SEKSTIEAT

1.2K 65 8
                                    

ARAW NG BAKASYON.

-

Ito yung araw na hindi kami magkasamang natulog ni Bakulaw dahil nung araw kasi na nandun kaming lahat sa Marcelo ville tumawag si Daddy Ahking ke Bon ng bandang hapon, Naki usap ito sakanya na samahan muna si Kuya Jace sa Eastern Samar at baka tumagal pa raw sha ng mga ilang araw sa dadaluhan pa niyang mga event sa Dubai, Himala nga at pumayag ito?.. Sumabay na rin sakanya si Andoy at isinama rin niya si Raffy sa pag uwe ng samar, 'Ganda talaga ng kaibigan ko ee bat hindi kapa nalumpo charot lang!

✌️😁

Inisip ko nung mga oras na yun baka bukas pa ito maka uwe kaya sa bahay ako natulog halos dun na kasi ako natutulog kela Bon, kulang na nga lang dun niya na ako patirahin ee.. kaya ayon nagkamali ako na akala ko ay bukas pa ang uwe niya, Naka uwe na pala sha ng bahay niya madaling araw na.... Gusto niya sana akong tawagan kaso baka maisturbo daw niya ang tulog ko at sa dala rin ng pagod daw niya hindi na sha nakapag bihis pa at nakatulog na sha na yun parin daw ang suot niya..

Ngayong alas onse ng umaga kaka baba ko lang din ng kwarto, Bago ako lumabas ng kwarto ay nag linis muna ako sa payatas kong kwarto.. nakakahiya rin sa nag lilinis ee at panay kalat lang ang ginagawa ko rito at alam nyo ba na hindi si Mommy at si Nanay ang nag lilinis ng aking kwarto kundi si Bakulaw?.. Magagalit na naman yun sakin pag nadatnan niya na makalat sa kwarto ko,

Sakto sa paglabas ko ng aking kwarto ay narinig ko ang malakas na sigaw ni Mommy..

'DEBIEEEEEE!

Sigaw ni Mommy at patakbo na akong bumaba ng hagdan,

'Bakit po?

'Hatid mu muna ito sa Daddy mu, Abot niya sakin ng paper bag at sinilip ko iyon kung anong laman, 'Pagkain yan ng Daddy mu at paki bigay narin itong cellphone at Vitamins niya.. naiwan niya kasi ito kakamadali niya ee,. Saka sunod naman itong  bumunot sa kanyang bulsa at inabot sakin ang bente pesos na papel, -Sumakay kana ng trayk baka nagugutom na Daddy mu?

Tumango lang ako ng sagot at pumasok na si Mommy sa kusina.. Lumabas na rin ako ng bahay at tumawag ng tricycle sa tapat ng gate namin.. nakakatamad kasing tumawid ang init init.. Agad naman lumapit ang trayk na tinawag ko at dali dali akong sumakay sa loob..

''KUYA MANSION DEL FUERO PO"

Sabay abot ko ng bayad at umandar na ang aming chopper.. chopper talaga ✌️😁 sa bilis ng aming chopper wala pang sampung minuto ay narating na namin ang Mansion Del Fuero,

Pagkababa ko ng trayk ay naka agaw  pansin sakin ang mga ingay na nanaggagaling sa loob ng Gate, Mabilis lang akong napasulyap roon kung saan nanggagaling ang mga ingay habang hinihintay ko ang sukli ke Manong trayk, Nang maibigay na sakin amg sukli ko ay patakbo pa akong bitbit ang paper bag at pinindot ang doorbell sa Gate ng Mansion,

"TAO PO PABILING  YELO!"

Char lang!!

Mga ilang minuto pa ay bumukas na iyon at bumungad sakin ang isang lalake na naka suot ng Construction long sleeve na kulay asul at helmet na kulay orange,

'Ano po iyon??

Sasagot na sana ako kay kuya ng biglang pag sulpot ni Bakulaw sa kanyang likuran,

'Asawa ko yan kuya!!..

Lingon ni Kuya sa kanyang likuran ng marinig niya boses ni Bonbon..

'Ay kayo pala Sir.. sorry po hindi ko alam na asawa nyu pala sha?.. Ngiti niya samin dalawa .

'Hindi ok lang sige na bumalik kana sa trabaho mu!

Pumasok na ako sa loob bitbit ang paper bag na dala ko at mabilis itong napansin ni Bon,

DEBIE (GAYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon