Five

3.4K 120 6
                                    

Tok! Tok! Tok! Tok

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tok! Tok! Tok! Tok

Malakas na sunod sunod na katok sa pinto ng kwarto ko, Pero hindi ko iyon pinansin..

'Debieee anak bangon kana jan at may bisita ka rito..

'Ummmmm ungol lang ang sagot ko at hindi paren ako bumangon sa higaan dahil tinatamad talaga ako..

Maya pa ay narinig ko ng bumukas ang pinto pero hindi ko na yun pinansin dahil inaantok pa ako.. Wala rin akong ganang tumayo.. Pero ang diwa ko ay gising na gising kahit ang yabag ng mga paa nito ay naririnig ko.. Sanay na rin ako na may pumapasok rito sa kwarto ko kahit na tulog ako dahil si Nanay, Tatay at Bes louie lang naman ang madalas na pumapasok dito,

Nakadapa akong nakahiga sa kama na panty lang ang suot ko, Madalas ganito ako dahil nasanay akong ganito mula pag kabata.. Madalas ay nahuhulog pa ako sa sahig at dun na rin ako nakaka tulog.. Madalas si Tatay pa ang bumubuhat saken sa tuwing nasa lapag niya akong naabutan, Madalas din ay may bukol ako sa ulo dahil na rin sa pag kakalaglag ko sa kama..

'Debie mahinang tawag niya saken at ramdam kong nasa malapit lang sha..
Gusto kong dumilat pero hindi ko magawa dahil sa inaantok pa ako,

Naramdaman ko na lang na mejo gumalaw ang kama ko at may tumabi na saken, si Nanay lang naman ang madalas ang tumatabi saken kapag tulog ako sha kasi ang alarm ko kapag hirap akong gumising sa umaga at sa tanghali,

Tas sunod ay may humaplos na mainit na kamay sa pisnge ko na mejo napapagalaw pa ako ng konte dahil na kikiliti ako sa bawat dampi ng daliri niya,
Dinig ko pa ang mahinang tawa niya.. Maya pa ay humaplos ulit iyon mula sa aking ilong paibaba sa aking labi.. Nakadampi roon ang daliri niya..

At doon ako biglang nagising dahil pakiramdam ko ibang tao ang katabi ko ngayon.. Tama nga ako

'Anong ginagawa mo rito!!

Nagulat pa ito ng magising ako..

'R-relax wala akong gagawin sayo? Tumayo ito sa pagkaka upo niya sa kama ko.. Malapit iyon saken

'Wala?! Bakit nandito kang manyak ka!!

'Tsh! Manyak agad?? Hoy nandito ako para ihatid itong cellphone mu! Hagis pa niya sa ibabaw ng kama ko, -Naiwan muyan sa bahay at nakita ng mga katulong ko sa may sofa,

'G-ganun ba??.. Teka paano mu nalaman bahay namin?? Ani kong nakataas pa ang kilay sakanya..

'Kasama ko si Cailo.. Nasa baba sha kausap ng Tatay mu.. Sagot nitong pinag mamasdan ang kabuuan ng kwarto ko.. Nang mag sawa ito bumalik ang paningin nito saken.. Feeling ko minamanyak na ako ng mapanuri niyang mata..

Hinablot ko agad ang kumot ko at itinakip iyon sa katawan ko..

'Tsh! Wag kang feeling hindi kita pag nanasahan! Kahit nga mag hubad kapa sa harap ko never akong maakit sayo!! Pag didiin pa nito..

DEBIE (GAYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon