Chapter Twenty-Seven

1.5K 17 2
                                    

ADACHI

I have watched her exiting the place where we had a final closure. She's the woman I have loved for almost four years, she's my partner who dreamt about us in the future but now she's one of worst woman I have ever known. Yet I'm the worst and coward man for her. We hate each other now.

Later on, I found myself exiting the restaurant, too. I'm walking like I'm a lost man in downtown. I hate this feeling. I hate how my heart beats with ache.

Jasmine is out, and eventually Payton will be out, too, she will probably back to Isaiah -she supposed to be with him and not with me. I'm just an extra cast in their own movie.

I locked myself inside my condo unit as I got home. I drink as many booze as I can take into my liver.

--

PAYTON

Kinabukasan, hindi pa rin nag paparamdam sa amin si Isaiah. Hindi pa sya pumupunta sa bahay mula noong iniwan nya kaming mag-ina sa kama kahapon. Malapit na akong mag-alala pero malapit na rin akong mainis dahil sa kanya. Hindi man lang sya nagre-reply sa mga texts ko.

Dinala ko si baby Nigel sa pediatrician nya para ipa-check-up at paturukan. Nag hintay kami saglit at sa wakas ay kami na ang pinapasok sa loob ng clinic. Hinalikan ko ang noo ng anak ko pagkatapos kong ibigay ang record book nya simula noong ipinanganak ko sya. Binigay ko sa isang nurse si Nigel, sya ang mag kakarga kay Nigel habang tuturukan sya ng pedia. Hindi ko kasi kayang makitang umiiyak si Nigel habang tinuturukan sya ng bakuna. Mahina ang loob ko pag-dating kay Nigel.

Narinig ko ang iyak ni Nigel sa loob ng clinic habang nag hihintay ako sa labas ng pinto. Napasimangot ako ng sobra. At pagkaraan lang ng ilang minuto pinapasok na din ako ng nurse. Karga ni doc si Nigel habang umiiyak. Agad kong kinarga ang anak ko at hinimas himas ang kanyang likod. Bigla akong naawa sa kanya kasi para syang inaapi kung umiyak.

Pagkatapos ibigay ni doc ang record book ni Nigel ay umalis na din kami sa clinic. Habang nasa loob kami ng taxi ay pinatulog ko na sya para hindi sya masyadong makaramdam ng sakit. Iniiwasan kong mapahawak sa kanang legs ni Nigel dahil doon sya tinurukan kanina. Baka mamaya mag-wala sya bigla kapag nahawakan ko.

Nakauwi kami sa bahay, umaasa akong baka nandoon na si Isaiah pero wala pa rin pala sya. Nilapag ko si Nigel sa crib nya bago ako gumawa ng mga gagawin ko.

Pumunta ako sa kusina para mag timpla ng maiinom at naabutan ko doon si Mae na nag luluto ng pananghalian namin. Kumuha ako ng kaunting gatas sa ref bago akbayan si Mae at amuyin ang niluluto nya. Napatingala sya sa akin bago ako ngitian.

"Ang sarap naman nyan." Nasabi ko.

"Syempre. Dito ba kakain si Adachi?" Natanong nya. Bigla namang napakunot ang noo ko dahil sa pag papaalala nya kay Isaiah. Naiinis na talaga ako, gusto ko sana syang puntahan kanina sa condo nya kung hindi lang talaga umiiyak si Nigel.

"Hindi, at kapag pumunta sya dito... h'wag mo syang papapasukin dito."

"Love quarrel ba Ma'am?" Pabiro nyang tanong sa akin.

Sumimsim ako ng gatas na hawak ko, "Hindi naman, naiinis lang ako sa kanya kasi hindi man lang sya nag re-reply sa mga text ko."

"Sus, baka pinag palit ka na..." at bigla syang tumawa ng malakas habang hinahalo-halo nya ang nilulutong ulam.

Ang sakit no'n, hindi ko alam ang mararamdaman ko kung gawin man nya iyon sa akin, sa aming dalawa ng anak namin.

Isinantabi ko na lang ang nasa isip ko bago ko kinurot ng bahagya ang tagiliran nya. "Hindi nya gagawin 'yon," depensa ko.

Undo This HurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon