10

2.3K 105 1
                                    


ARTHORR POV

Mula kanina pa ay mainit na ang mata ko sa baklang ito.. Lalo pa nung inutos ni One saken na bantayan itong classmate niyang bading na nag papainit ng dugo ko.. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganun na lamang ka tindi ang nararamdaman ko sa taong ito samantalang ang ibang kagaya niyang nakaka salamuha ko dito sa campus ay hindi ganito ang aking reakshon.. Ni hindi ko nga sila magawang batiin dahil hindi sila nakaka tuwang tignan,.

Dagdag pang nakaka irita ang mga titig niya saken na nag papasira ng konsentrashon ko na sha lamang ang nakaka gawa nun.. Paano mu nga ba nagagawa ang isang bagay na hindi nagagawa ng ibang tao saken? May kakaiba kang katangian na kaya mung palingunin ang isang tao??.. at kaya mu rin akitin ng walang kahirap-hirap..  Kumuyom agad ang aking kamao ng matapat ang paningin ko sakanyang labi at hindi ko na rin napigilan ang aking sarili na hawakan agad ng mahigpit ang kanyang leeg dahil hindi ko nagugustuhan ang ginagawa niyang kawirduhan saken,. kaya mas mainam ng tuluyan kanang hindi magising..

'Ugh!

Ang mahina niyang pag ungol at pag hahabol ng hininga ang shang nag bibigay saken ng kasiyan ngayon lalo pa sa payat niyang iyon ay madali ko lamang shang nai-angat sa kanyang higaan gamit lamang ang kaliwa kung kamay..

'Arthorr ano bang ginagawa mu sa kaibigan ko!!

Saglit akong nahinto ng makalimutan ko pa lang may kasama pala ako rito pero hindi iyon naging hadlang saken dahil patuloy ko parin na sinasakal paangat ang kaibigan niya.. Parang wala naring kontrol ang aking kamay na para bang may sarili itong buhay,. Kaya otomatikong namang nahawi ko sha ng kanan kong kamay habang nakatuon ang paningin ko sa kaibigan niyang malapit ng malagutan ng hininga,.

'Arthorr!! Please tumigil kana baka mapatay mu si Debie!!!

Nang makita kong nag iiba na ang kulay niya ay lumuwag ang aking kamay sa pagkakasakal sakanya.. Hindi ko alam kong paano iyon nangyari at hanggang sa mabitawan ko sha-

Umubo sha ng umubo at naghahabol ng kanyang hininga.. Nakaramdam ako ng takot at awa ng makita ko ang pag luha niya sa aking harapan kasabay ng matatalim niyang mga tingin ang shang nag bigay ng takot saken..

'Walang hiya ka Arthorr!! May balak ka bang patayin ang kaibigan ko!!

Sabay tulak saken ni Louie at nag simula ulit itong umiyak at yinakap ang kaibigang nahihirapan sakanyang pag hinga.. Hahakbang pa lang sana ako papalapit sakanila ng marinig ko agad boses ni One..

'Arthorr!!.. Nahinto agad ang One ng madatnan niyang umuubo paren ang baklang nag ngangalang Debie, Nag taka ito ng makalapit ito samin.. -Anong nangyari dito at .. bakit umiiyak ka Louie??.. Aniyang naka tingin sa aming tatlo..

Para akong napahiya sa mga oras na ito at pag yuko na lamang ang nagawa ko at hinintay mag salita ang dalawa.. Pero bago mag salita si Louie ay pinutol na iyon ni Debie na shang ikinaangat ng paningin ko..

'Wala Uno! Umm.. Nagising kasi ako dahil siguro sa epekto ata ng gamot na ipinainom saken.. M-may allergy kasi ako sa gamot ee.. kaya ganito ang epekto saken,.

Pag sisinungling niya ke One at nagawa pa akong ngitian ni Debie pagkatapos niyang sagutin ang tanong ng kaibigan ko.. Hindi ko alam kong anong pumasok sa isip niya at kailangan pang pag takpan ako?. Tanga ba sha?

'Ahh ganun ba?? Tumingin pa saken si One., Geh kausapin ko lang si Doc para kung sakaling bibigyan ka ng gamot ay alam na nila ang gagawin..

'A-ako na! Ako na ang kakausap One! Pag bubulontaryo ko at hindi ko na talaga makayang tumayo pa sa harapan nila at mabilis kong nilisan ang silid na iyon hanggang sa makalabas ako ng building.. Huminto ako saglit at napahilamos ng mukha habang naka tingala ng bahagya sa kalangitan,. Saka humugot ng malalim na hangin dala ng hindi ko maipaliwanag na wirdong pakiramdam- 'Ang ngiti niyang iyon...

DEBIE (GAYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon