with her while in the gloomy days. As time goes by, she will meet the Adachi twins. She will suffer from the night she met the twins up to the days she had Nigel. But fa...