AHKING
Pumasok na lahat ng mga bata sa loob ng bahay at nasa sala sila ngayon na nag kukwentuhan kasama ang dalawang kapatid na babae ni Debie, Samantalang kami ng Daddy niya ang naiwan dito sa labas dahil nais daw niya akong maka usap, Mejo nag hahalo yung nararamdaman kong takot simula ng ipinakilala ako ni Debie sa Daddy niya..
# FLASHBACK
*Ipina kilala ni Debie isa isa ang mga kaibigan niya sa kanyang Daddy at ako yung pinaka pang huling ipinakilala niya dito*
*'Daddy sha nga po pala si Daddy Ahking anak po niya si Bonbon kaklase ko at magiging asawa ko soon'*
*Mejo nagulat pa nga ito ng ma-ipakilala ako ng anak niya na parang sinusuri pa niya ang aking mukha, Pagkatapos ay ngumiti ito ng saglit sakin saka sha bumaling ulit ke Debie*
*'Asawa talaga anak'??*
*'Oo naman po Daddy.. kaya nga Daddy na rin ang tawag ko sakanya ee'*
*At habang pinakikinggan ko ang mag amang nag uusap pansin kong hindi sha tutol sa kung ano man ang kagustuhan ng kanyang anak, kung sa ibang magulang ito baka pinagalitan na ito dahil naren sa kanyang kasarian o di kaya'y pag dudahan na rin ang aking anak na si Jeyzen kung totoo ba sha ke Debie.. alam naman natin na hindi lahat ng lalake ay sumiseryo sa ganitong uri ng relashon lalo pa at binabae ang kanyang anak,*
*'Oh sige na Debie pumasok muna kayo sa loob ng bahay at mag uusap muna kami ng Daddy Ahking mu huh!??'*
*Kurot pa niya pisnge ni Debie at saka sha ulit nito yinakap ng mahigpit*
-END OF FLASHBACK-
Pumwesto kami malapit sa gate at nag sindi agad ako ng aking sigarilyo para mabawasan ang kaba sa aking dibdib, inalok ko pa nga itong ng aking sigarilyo pero tinggihan niya lang ako dahil magagalit daw ang asawa niya, Naalala ko tuloy nung gabing yun na nandito kami ni Lykah sa labas, Nagalit nga pala sha sakin nung makita niya akong naninigarilyo, Akala ko kasi ay paraan lamang niya yun para asarin lang ako.. hindi pala 🙄
Ginagawa ko lang naman ito kapag wala akong magawa at pag na lulungkot o di kaya ay kinakabahan tulad nito ngayon,
'Ikaw pala si Ahking??
Basag niya ng katahimikan namin at nagka tinginanan pa kaming dalawa.. sa tuno pa lang ng kanyang pananalita nun ay parang kilala niya na ang pagkatao ko..
'O-oo ako nga Kabado kong sagot at tumango-tango ito at nabaling ang tingin nito sa labas ng gate..
'Ako nga pala si Genzo.. Pasensha kana kung late na akong mag pakilala sayo aa..
'N-naku wala yun hindi muna man kelangan humingi ng pasensha sakin ee.. Ngiti naming dalawa at mejo gumaan rin kahit papaano ang aking nararamdamang kaba, sa nakikita ko naman mabait shang tao at hindi naman niya siguro ako kakainin ee 😁
'Hindi kaba nagtataka Ahking kung bakit gusto kitang kausapin??
'Huh' ah umm.. H-Hindi ee kahit na mahinahon lang ang kanyang pag sasalita hindi ko talagang maiwasang kabahan sa tuwing sasagot ako sakanya, Feeling ko tuloy may alam sha tungkol sakin ee 😖
'Diba ikaw ang Ex ng asawa ko??
'Huh!?? O-oo ako nga P-p-paano mo nalaman!?? Sabay napangisi ito ng bahagya ng umiwas ako ng tingin sakanya nahahalata niya sigurong kinakakabahan ako..
BINABASA MO ANG
DEBIE (GAYXBOY)
Humor(GayxBoy) ☑️(COMPLETED) Si Debie ay may katangiang taglay na kayang maka-akit ng isang straight na lalake kahit na isa siyang binabae?kaya mabilis niyang napa ibig ang isang mabangis na tigre at na paamo ito ng ganun lang kadali sakanya,. Hinde niya...