Nonoy POV-
-
Mabilis ang mga araw at Feb 28 na.. ito ang araw ng aking kapanganakan na ngayon ay labing limang taong gulang na ako.. Nasorpresa pa ako dahil may munting handa ang pinaka mamahal kong ina na ayaw niyang palagpasin sa aking ka arawan.. Sabi ko pa nga sa aking sarili kahit pansit na lang ay masaya na ako dun.. pero binilhan pa ako ni Nanay ng cake at may kasama pang regalo.. At ito pa sa daldal ng Nanay ko pina alam pa niya kela Arthorr na kaarawan ko ngayon dahil kinuha pala ni Uno ang cellphone number ni Nanay at minsan ay nagkakausap din pala sila kaya ngayon lahat sila nandito at nag sasaya kaming nag vi-video ok,
'Oh Noy ikaw muna bahala sa mga bisita mu hah at pupunta lang ako ng palengke dahil nakalimutan kong bumili ng puto?
'Nayy wag ka ng bumili andami na nito ee.. eto palang dala nila Arthorr hindi na mag kasha sa lamesa tas bibili kapa
Tas biglang kontra ni Arthorr sakin
'Pag bigyan muna ang Nanay mu Noy total kaarawan mu naman dapat pagbigyan mu sha sa dapat niyang gawin para sayo?..
'Naku iho ganyan talaga yang batang yan! Pag birthday niya ayaw niya ng hinahandaan sha dahil gastos lang daw iyon?.. Oh sha mga bata mauna na ako sa labas hah!
Paalam pa ni Nanay at wala narin akong nagawa dahil pinagtulungan na nila ako ni Arthorr at balik ulit kami sa mga kaibigan naming nag sasayang nag kakantahan sa bahay,
'Dapat sinama nyu man lang si Jeyzen dito Arthorr?
Simula ko pag kaupo namin dalawa sa tabi ng mga kaibigan namin
'Yun din ang naisip namin kaso umalis sila ng Daddy niya eh?
'Aa ganun ba sayang naman..
'Naku Noy wag munang intindihin yun mas okay pang wala ditong pasaway dahil nakakapagod mag alaga ng batang may tuliling! Sabay tawa naming dalawa ni Arthorr dagdag pa niya mas malala pa daw ito pag naka inom kaya mas mainam daw na iwas muna sila kay Jeyzen 😁
'Wag kayo mashadong uminom ng marami Arthorr baka hindi kayo makapasok niyan bukas.. Mahirap na lalo kapag may hang over kayo na papasok sa school
'Wag kang mag alala Noy hindi naman ako iinom dahil iwas din ako ngayon sa alak kasi mabilis lang akong tamaan niyan..
'Mabuti kong ganun Arthorr dahil kung lahat kayo iinom malamang walang mag mamaneho senyo pauwe..
'Tama ka!
Thumbs up pa ni Arthorr sakin habang sumasandok ito ng pansit sa kawaling nakapatong sa lamesa.. At alam nyu bang sha ang pinaka malakas ditong kumain dahil nakaka anim na plato na ito ng pansit 😂 na niluto ni Nanay.. Nakakatuwa lang dahil nagustuhan niya ang luto ni Nanay at wala itong ka arti-arte lalo na yung inorder ni nanay na..
🔹pitchi pitchi
🔹cassava cake
🔹sapin sapin
🔹 palitawNagustuhan din iyon ng mga kaibigan ni Arthorr na sila Uno, kiko, JM at Cailo akala ko nga hindi sila kumakain ng ganitong uri ng pagkain dahil sa anak mayaman sila ee.. Kasi diba karamihan sakanila ay maaarti sa pag pili ng pagkain dahil inaalala nila ang kalusugan nila baka manaba sila o ano pa man.. Tas ang nakakatuwa pa sa mga kaibigan ni Arthorr ay para silang mga ignorante lalo na nung makita nila ang mga kakanin sa lamesa, bawat kuha kasi nila ay Inaamoy pa nila isa isa ang mga ito saka nila titikman at magtatawanan.. ngayon pa lang daw sila naka kain ng kakanin kasi daw sa tv lang daw nila ito nakikita at hindi pa nila ito natitikman.. Kaya itong si Arthorr nagustuhan nya yung palitaw at nag tabi pa ito para daw kainin niya pag uwi nila..
BINABASA MO ANG
DEBIE (GAYXBOY)
Humor(GayxBoy) ☑️(COMPLETED) Si Debie ay may katangiang taglay na kayang maka-akit ng isang straight na lalake kahit na isa siyang binabae?kaya mabilis niyang napa ibig ang isang mabangis na tigre at na paamo ito ng ganun lang kadali sakanya,. Hinde niya...