NONOY POV
'Debie anak dito ka muna sa bahay hah? kelangan ko munang pumunta ng palengke, wag kang mag alala may kasama ka naman dito sa bahay anjan si Nonoy ang anak ko,
Pagtango na lang ang sagot ko kay nanay Pilar habang inaayos ang kanyang sarili sa harap ng salamin, -'Ayos lang po Nay Pilar ingat po kayo, hinatid ko pa ito palabas ng pintuan at may bitbit pa itong bayong,
'Nonoy wag ka mashadong magla-lalayo hah walang kasama dito si Debie? Bilin pa ng Matanda sakanya
'Nay ok lang po wag na po kayo mag alala saken, sulyap ko sa kanyang binatang anak na tutok pa ito sa tv,
'Oh sha sige kayo ng bahala sa bahay?
Pagka alis ni nanay Pilar ay pinag mamasdan ko paren sha palabas ng iskinita, Nang mawala na sha sa aking paningin ay isinara ko na ang pinto ng bahay para isakatuparan ang aking misyon charot!! Umupo agad ako sa mahabang upuan nila na monoblock, Dun mismo sa inuupuan ni nonoy pero hindi naman ako tumabi sakanya mejo malayo lang ng konti,
'Nonoy wala kang pasok? Panimula kong tanong sakanya,
'Hindi na ako nag aaral huminto nako Tumutulong na lang ako kay nanay sa pagtitinda ng isda sa palengke, Tugon naman nito na ang akala ko pa naman ay iisnabin ako,.
'Aah ganun ba??. Highschool ka rin ba kagaya ko??
'First year college na sana ako sa pasukan, lingon niya saken ng hindi ko inaasahan, ikaw???
'4th year high school pa lang ako,
'Huminto ka rin ba???
'Hindi… malungkot kong sagot kay nonoy ng mapansin niya na bigla akong tumahimik na lang.. Shempre nalulungkot ako? Pasukan ngayon tas nandito ako sa bahay nila, Jusko ano ba itong pinasok ko??
'Oh bakit may problema ba??
'Huh?? W-Wala naman, 1st absent ko nga ito ee! ngiti ko pa sakanya, mejo hindi lang maganda ang nangyari,
'Sabi daw kasi ni nanay na nag layas ka daw sa inyo?? Totoo ba iyon??
'Ang totoo hindi Noy! Hindi ko kasi nasabi sa nanay mu ang totoo dahil hindi ko kasi alam kung papaano ko sasabihin sakanya ang nangyari saken, mahabang istorya ee, W-wag na lang muna nating pag usapan yun, Nangilid agad ang luha ko dahil hindi ko narin napigilan ang emosyon ko,
'Bakit ginugulpi kaba sa inyo?
'Hindi!- 'Maikling sagot ko sakanya
'Aah ganun ba sorry! Kala ko kasi binubugbog ka senyo, Tara kain muna tayo! Tama na yang drama neyan gutom na itong mga alaga ko sa tiyan, Himas pa niya sa tiyan niya na tumayo sa kanyang inuupan, Sha pa yung nag asikaso saken kahit sa paglalagay ng kanin at ulam ko ay sha naren ang lagay sa plato ko, Napansin ko rin ang kyut talaga niya ngumiti! Ngumingiti kasi sha sa tuwing napapa sulyap ako sakanya, Enebeyern basa na panty ko! Debie umayos ka! Papagalitan ka ni Arthorr mo?
'Debie pwedeng mag tanong?
Napahinto pa ako sa pag subo ko ng kanin ng madinig ko ito,
'Um.. Ano yun?
'Wag kang magagalit sa tanong ko aa?
'Oh bakit naman ako magagalit?
'Babae kaba o lalake? Titig pa niya saken kaya napangiti na lang ako ng may kahulugan.. Siguro na gets na niya ang ibig kong sabihin,
'Talaga?? Nabiktima mu ako dun aa?? Sabagay hindi halata sa ichura mo??
'Hahah ganun?? Natawa pa kaming pareho,
BINABASA MO ANG
DEBIE (GAYXBOY)
Humor(GayxBoy) ☑️(COMPLETED) Si Debie ay may katangiang taglay na kayang maka-akit ng isang straight na lalake kahit na isa siyang binabae?kaya mabilis niyang napa ibig ang isang mabangis na tigre at na paamo ito ng ganun lang kadali sakanya,. Hinde niya...