Medyo na nibago na naman ako dahil sa biglaang pag lipat ko sa bahay nila Ninang. Nami-Miss ko na ang mga bata at pati na rin ang pag tuturo sa kanila. I'd stay to the house at the entire day without someone to talk. Without anything but my book.Nanaliti ako ng isang buong araw sa aking dating kwarto habang nag babasa patungkol sa mga baby and how to handle and care them. Dinadalhan lamang ako ng kasambahay ng pagkain at maiinom every other hour dito sa loob ng kwarto. Aminin ko man o hindi, sobra sobra na talaga ang excitement kong makita ang unang anak ko.
Gusto ko na syang mahawakan at mahagkan ang kanyang pisngi at labi. Pinag masdan kong muli ang ultra sound copy ni Baby Nigel, bago pa man ako makatulog sa aking higaan.
Masyado kong nilibang ang aking sarili noong gabing iyon kaya naman pag karaan ng buong gabi, kaunting oras lamang ako nakatulog. Mas sumakit ang aking ulo hindi ko kinaya ang panandaliang sakit.
Kahit na ilang beses na akong inaya ni Ninang na bumaba at mag almusal sa ibaba, hindi pa rin ako bumangon. I excused myself several times to her and to her maid. Kaya naman dinalhan na lamang ako ni Mae ng pag kain sa loob ng kwarto ko.
Bandang tanghali nang makatayo ako sa higaan ko dahil sa gutom. Kinain ko ang kalahati ng dinalang pag kain ni Mae. At pag katapos ay pinilit kong bumaba, upang kausapin si Ninang.
Pero nang makababa ako sa hagdan ay agad kong napansin ang madaming asul na lobo sa sahig, pati na rin sa ibang sulok ng sala. Nag taka ako noong una, pero nang makita ko si Carmela na biglang sumulpot sa isang sulok ay doon na ako naging mas masaya.
May hawak itong sunflower, na halos kasing laki na nang kanyang maliit na mukha. Unti-onti syang lumalapit sa akin habang nakangiti ng masaya. Nang malapit na sya sa akin ay bigla syang tumakbo at agad akong niyakap.
"Ate! Na-mish kita ng sobra..." Nasabi ni Carmela habang nakayakap sa akin. Inabot ko ang sunflower sa kanya at agad ko naman syang binigyan ng halik sa pisngi.
"Ako din, Carmela, na-miss ko kayo lalo ka na! Na sobrang kulit." Nakangiti kong sambit, at mahina kong pinisil ang kanyang pisngi.
Mas lumawak ang kanyang ngiti pag katapos kong sabihin sa kanya iyon. Hinawakan nya ang aking kamay at hinila ako palabas ng bahay.
Pagka bukas na pagka bukas pa lamang namin sa pinto ay rinig na namin agad ang halakhakan ng ilang tao sa labas. Doon ko lamang napag tanto na isa itong baby shower para sa amin ng baby Nigel ko.
Agad kong niyakap si Sister Charm at si Ninang nang makita ko sila doon. Puro asul ang lahat ng disenyo at gamit sa labas ng bahay. May pag kain din doon. At ang mga pag kaing iyon ay ang hilig kong kainin simula noong pinag buntis ko si Isaac at hanggang ngayon.
"Salamat po!" Sobrang laki ng pasasalamat ko sa mga taong nandito ngayon. At higit ako nag papasalamat sa Diyos dahil sya ang dahilan ng lahat ng ito. Binigyan nya ulit ako ng dahilan upang maging mas masaya.
Ngunit noong mga sandaling iyon, napansin kong wala si Papa sa isa sa mga dumalo. Aaminin kong medyo nalungkot ako dahil doon. Pero hindi pa rin iyon ang magiging dahilan upang mas lalo akong maging malungkot. Itinanim ko na lamang sa isip ko na dadating din sya. Lalo na ngayon na ilang araw na lang ay maari na akong manganak sa una at pinaka mamahal kong anak.
Lumapit sa akin si Richard nang makahabol sila sa kasiyahan. May dala itong regalo para kay Baby Nigel. Sa totoo lang, mas excite din sya na makita ang sabi nyang anghel naming lahat. Lagi nyang binabanggit iyon, lalo na kapag nakatapat ang kanyang bibig sa aking maumbok na tiyan. Kinakausap nya ng mahinahon, at minsan ay nag kukwento kung gaano kaganda lumabas sa tiyan ko. Mababait ang mga tao at mapag mahal.
BINABASA MO ANG
Undo This Hurt
General Fiction[FIL/ENG/PORTUGUESE] Payton Neville is a young girl seeking for someone to stay with her while in the gloomy days. As time goes by, she will meet the Adachi twins. She will suffer from the night she met the twins up to the days she had Nigel. But fa...