SEBENTEWAN

618 45 17
                                    

DEBIE POV-


-

Nasa sala kaming lahat naka tambay at ako lamang ang naka tutok sa TV.. Hindi ko na nga marinig ng maayos itong pinanonood ko dahil ang mga bunganga ng mga kaibigan ko ang nangingibabaw sa kaingayan.. Kung hindi lang sana ako na hihiya ke Arthorr ay kanina ko pa sila pinatigil sa kaingayan nila.. ang kaso isa rin ito sa mga maiingay dahil panay ang tawa nito sa kagagawan nila kiko at JM..

Representative kasi ang dalawang kupal na ito at nangunguna sa mga kwentung "KKK" Kagaguhan, Kalibugan.. Kakornihan, Hindi pa sana hihinto ang dalawang ito kung hindi pa dumating sila Kuya Ichiro at Kuya Jace..

'Oh Shark tapos na kayong kumain??

Takang tanong ni Rayu, miski ako ay ganun rin dahil wala pa atang sampung minuto iyon..


'A-ah oo..

'Ano yang dala nyu??

Napatingin kaming lahat sa dala nilang malaking basket na bitbit ni Kuya Ichiro at nilapag agad niya ito sa gitnang lamesa na pinapaligiran ng malalaking couch kung saan kaming lahat naka upo..

Mabilis nag tayuan ang mga kaibigan ko sa kinauupuan nila at tiningnan ang laman ng basket na iyon.. Ayoko sanang makisali pero hinila agad ako ni Bon para sipatin ang dala nila Kuya Ichiro na pasalubong daw nila.. nasa likod lang ako ni Bon habang sha ay abala sa pag kuha ng anumang nasa loob ng basket na iyon..

'Pasalubong ko yan senyo galing sa samar.. Binili yan lahat ni Ichiro


Napalingon ako sa gawi nila kuya Ichiro ng marinig kong mag salitang muli si Kuya Jace.. at ng mag tama ang aming mga mata ay parang nagulat pa ito saken.. Mukhang hindi pa sha nakaka get over sa nangyari kanina..

'O-um.. Debie ayaw mu ba ng dala naming pasalubong??..

Napangisi tuloy si Kuya Ichiro sa sinabi ni Kuya Jace saken kaya pinanliitan tuloy sha ng mata nito..

'Wag kang mag alala Jace lahat yun magugustuhan niya..

'Papaano mu naman nasabi?? Pagtataray niyang sagot ke Kuya Ichiro

'Patay gutom yan kapatid ko! Mana ke Daddy

Sinamaan ko si Kuya ng tingin at nag tago ito sa likuran ni Kuya Jace at nag Peace sign ng kanyang daliri..

'Payat oh! Tikman mu dali.. Lapit ni Bon saken at isinubo agad sa bibig ko ang hawak niya na hindi ko man lang nakita kung ano ba iyon.. Ano masarap ba??

Tumango tango ako habang ngumunguya.. Mani iyon at manamis namis ang lasa niya.. talagang napakasarap ng lasa.. binigyan niya ako ng isang piraso at naka balot iyon sa puting papel.. parihaba iyon

'Wow ang sarap naman nito.. ngiti ko ng maubos ko ang binigay saken ni Bon

'Ito rin masarap payat tikman mu..

Hawak ni Bon ang isang bao ng niyog na may kasama pang dahon ng saging ang shang nakatakip dun sa bao.. Kumurot sha ng kapiranggot doon at isinubo niya muli ito sa bibig ko..

'Ang saraaap ano yan?? Tanong ko ke Bon na ngiting ngiti... ang kaso hindi naman niya alam kaya si Kuya Ichiro na ang sumagot saken..


'Binagol yan Bunso! Ako ang bumili niyan.. Nagustuhan mo ba??

Lapit ni kuya sa kinatatayuan namin ni Bon

'Oo kuya ang sarap niya.. Ee sila Nanay me pasalubong rin ba??

'Oo naman meron.. makakalimutan ko ba yun..

Nahinto ang aming pag uusap nila Kuya ng marinig namin ang boses ni Rayu.. kala mu sobrang layo ng kausap nito..

DEBIE (GAYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon