Soundtrack: Helium, by Sia
Nag paalam kaming tatlo nila Ismael sa mga kamag-anak nila. Nag pasalamat na din kami sa isang magandang pag tanggap nila sa amin. Ito ang unang beses kong nakita ang mga kamag-anak nila tita Lilybeth at siguro ito na rin ang huling beses na makikita ko sila sa ganitong magandang estado ng saya.
Niyakap ni Nigel ay mga lola nya at mga tito bago sya tumakbo palapit sa akin. Hinawakan nya ang kamay ko at sabay kaming nag lakad palabas ng gate. Binuksan ko ang pinto at pumasok sya doon para umupo sa likod. Gan'on din ang ginawa ko nang mabuksan ko pinto ng passenger's seat. At ilang minuto lang ang lumipas at natapos na din ang usapan nila Ismael at Jerome. Naupo si Ismael driver's seat para maniubrahin ang sasakyan.
Pinag masdan ko ang nakangiti nyang mukha hanggang sa mapag tanto kong sya ang mas lubos na mahihirapan sa bandang huli. Isang pag sasakripisyo na naman ang maaaring mangyari kung saka-sakaling hindi ko na kayanin. Kagabi ko naramdaman ang tunay na sya nang kausapin nya si Nigel. Sya ang Ismael na minahal ko noon at minamahal hanggang ngayon.
Hinawakan ko ang kanyang kanang kamay pagkatapos nyang isaksak ang susi sa ignition. Napalingon sya sa akin habang may ngiti pa rin ang kanyang mga labi. "Is there's something wrong, Mahal?" Natanong nya bigla.
Mabilis akong umiling para sa kanya, "Wala naman, Mahal. Gusto ko lang sabihin na I love you."
Napangiti sya kaya dahan-dahan nya akong hinalikan sa aking noo, "I love you, too, Mahal. Babawi ako sa apartment mamaya." Sagot nya at saka sya kumindat bago tuluyang paandarin ang sasakyan nya.
Ngumiti na lamang ako sa maganda na aking makakaya nang gan'on ay hindi sya mag-alala o mag-tanong kung ano ang nasa isip ko.
Kagabi nataranta ako nang muntik nyang makita ang mga gamot na iniinom ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung saka-sakaling makikita nya iyon at alamin kung para saan iyong mga gamot na iyon. Ayoko syang saktan pero hindi ko napapansing sinasaktan ko na sya ngayon pa lang dahil sa hindi pag sabi nang totoo sa kanya.
--
Nakaupo kaming dalawa ni Nigel sa sofa habang binabasahan ko sya ng libro. Naupo si Ismael sa tabi ko at inamoy-amoy ang leeg ko pagkatapos nyang ilapas sa lamesita ang isang pinggan ng biscuits at isang bowl ng hiwa-hiwang mansanas.
"Mimmy, if ever I had a dog I would like it to be like Toto, I want it to be black and fury." Tinuro ni Nigel ang asong si Toto sa cover ng librong 'Wizard of Oz'.
Pinunasan ko ang pawis nya sa noo gamit ang palad ko, "Kelan mo ba gustong mag karoon ng dog?" Tinanong ko sya.
Napatingala sya sa akin habang ang daddy naman nya ay walang tigil sa pag kiliti ng leeg ko. "Hmm, I want it any time, mimmy, but I think I might not take care of it because I'm responsible to take care of my siblings first."
Ginulo ni Ismael ang buhok ni Nigel nang marinig nya iyon mula sa panganay namin. "You don't have to mind all the responsibilities to your little ones, big boy, nandito naman si daddy at mimmy para sa kanila, hindi ba mimmy?"
Namintig ang tainga ko nang itanong iyon ni Ismael sa akin, nandito para sa kanila? Sa isip-isip ko mukhang malabo na iyon. Pero ano nga bang ginagawa ng isang tao bago umalis? Kailangan ko munang masigurong panatag sila at kailangan ko muna din silang mapasaya. Kaya kung sasabihin ko ang totoo magiging malungkot lang sila. Pero kung sasabihin kong nandito lang ako para sa kanila mapapanatag na sila at mas lalong magiging masaya.
"Oo naman, nandito lang si mimmy para sa inyo." Niyakap ko sila nang sabay. Pinilit kong hindi maluha. Gusto kong mapatunayang malakas pa rin ako kahit n minsan nakakaramdam na ako ng pananakit ng mga buto sa buong katawan ko.
BINABASA MO ANG
Undo This Hurt
General Fiction[FIL/ENG/PORTUGUESE] Payton Neville is a young girl seeking for someone to stay with her while in the gloomy days. As time goes by, she will meet the Adachi twins. She will suffer from the night she met the twins up to the days she had Nigel. But fa...