PAYTON
Kumain kami ng sabay-sabay sa hapag kasama si Isaiah at pati na rin si Mae. Nasa iisang side kami ng lamesa nila Baby Nigel na nakaupo sa baby chair nya at si Isaiah naman sa kanang side ni Nigel at ako naman ay sa kaliwa ng anak namin. At si Mae naman ang nag iisa sa isang side.
Pinag mamasdan kami ni Mae habang nasa kabilang side sya ng table. Habang si Isaiah naman ay pinag mamasdan ang anak namin kung paano nya pag laruan ang saging na hiniwa ko ng maliliit. Saging na ata ang favorite ng anak kong kainin ngayon.
Pinag masdan ko lang ang mag-ama ko kung paano abutan ni Isaiah ng isang maliit na hiwa si Nigel at kung paano sipsipin ng anak ko ang saging nya na hawak nya. May pagkakataon na kamay nya na ang nasisipsip nya at hindi ang saging nya. Naririnig ko naman na tumatawa si Isaiah habang pinapanuod ang anak. Ni hindi na nga sya makakain ng maayos dahil sa kakabantay kay Nigel na baka mabulunan.
Hinayaan ko silang dalawa, gusto kong mas lumapit pa ang loob nya sa anak namin. Hayaan ko naman sya ang makatuklas kung ano ang gusto at ayaw ng anak namin sa maagang panahon pa lang.
Natatakot kasi ako na baka isang araw hindi na naman sya bumalik. Ayos lang sa akin kung iwan nya ako ng may sapat na dahilan pero kung iiwan nya ulit ako hindi lang ako ang maiiwan nya pati na rin ang anak namin. Pero hindi ko hahayaang kunin nya sa akin si Nigel. Si Nigel lang ang nakasama ko lagi kapag nag iisa ako. Sya lang... ang iisang anak ko lang.
Umiling ako ng ilang beses bago pa man tumulo ang luha ko. Nag-focus na lamang ako sa pagkain ko at hindi na nag isip ng ikaka-iyak ko. Akmang isusubo ko na ang pagkain sa aking kutsara nang mapatingin ako kay Mae nang tanungin nya si Isaiah.
"Bakit Adachi ang pangalan mo?" Tanong ni Mae sa kanya. Napatingin ako kay Isaiah bigla at naabutan ko syang pinapainom ng tubig ang anak nya using the small feeding bottle ni Nigel.
"It's my surname, my name is Is-Isaiah. I'm half Filipino and half Brazilian. Get it?" Paliwanag nito kay Mae.
Tumango-tango si Mae na parang ngayon nya lang ito nalaman. "Edi may lahing Brazilian din pala si taba?" Tanong nya ulit.
Tumingin si Isaiah sa anak namin na busy sa pag sipsip ng feeding bottle nya kahit wala naman syang nasisipsip. "Yeah, I guess. Sort of. A little. One-fourth." Mabilis na sabi ni Isaiah na medyo ikinangiti ko.
Bakit parang hindi sya sigurado? Natanong ko sa isip ko. Hindi ba sya naniniwala sa akin?
Naabutan kong nakatingin sa akin si Mae, "Bakit parang hindi ka sigurado?" Tila ba nabasa ni Mae ang nasaisip ko dahil bigla na lamang nya iyon naitanong sa kanya.
Miski si Isaiah ay hindi makapaniwala na para bang nagulat ang kanyang mukha, "I believed with Payton, last night I'd counted the months after we'd make out with... with my twin brother and... and I guess Nigel is 5 to 6 months old now." Nasabi ni Isaiah sa paputol-putol na paraan.
Napabuntong hininga ako, "Hindi na dapat malaman ni Mae ang tungkol sa nangyari dati." Nasabi ko, na may medyong hiya sa boses.
Tinaas ni Mae ang kanang kamay nya na para bang pinapigilan kaming mag salita, "Wait! Paki-tagalog naman, hindi ko maintindihan, Adachi." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Mae. Ang akala ko pa naman naintindihan nya kaya ako nahiya bigla.
Nairita na si Baby Nigel sa kanyang pwesto sa Baby chair kaya naman kinarga na lang sya ni Isaiah at habang pinag patuloy nila ang pag uusap ni Mae. "Hmmm, sakto sa bilang ng mga buwan ang edad ni Nigel ngayon. 6 months old na sya, hindi ba?" Tanong nya sa akin na tila kinukumpirma ang sinabi nya.
BINABASA MO ANG
Undo This Hurt
General Fiction[FIL/ENG/PORTUGUESE] Payton Neville is a young girl seeking for someone to stay with her while in the gloomy days. As time goes by, she will meet the Adachi twins. She will suffer from the night she met the twins up to the days she had Nigel. But fa...